Baron Geisler turns table on daughter of William Martinez and Yayo Aguila

IMAGE 0


Baron Geisler's lawyer, Atty. Bonifacio Alentajan, claims: "Habol siya [Patricia] nang habol kahit saan lumipat ng mesa si Baron.Habol pa rin siya. Siniksik niya ang katawan niya pati ang kilikili niya. Yung mukha niya naisiksik niya sa kili-kilini Baron. Kasi ang higpit ng yakap niya. Siniksik niya ang bibig niya sa tengani Baron. Yun ang ikinainis ni Baron."


Binuweltahan ngyoung actor na si Baron Geisler ang anak nina Yayo Aguila at William Martinezna si Patricia Martinez. Sinampahan ni Baron ng reklamong unjust vexation si Patriciabilang sagot sa acts of lasciviousness na isinampa naman ng dalaga sa kanya. Nag-submitsi Baron ng kanyang counter-affidavit laban kay Patricia noong June 11.

Ayon kay Baron, si Patriciaraw ang nagyaya at nagpilit sa young actor. Si Patricia rin daw ang yumakap nangmahigpit kung kaya natamaan ni Baron ang dibdib nito.

Wala rin daw naganapna pambabastos. Nadismaya raw si Patricia dahil walang nangyari sa kanila niBaron. Sa inis ng young actor, binuweltahan niya ng reklamong unjust vexation (panggugulo o pang-iirita) sa kanya si Patricia.

Nagsalita angabogado ni Baron na si Atty. Bonifacio Alentajan sa The Buzz kahapon, June 15,tungkol sa kasong isinampa ng young actor sa korte.

Kuwento ni Atty.Alentajan, "Habol siya [Patricia] nang habol kahit saan lumipat ng mesa si Baron.Habol pa rin siya. Siniksik niya ang katawan niya pati ang kilikili niya. Yung mukha niya naisiksik niya sa kili-kilini Baron. Kasi ang higpit ng yakap niya. Siniksik niya ang bibig niya sa tengani Baron. Yun ang ikinainis ni Baron."

Taliwas naman ito sa naging unang pahayag ni Baron pagkatapos magsampa ng reklamo si Patricia. Ayon sa young actor, "Ako mahilig ako na kapag may bago akong role like bading, ginagawa koto my friends and asking for their approval. Ito bagong role ko namanyak. Siguro she took it a wrong way. Di ba, parang kapamilya? Soakala ko ay maiintindihan niya na naglalaro ako as a character. E,galing ako sa workshop, so yun lang."

Noong Biyernes, June13, kasama ang kanilang abogado na si Atty. Panelo, nakuha ng mga Martinez angkopya ng counter-affidavit ni Baron at pigil sila sa pagbibigay ng komento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nairita siya [Baron]. May sexual advances daw si Patrizha. Kapalniya!" sabi ni Atty. Panelo.

Dagdag pa ng abogado,"Pero yung affidavit niya, meron siyang pag-amin na na-touch niya yung breast."

Nagbigay rin ngpahayag sa The Buzz ang ina ni Patricia na si Yayo. "Itutuloy na lang natin yungcase. Kung ano yung sinabi ni Attorney, yun na. Ayoko talaga mag-comment. She'sokay, coping, thank you," pahayag ng aktres.

Ipinaliwanag namanng kaibigan at representative ni Baron na si Hazel Sarmiento kung bakit walaang young actor nang magsumite ng affidavit sina Patricia.

"Nag-submit na kaming counter-affidavit, e. Hindi siya available ngayon," sabi niya.

Mas pinili naman niBaron na manahimik at huwag nang magsalita tungkol sa kaso. Sa July 2 nakatakdaang susunod na hearing at, ayon sa abogadoni Baron, nakahanda ang kanilang kampo.

Ayon kay Atty.Alentajan, "Wala naman kaming hinihinging settlement, e. Akala nila babayaran silani Baron dahil nagdemanda siya? Sinusuwerte siya! Abangan n'yo na lang. Di ba, kungmaakyat ‘yan sa husgado, e, di abangan ninyo ang mga trial sa husgado."

Tinanong rin ng The Buzz kung sino ang mga representativeni Baron na pumupunta sa kanyang hearing. Ito ang naging pahayag ni Atty.Alentajan: "Mga fans niya na nag-volunteer sa kanya na kami na lang ang haharapdiyan. Babae kontra sa babae kasi kalaban ni Baron babae, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN