Krista Ranillo's director-boyfriend is okay with her going sexy in "Paupahan"

Jun 17, 2008
After completing her Interdisciplinary Studies course at the Ateneo de Manila University, Krista Ranillo immediately makes her comeback movie, Paupahan.

Ilang taon din na nawala sa limelight si Krista Ranillo na naging magandang desisyon on her part dahil yun ang panahong tinapos niya ang kanyang pag-aaral ng Interdisciplinary Studies sa Ateneo de Manila University. Now, Krista returns to showbiz with her comeback movie Paupahan under actor Allen Dizon's first as a film producer via his ATD Productions, with Direk Joven Tan as director.

ACCEPTING PAUPAHAN. Aware si Krista na ilan na rin ang nabigyan ng offer para sa role niya for Paupahan. Pero tila hindi kaya ng mga naunang inalok ang pagiging daring ng kanyang character sa pelikula.

Aniya "Noong ini-offer sa akin ni Tito Arnold Vegafria, my manager, naintriga ako kung bakit ang daming tumanggi sa role na ito. ‘Tapos nang binasa ko ang script, yun nga, medyo daring, sexy! ‘Tapos, yung mga dialogue din, medyo malupit talaga.

"Pero nakita ko rin naman na it's an acting piece at saka very challenging. So it was a comeback project for me."

Continue reading below ↓

ANGRY DAD. Para kay Krista, pinaka-daring ever ang papel niya sa Paupahan. At aminado nga siya na hindi nagustuhan ng daddy niya na si Mat Ranillo III ang pagpapaseksi niya.

"Nagalit siya. Aware naman si Daddy na gumagawa ako ng movie na Paupahan. Pero kasi hindi niya nabasa ang script at hindi rin niya napanood ang movie, so based on mga sinasabi lang kasi sa kanya, ikinukuwento sa kanya...iba-iba na. Mga nababasa sa diyaryo, mga nagte-text sa kanya."

May pakiusap nga raw ang aktor na si Mat nang malaman ang tungkol dito.

"Well, sinabi niya kung hindi ko raw ba puwedeng ipa-pull out, like mga pictures? Pero hindi naman kasi siya confrontational. Parang nagtatampo lang siya, hindi kami masyadong nagkakausap. E, sobra pa naman kaming close. So, ang hirap talaga."

Nang magpunta raw sila sa wake ni Rudy Fernandez, binati naman daw siya ng kanyang ama. Pero hanggang ganoon lang.

Continue reading below ↓

"Hindi kasi kami sabay na dumating. Ang kasabay ko kasi, si Direk Dom [Dominic Zapata, her TV director boyfriend]. Tinanong lang niya ako, ‘Kumain ka na ba?' Parang civil lang siya."

Kung may gusto man daw siya ngayon, ito ay ang makapaglaan ng oras ang kanyang daddy na panoorin ang movie sa premiere night nito sa June 29 sa Megamall.

"Actually, sinabi ko sa mommy ko na sana manood naman si Daddy para makita niya na maganda naman ang ginawa ko."

So far, maganda ang reviews ng ilang nakapanood na ng film. Nabigyan nga ito ng rating na Grade B ng Cinema Evaluation Board dahil na rin sa ipinakita ni Krista na pag-arte bilang trying hard bit player sa television at movies na nagpagamit sa iba't ibang production people just to get a significant role.

Twenty-three pa lang si Krista at isang fresh college graduate in real life. But she feels it is the right time at ready na talaga siya na ipakita ang daring side niya. Yun nga lang, hindi pa rin niya kayang mag-reason out sa daddy niya.

Continue reading below ↓

"Ayoko! Takot kasi ako sa kanya. Feeling ko, once na magsalita yun... Yun talaga ang pinaka-ayoko, kahit noong bata pa lang ako, takot ako na magalit ang daddy ko. Kasi hindi siya madaling magalit, e. Pero kapag nagalit siya, talagang galit."

GOING SEXY ALL THE WAY. Ayon kay Krista, pinaka-daring scene daw na ginawa niya rito ay ang love scene niya with Mon Confiado.

"Siguro yun ang pinaka-daring talaga. Kasi ginawa namin yun sa loob ng catering pan. So mainit siya, masikip! ‘Tapos, hindi siya closed set, kasi ang hirap nga, e."

After ng Paupahan, tila tuluy-tuloy na ang move niyang pagpapa-sexy dahil by August, siya naman ang featured cover girl ng FHM Philippines.

"After ng 100 Sexiest nila," sabi ni Krista. "Alam naman ni Daddy yun, pero hindi pa niya nakikita. Actually, ang sa daddy ko naman, hindi naman yung sa kailangang magpaalam ka. Ang sa kanya lang, at least alam niya, parang respeto na rin."

Continue reading below ↓

OKAY WITH DIREK DOM. When it comes to her boyfriend for almost seven years na si Direk Dom, who directs GMA-7 teleseryes, may approval daw nito ang pagpapaseksi niya.

"Okey lang naman sa kanya. Sabi naman niya, manonood daw siya ng premiere night. Pero ewan ko kung tototohanin, kasi echosero rin naman yun," biro pa ni Krista.

"Actually, sinabi ko rin sa kanya, ‘E, kasi, ayaw mo ‘kong i-cast sa mga soap mo, so gagawa ako ng pelikula!' ‘Tapos tumawa lang siya. Tinanong niya kung ano yung movie, although hindi niya nabasa ang script. So, surprise rin sa kanya. Pero sa kanilang dalawa, mas yung concern ko siyempre sa daddy ko na magpaalam kesa kay Direk," pag-amin pa niya.

Aminado si Krista na nakapag-adjust na raw siya sa sobrang busy ng schedule ng boyfriend bilang director.

"Ang tagal na kasi namin. Magse-seven years na yung relationship, pero kaibigan ko siya, mga nine years na. Bata pa talaga ako no'n.

Continue reading below ↓

"Okey naman kami, masaya naman. Dati kasi, may time. Pero noong mag-Mulawin siya, Darna, nahirapan talaga ako dahil hindi kasi ako sanay. Pero nakabuti rin na nag-aaral ako. ‘Tapos ngayon, busy naman ako sa promotion.

"But in fairness to him naman, he makes time naman. And, mabait naman siya. I think," natatawang sabi ni Krista.

WAITING FOR PROPOSAL. Kung sakaling yayain daw siya ng boyfriend na magpakasal, papayag na raw siya.

"Oo naman...ready na ako. Pero hindi pa niya ako niyayaya, e!" tawa niya. "Pero kung mga ten years pa siguro bago niya ako yayain, e, huwag na. Ayoko na, ‘no!

"Pero pinag-usapan naman kasi namin na yun nga, mag-focus muna raw ako sa comeback ko. Pero siyempre, ang tanda na niya, ‘no! Sabihin n'yo nga sa kanya," biro ni Krista. "Pero siguro, kaya naman din kami ganito, kasi okey naman talaga kaming dalawa."

Read Next
Read More Stories About
Krista Ranillo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After completing her Interdisciplinary Studies course at the Ateneo de Manila University, Krista Ranillo immediately makes her comeback movie, Paupahan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results