Patrick Garcia's mom to Jennylyn Mercado: "Knock and the door will be opened, ask and it shall be yours."

Jun 17, 2008
"We're still generous in our offer, as long as... The condition is she will tell the public that she needs the help na noon ay tinanggihan niya. Na kailangan na niya, hindi kami magdadalawang-isip na ibigay sa kanya ang tulong," says Patrick Garcia's mother, Mrs. Bing Garcia, about their previous offer to Jennylyn Mercado.

Bago umalis patungong U.S. ang young actor na si Patrick Garcia at ang ina nito na si Mrs. Bing Garcia, nakapanayam muna ng Showbiz Central ang ina ng young actor. Sa naturang interview na ipinalabas noong Linggo, June 15, walang hindi sinagot na tanong si Mrs. Garcia tungkol sa hindi pa rin matapos-tapos na isyu kaugnay ng anak na si Patrick at ng dati nitong girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Unang itinanong kay Mrs. Garcia ang tungkol diumano sa taong gustong mag-sponsor sa panganganak ni Jennylyn sa ibang bansa. May nakarating daw kasi na kamag-anak ng mga Garcia, isang 'Good Samaritan', at tinanggihan ito ni Jennylyn dahil hindi raw siya kumportable.

Pero ayon kay Mrs. Garcia, kailan lang niya nalaman ang isyung yun sa mismong doktor ni Jennylyn.

Kuwento niya, "Noong nasa St. Luke's ako, I was able to see accidentally yung pedia ni Jennylyn. Kaibigan pala ng wife ng friend ko. Tinatanong nga ako ng doktora niya kung bakit doon niya gustong manganak. Sabi ko, ‘Hindi ko alam, hindi ko naman siya nakakausap.'"

Continue reading below ↓

Dugtong ng mommy ni Patrick, "Parang nilalambing ni Jen na isponsoran siya."

Ayon sa report ng Showbiz Central, isang producer or promoter daw ang gustong mag-sponsor kay Jennylyn. Pero hindi raw totoo ang report na kamag-anak ito nina Patrick. Nagkataon naman daw na related pala ito sa manager ni Patrick na si Arnold Vegafria.

"I think, yeah. I think sa pagkakaintindi ko, siya [Jennylyn] yung nag-approach. Parang nilalambing ng girl na gusto niyang manganak sa States. Hindi lang niya alam na relative ni Arnold. E, hindi ko na rin naman tinanong kay Arnold kung ano ang sagot ng Good Samaritan, kung umoo ba siya. Narinig ko na lang din nang ini-announce ni Jen na parang umoo," saad ni Mrs. Garcia.

Sinubukan din ng Showbiz Central na hingan ng mensahe si Jennylyn ukol sa bagay na ito, pero tumanggi raw ang young actress. Instead, nagpadala na lang ng text message si Jennylyn kung saan nakasaad na napagdesisyunan na niyang dito na lang sa bansa manganak at hindi na sa Amerika.

Continue reading below ↓

Si Patrick naman ay nasa Amerika na ngayon.

Ayon kay Mrs. Garcia, "Stressful kasi ang year na ito. It started with stressful na pangyayari. Kita n'yo naman, late last year until early this year, maganda ang katawan ni Patrick at maganda ang ano niya... Pero along the way, nangayayat na siya at makikita mo talagang parang stressed siya.

"So, it's for his vacation, for him to get relaxed and he has a nutrition program. Physical wellness program, communication skill, meron siyang ini-enroll dun."

Pero bago pumunta ng Amerika, Patrick and sister Cheska Garcia went to Macau for a vacation, na gift naman daw sa kanila ng kanilang ama. Kinontra ni Mrs. Garcia ang balita na kaya umaalis si Patrick ay para makaiwas sa mga problema nila ni Jennylyn.

"Hindi naman siya pupuwedeng umiwas, e," sabi ng ina ni Patrick. "Siya pa ba ang iiwas, e, siya na nga ang iniwasan? Wala naman siyang dapat iwasan, di ba?"

Continue reading below ↓

Hindi pa tapos ang gusot sa problema ni Jennylyn at sa pamilya ni Patrick. Pero para kay Mrs. Garcia, na kay Jennylyn na raw ang susi para masolusyunan ito.

"E, sino ba ang nag-refuse?" tanong ng ina ni Patrick. "We're still generous in our offer, as long as... The condition is she will tell the public that she needs the help na noon ay tinanggihan niya. Na kailangan na niya, hindi kami magdadalawang-isip na ibigay sa kanya ang tulong.

"Kung kailangan mo ako, sabihin mo sa akin. Open naman kami. Knock and the door will be opened, ask and it shall be yours," pahayag ni Mrs. Garcia.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"We're still generous in our offer, as long as... The condition is she will tell the public that she needs the help na noon ay tinanggihan niya. Na kailangan na niya, hindi kami magdadalawang-isip na ibigay sa kanya ang tulong," says Patrick Garcia's mother, Mrs. Bing Garcia, about their previous offer to Jennylyn Mercado.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results