Princess Revilla: "Wala akong kasalanan."

by Julie E. Bonifacio
Jun 17, 2008
"Kasi before, hindi po ako nagsasalita sa mga dati.... Sa mga akusasyon sa akin nakaraang ilang taon. Ngayon po, humarap ako kasi kailangan na po magsalita, e. Una po, alang-alang sa mga anak ko," says former actress Princess Revilla about allegations that she maltreated her housemaid.

Sangkot muli sa kaso ng pang-aabuso at pambubugbog ang nakababatang kapatid ni Sen. Bong Revilla Jr. na si Princess Revilla-Ocampo.

Isang P16-million damage and civil lawsuit ang isinampa noong 1997 ng Commission on Human Rights laban sa dating aktres matapos humingi ng tulong sa kanila sina Precy Balolong at Rodelyn Lumactod. Sila ang sinasabing mga kasambahay ni Princess na diumano'y binugbog at inabuso niya.

Pagkalipas ng isang taon, na-acquit ang aktres nang biglang hindi na sumipot ang mga nagreklamong kasambahay at tila pinabayaan na ang kaso.

Noong June 11, muli na naman naharap sa parehong kaso si Princess. Ito'y matapos lumantad ang isang 17-anyos na kasambahay ng dating aktres na diumano'y tumakas mula sa bahay nila sa Casa Verde sa Barangay Ugong, Pasig City. Dahil daw yun sa pambubugbog sa kanya ni Princess.

Nakunan ng pahayag ng The Buzz ang kasambahay ni Princess.

Lahad nito, "Binubugbog po, inaano po sa pader ulo ko po. Namamaga pa nga po, e. ‘Tapos po, sinasabunutan po, pinapatiwarik po. Dalawang walis tambo, nabali na sa katawan ko po. Kanina nga pag-alis ko po, nanginginig pa po ako dahil pina-squat po ako ni Ma'am paggising ko po. Basta sinabi niya lang sa akin dahil daw po sa ginawa ko po sa pamilya nila po. Papatayin niya raw po ako sa bugbog po."

Continue reading below ↓

Kung sa unang kaso noong 1997 ay pinili ni Princess ang manahimik na lang, sa The Buzz noong Linggo, June 15, ay humarap si Princess sa publiko, kasama ang kanyang abogadong si Atty. Raymond Fortun.

Unang tinanong ng host ng The Buzz na si Cristy Fermin ang abugado ni Princess. Ipinalarawan kay Atty. Fortun ang reklamo ng kasambahay ni Princess at kung totoo ang akusasyon nito sa dating aktres.

"Definitely not. Sa aking pananaw po ay parang may isang madilim na kamay na nagpapatakbo dito, sa batang ito," lahad ni Atty. Fortun.

Posible raw na meron lang nagtuturo sa dating kasambahay ni Princess para sabihin ang kuwentong pananakit sa kanya.

"Opo," sabi ni Atty. Fortun. "Ang dahilan po na ang injuries daw ng bata na ito ay kamakailan lang. The records will show that as early as March 28, or more than two months ago, ay ‘yan na po ang kahuli-hulihang araw na nanilbihan ang babaeng ito sa bahay nina Princess."

Continue reading below ↓

CHILD ABUSE. Dalawang kaso ang isinampa ng dating kasambahay ni Princess sa kanya: serious physical injuries at child abuse.

"Child abuse daw kasi menor de edad daw itong bata na ito at sinaktan siya," pahayag ni Atty. Fortun.

Meron naman daw pinaghahawakang dokumento si Atty. Fortun na magpapatunay na hindi na menor de edad ang nasabing kasambahay ni Princess, batay sa isinulat mismo nitong birth date sa kanyang bio-data. Nakalagay sa kanyang bio-data na siya ay ipinanganak noong Setyembre 21, 1989.

"Yes, at ito pong mga pahayag na ito ay kanyang pinirmahan," dagdag pa ni Atty. Fortun.

"WALA PO AKONG KASALANAN." Diretsahan namang itinanggi ni Princess ang mga ibinibintang ng dating kasambahay.

"Wala po akong kasalan kaya nga po ako humaharap dito, e," sabi niya. "Kasi before, hindi po ako nagsasalita sa mga dati.... Sa mga akusasyon sa akin nakaraang ilang taon. Ngayon po, humarap ako kasi kailangan na po magsalita, e. Una po, alang-alang sa mga anak ko."

Continue reading below ↓

Ayon pa sa dating aktres, tumakas na raw dati ang kasambahay na ito matapos magnakaw. Isang pangyayaring inamin diumano ng dating kasambahay sa sulat na hawak nina Princess ngayon bilang ebidensiya.

"Actually, may blotter naman po ‘yon kasi nawalan ng pera yung anak ko," paliwanag ni Princess.

Ang tinutukoy na anak ni Princess ay nagngangalang Angelica. Nawala raw ang piggy bank ng anak niya, kaya sila nag-complain.

Pero ito naman ang kuwento ng dating kasambahay ni Princess: "May pinasulat po sa akin si Ma'am na nagnakaw daw po ako. Pinili niya po ako na pasulatin po ng ganun po. Nagnakaw daw po ako ng piggy bank ng anak niya na may lamang pera."

Sa salaysay pa ng dating kasambahay ni Princess, sinabi niyang tinalon niya ang mataas na bakod ng bahay nina Princess.

"Tumalon po ako magmula sa Casa Verde po. ‘Tapos sa likod po, may pader po diyan. Kahit ako masaktan po, basta makatakas lang ako sa kanya po. Papatayin daw po nila ako po," lahad ng kasambahay.

Continue reading below ↓

Pero kinontra ito ni Princess. Ayon sa kanya, hindi na raw siya umuuwi doon. Meron na raw siyang nabiling unit sa The Fort sa may Taguig City. Almost two months na rin daw siyang nag-i-stay doon.

Nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nagreklamong kasambahay ni Princess dahil sa kanyang batang gulang.

Inalam naman ni Cristy kung ano ang magiging damdamin ni Princess once na magharap na sila sa korte ng dating kasambahay niya. Nakahanda raw si Princess na harapin nang diretso ang babae.

"Haharapin na lang kita kung anuman yung mga akusasyon mo. Sa korte na lang po kami dapat magkita," pahayag ni Princess.

Pagkatapos ay nagbigay din ng ilang salita si Princess sa publiko.

"Bigyan n'yo lang ako ng chance na i-explain ko o iparamdam ko sa kanila kung ano ang nararamdaman ko ngayon at pagkakataon na i-prove sa inyo na talagang wala akong kasalanan dito," pahayag ni Princess.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi before, hindi po ako nagsasalita sa mga dati.... Sa mga akusasyon sa akin nakaraang ilang taon. Ngayon po, humarap ako kasi kailangan na po magsalita, e. Una po, alang-alang sa mga anak ko," says former actress Princess Revilla about allegations that she maltreated her housemaid.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results