Gabby Concepcion has no regrets about returning to the Philippines

by Rose Garcia
Jun 19, 2008
Three months since he returned to Manila, does Gabby Concepcion miss anything in the U.S., having lived there for 13 years? "Meron... Yung walang intriga!"

Mataas ang energy ni Gabby Concepcion taping ng Iisa Pa Lamang ng ABS-CBN dahil ngayon lang siya makakagawa ng isang soap-opera.

"Enjoy! Ang sarap, ganado ‘ko dahil kararating ko lang. Siyempre sa ngayon, enjoy pa, ganado pang dumating sa set, e. In fact, dumarating ako sa set, an hour before the schedule," natatawang kuwento ni Gabby nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nagkaroon ng pagkakataon si Gabby na muling makausap ang press people nang mapilitan silang mag-pack-up dahil sa sunud-sunod na pag-ulan. Ayon pa kay Gabby, nag-e-enjoy rin daw siya sa iba't ibang location nila.

"Meron kami sa Alfonso, Cavite, meron din sa Batangas, kay Governor Leviste na resort. Meron din sa Laguna. Puro out of town kaya maganda para makita ko rin ang buong Pilipinas, especially Batangas area dahil matagal ko rin itong na-miss."

SIMILAR BUT DIFFERENT. Although ngayon nga lang niya nakatrabaho si Claudine Barretto, okey naman daw agad ang working relationship nila.

Continue reading below ↓

"Para kong nakikita si Gretchen, magkamukha sila, e. In my opinion, ha, magkamukha sila. Magkaiba sila, of course, pero may similarity sila. ‘Tapos, nakikita ko pa ang mga billboard nila," sey niya.

"Tagapagtanggol" daw ang kanyang role sa teleseryeng ginagawa. When asked kung sino naman sa palagay niya ang mas magaling umarte sa magkapatid na Gretchen at Claudine, safe ang naging sagot niya na pareho raw magaling ang dalawa.

"Magaling silang pareho, oo...kunsabagay, matagal ko na rin namang hindi nakikita si Gretchen na umarte at si Claudine ang nakikita ko ngayon. Ibang kalibre. Kumbaga, parehong baril pero, magkaibang kalibre."

DEFENDING LUCIDA. As we all know, after nga ni Gabby na mai-launch as the new endorser of Lucida-DS and Vaniderm, tila mas malaking isyu pa ang lumabas aside sa pagkakakuha sa kanya ng kumpanya as their new endorser. Yung credibility naman ng product ang kinukuwestyon.

Sa naging report kasi ni Korina Sanchez, hindi raw sapat na 500 mg. gluthathione ang nakapaloob sa Lucida-DS at Vaniderm. Kinontra naman ang report na ito ng pahayag ng president/CEO ng Best Nutrition Products na si Dr. Kumar Pati. Aniya, their products have correct milligram content and they strictly follow the U.S. Quality Standards.

Continue reading below ↓

But of course, bilang endorser ng mismong produkto, we asked Gabby kung ano ang reaction niya sa lahat nang ito.

Aniya, "Sa totoo lang, ayokong makialam dahil siyempre, hindi ko naman linya ‘yan. Sabi ko nga, maganda nga noong nakilala ko ang Lucida, simple lang, magaan ang dating at napaka-simple. Actually, simple lang naman ang lahat ng bagay kaya hindi na dapat gawing complicated."

Para kay Gabby, naniniwala naman daw siyang dumaan sa series of quality inspection test ang halos lahat ng produkto lalo na ang Lucida-DS.

"Besides, meron namang benefits ang lahat ng iniinom na produkto, basta basahin mo lang ang content. Para sa akin, okey. Kaya ako, example ako ng produkto, iniinom ko siyang talaga. Gusto kong malaman kung may mangyayari sa akin, e."

Ibinato namin kay Gabby ang comment ng ilan na parang mahirap daw makita sa kanya ang totoong effect ng product na ineendorso dahil natural naman ang pagiging maputi ng actor.

Continue reading below ↓

Nangiti si Gabby nang marinig ito, pero aniya, "Well, kapag iniinom ko naman kasi, ewan ko ha...kasi yung pagputi naman daw, side-effect lang daw yun. Pero yung purpose niyang talaga, for your health benefit.

"Hindi naman kasi na porke't maputi ka, healthy ka. Of course, side benefit na lang yun. Nagustuhan ko lang talaga ang health benefit niya like yung grape seed extracts. Yung anti-oxidants which is siyang gusto ko."

WISHING THERE WERE NO INTRIGUES. Halos magtatatlong buwan pa lang daw siyang narito sa Pilipinas, pero ayon kay Gabby, wala raw regrets on his part sa naging desisyon na muli ngang magbalik ng bansa.

"Wala," maagap niyang sagot. "Ako naman, I go with the flow. Kahit pa anong gawin sa akin, nakatayo lang ako rito, ‘di ba? Kung nakatayo ako, nakatayo ako. Kung babarilin ako, babarilin ako, sasaluhin ko lang. Hindi rin naman ako nagsusulat para sumagot.

"Wala naman akong gustong sabihin para makasakit ng tao. Pero yun nga lang, kahit wala kang gustong sabihin, meron pa rin," napapailing niyang sabi. "Pero sabi ko nga, ako, trabaho lang ako, bigyan n'yo ko ng trabaho at tatrabahuhin ko lang."

Continue reading below ↓

Wala ba siyang nami-miss sa buhay niya noon sa ibang bansa?

"Meron... Yung walang intriga!" natatawang tugon niya.

Sa pagbabalik-bansa at showbiz nga niya, kung may isang bagay man daw na sana'y wala na lang, ito ay ang intriga, though, alam na naman ni Gabby na hindi na raw mawawala yun sa showbiz. At least on his part, masasabing binalikan na lang talaga niya ang maintrigang buhay, sabihin man na for several years ay nag-rest siya rito, he's used to it na rin naman.

HOW'S GENEVIEVE? Sa lahat nang ito, tinanong namin kay Gabby ang wife niya na si Genevieve Yatco Gonzalez. Nasa Pilipinas na rin kasi ito, kasama ng kanilang baby. Paano naman ito nakakapag-adjust sa buhay nila ngayon?

"Okey lang naman siya. Sinabi ko naman sa kanila noon na papasok ba ‘kong muli ng showbiz? Merong mga offers? Gusto n'yo ba o hindi? Kung ayaw ninyo, hindi natin gagawin. Lahat naman sila sa pamilya, very supportive."

Continue reading below ↓

Aminado si Gabby na sa pagbabalik niya, lahat ng desisyon niya ay ini-involve niya hindi lamang ang side of his family, kundi pati na rin ang side ng family ng kanyang asawa.

"Kinonsulta ko rin ang pamilya nila. I got their opinion. ‘I want you to be a part of it, you decide...'hindi naman kasi sila showbiz. ‘There are offers, what do you think, what are the possibilities, do you think, we should accept it? Will it be something na okey, not just for me, but for the whole family?' May mga intri-intriga yan. Sabi naman nila, okey lang ‘yan, ituloy mo lang ‘yan."

Sa nakikita naman daw niya, nakakapag-adjust naman daw ang wife niya sa bagong buhay nila ngayon. At sa family side naman nito, parang siya na rin daw ang tumatayong ama, in a way, sa mga ito.

"Yung family niya kasi, namatay na yung father niya. So, puro sila magkakapatid. Puro pa mga babae!" natatawang kuwento ni Gabby. "So, wala silang father figure. So, ako pa actually ang eldest sa kanilang lahat.

Continue reading below ↓

"Tinatanong ko sila, I get their opinion. Siyempre sila, magsasama-sama sila. Pag-uusapan nila kung ano ang makakabuti. Kung ano ang magiging okey. Okey naman sila, hindi lang talaga sila showbiz. But I guess, they are showbiz supporters naman. Karamihan ng mga kamag-anak niya sa States, meron silang TFC.

CROSSING PATH WITH SHARON. Wala rin daw intensiyon on his part na iwasan na magkita sila ng dating asawang si Sharon Cuneta sa wake ni Rudy Fernandez. Ayon kay Gabby, naghihinayang nga raw siya at hindi sila nagkasabay kung ganoon.

"Nandoon ba siya?" ang sagot-tanong naman agad ni Gabby. "Hindi ko nakita...hindi ko nakita. Nandoon ako two nights ago, before ilibing and yung mismong burial. Pero, hindi kami nagkita."

Sa tono ng pananalita ni Gabby, tila gusto niyang magkita sila?

"Well, hinihintay ko nga, e...para at least...nandoon na. Kung magkita man kami, siyempre lalapitan ko. Kung ano lang ang normal. Siyempre, ang una kong sasabihin siguro, hello," natatawa niyang sabi. "Pero siguro kung magkita man kami, magiging spontaneous siguro. Bahala na lang kung ano ang mangyayari."

Continue reading below ↓

Sa kabila nang mga naglalabasang writeup sa kanilang dalawa, mula raw nang makauwi siya ng Pilipinas ay hindi pa raw sila nagkakaroon ng chance na magkausap.

"Nagkausap lang kami noong bago ‘ko umuwi. Pero ngayon, hindi pa...hindi pa. Kaya nga, ang dami nang lumalabas, hindi ko pa sinasabi, ang dami nang lumalabas."

Read Next
Read More Stories About
Gabby Concepcion, Sharon Cuneta
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Three months since he returned to Manila, does Gabby Concepcion miss anything in the U.S., having lived there for 13 years? "Meron... Yung walang intriga!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results