Accidents nearly spoiled Kapusolympics

by Rose Garcia
Jun 19, 2008
Actor Wendell Ramos (main photo) dislocated his right shoulder while StarStruck Avenger Jan Manual (inset) suffered a second-degree burn.

Dumagsa ang halos lahat yata ng Kapuso stars sa nakaraang Kapusolympics na ginanap sa Golden Sunset Resort sa Calatagan, Batangas, noong Martes, June 17.

Ang call time sa mga artista ay 3 a.m. dahil sa layo ng resort na pag-aari ng beauty guru na si Ricky Reyes. Around 8 a.m. naman nagsimula ang event.

Naging masaya naman ang isang araw na pagkakaisa ng mga Kapuso stars, bilang bahagi ng 58th anniversary ng GMA-7's. Pero sa kabila ng kasiyahan, hindi naiwasan ang ilang aksidente na naganap sa kabuuan ng Kapusolympics.

Some are minor accidents lang naman na nagkakaroon ng sugat or galos, na basically ay normal sa mga ganitong events. Isa na rito ang model turned actress na si Bubbles Paraiso. Umpisa pa lamang ay nagkaroon na ng aksidente nang lumusot ang paa niya sa balsa relay game. Dahil dito ay nagkaroon siya ng sugat sa hita. Pero hindi ito naging hadlang kay Bubbles para sumali sa iba pang games.

Continue reading below ↓

Ang sexy actor na si Wendell Ramos at ang StarStruck 4 Avenger na si Jan Manual ang nagtamo ng medyo grabeng injuries

Si Wendell ang team captain ng Green Team. Na-dislocate ang shoulder nito sa isang game na sinalihan niya.

Si Jan naman ay nagtamo ng second-degree burn. Last part na ng event nang mahulugan ang young actor ng pinaka-ulo ng torch na pinaglalagyan ng gas. Ang Blue Team na kinabibilangan ni Jan ang nag-overall champion kung kaya't umakyat ang buong team sa ladder para kuhanin ang torch.

Pero nang mahawakan na raw ni Jan ang torch at itaas, nahulog ang pinaka-ulo ng torch sa mukha niya, kaya na-shock ang lahat ng nakasaksi. Pero naging maagap ang team captain nila na si Richard Gomez na naghubad ng kanyang pang-itaas at siyang ibinalot sa mukha ni Jan.

Hindi naman daw nagpabaya ang GMA-7 sa lahat ng ito. Bukod sa may nakaantabay na first aid, naisugod agad sa pinakamalapit na hospital sina Jan at Wendell.

Continue reading below ↓
Sa kabila ng mga nangyaring aksidente, isang malaking tagumpay ang nakaraang Kapusolympics. Naramdaman sa lahat ng Kapuso stars, staff, at production ang pagkakaisa at saya sa isang araw na yun na puro laro at bonding ang naganap.
Read Next
Read More Stories About
Wendell Ramos, Richard Gomez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Wendell Ramos (main photo) dislocated his right shoulder while StarStruck Avenger Jan Manual (inset) suffered a second-degree burn.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results