Bruce Quebral's feelings for Wendy Valdez keep growing

Jun 27, 2008
"Basta yung bond naming dalawa, kung anuman yung naging pagmamahal namin sa loob ng bahay [PBB house], hanggang sa paglabas, nandoon lang din yun. Naggo-grow lang. Pero siyempre, kailangan lang naming i-hold yung commitment para mas makapag-concentrate sa work," says Bruce Quebral about the status of his relationship with Wendy Valdez.

Isa sa pinakamaagang dumating sa Mercator Charity Exhibit: Resolution sa Mall of Asia noong Lunes ng gabi, June 16, ang Mercator model na si Bruce Quebral. Katulad ng ibang contract models ng Mercator, isa si Bruce sa mga sumasali sa events ng iba't ibang foundations na tinutulungan ng kanilang agency.

At present, naghihintay lang si Bruce kung ano ang susunod na project na gagawin niya after Palos.

"Waiting lang. Habang wala pang regular show, nagiging busy muna sa mga out-of-town shows, sa iba't ibang raket," banggit ng model-actor sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Up to now, consistent pa rin si Bruce sa pagsasabing "exclusively dating" lang sila ni Wendy Valdez. Wala raw puwedeng aminin sa kanila dahil wala pa naman silang aamining talaga.

"Kasi wala pa rin namang aaminin," diin ni Bruce. "Pero wala naman akong ibang nakaka-date; siya rin, wala. Pero wala pa talaga. Wala pa talagang commitment. Basta yung bond naming dalawa, kung anuman yung naging pagmamahal namin sa loob ng bahay [PBB house], hanggang sa paglabas, nandoon lang din yun. Naggo-grow lang. Pero siyempre, kailangan lang naming i-hold yung commitment para mas makapag-concentrate sa work."

Continue reading below ↓

Kung mabibigyan ng chance, gusto pa rin daw niyang magkasama sila ni Wendy sa isang project. Hindi raw niya iniisip na disadvantage sa professional growth nila ang pagkakadikit ng pangalan nila ever since nagkasama sila sa Pinoy Big Brother (PBB) house.

"I don't see it as disadvantage," sabi ni Bruce. "Kasi ako naman, kahit may iba akong work, iba akong kaeksena, wala namang problema, ibibigay ko naman kung ano ang hinihingi sa akin. Ganoon din naman si Wendy. Suportahan naman kaming dalawa. Kaya nga isang dahilan din kung bakit ayaw naming pasukan ng commitment kung anuman yung meron kami ngayon."

Aminado si Bruce na kahit paano, hindi pa rin totally nawawala yung negative reaction pa rin ng mga tao sa kanilang dalawa ni Wendy kahit sabihin pa na matagal na rin since they left the PBB house.

"In a way, yes," saad niya. "But I can never tell kung ano ang nasa isip din ng mga tao. Pero kung saan man kami nagpupunta, warm naman ang ipinapakita nila. At kami naman ni Wendy, alam naman namin kung ano ang nasa puso namin. So we cannot do anything kung anuman ang nararamdaman ng mga tao sa amin."

Continue reading below ↓

BENCH FASHION SHOW. Bilang isa sa mga endorser ng Bench, sigurado raw na magiging part siya sa Bench Black-Out fashion show in July. As early as now ay naghahanda na raw siya para rito, though hindi na raw niya iri-reveal kung anumang kakaiba ang puwede niyang gawin sa mismong fashion show.

"Noong Bench Fever pa lang kasi, nakasali na ako pero as a model pa lang. This time, iba naman kasi. So, sana manood kayo. Basta, manood na lang kayo sa Araneta Coliseum," pagtatapos ni Bruce.
Read Next
Read More Stories About
Wendy Valdez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Basta yung bond naming dalawa, kung anuman yung naging pagmamahal namin sa loob ng bahay [PBB house], hanggang sa paglabas, nandoon lang din yun. Naggo-grow lang. Pero siyempre, kailangan lang naming i-hold yung commitment para mas makapag-concentrate sa work," says Bruce Quebral about the status of his relationship with Wendy Valdez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results