Ruffa Gutierrez on moving to Belo: "Para akong naglayas, ngayon nagbabalik na ako sa dati kong bahay."

Jun 27, 2008
"Hindi lang naman sa pera yun. Talagang, of course, I admit that there are deals that are good. Pero ang importante talaga, kung nasaan ang puso mo at saan ang paniniwala mo. I know that even if they offer a high price para sa akin, I really decided already to be with Dra. Vicki Belo. Kahit na in-offer-an ako ng malaki, there's no turning back," explains Ruffa Gutierrez about her decision to endorse Belo Medical Clinic.

"I'm back with the best!" ang slogan ng poster ni Ruffa Gutierrez sa launching niya bilang endorser ng Belo Medical Group last June 18 sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Matagal na raw siyang nagpupunta kay Dr. Vicki Belo, pero bigla siyang naging endorser for four years ng Calayan Surgicenter. Kaya ayaw mag-comment ni Ruffa nang tanungin siya sa sinabi niya that she's "back with the best" at nasaan naman ang mga competitor ng Belo Medical Clinic.

"That's not for me to answer, di ba? Kasi for me, I've been with them [Calayan] for four years and like I said, lahat ng tao nagbabago. At saka maganda kasi kay Dra. Belo, ang vision niya is to expand. So, yun din po ang vision ko sa buhay ko—to expand my horizon and to go global," paliwanag ni Ruffa.

Napakalaki raw kasi ng offer kay Ruffa ng Belo kaya iniwan niya ang dating ini-endorse na clinic. Ano ang masasabi niya rito?

Continue reading below ↓

"No, that's not true," tanggi ni Ruffa. "Actually, it wasn't. Actually, wala naman yun sa talent fee, e. Marami rin akong offer noon na babayaran ako nang malaki. But if I don't believe in the product, tinatanggihan ko. Siyempre si Mommy [Annabelle Rama], excited sa kanyang komisyon.

"But you know, the others naman, they also offered very high. So, it was just a matter of choosing; hindi kung sino ang highest bidder kasi matataas din naman ang offer nila. Kung sino talaga ako kampante and comfortable with. And for me, I love Dra. Belo. So, that's the reason why I moved.

"But I've been going to Belo for years now. Even when I was in Turkey, I would go to Belo every time I would come home. But when I decided to return to Manila for good, my Mom signed me up with another cosmetic surgery clinic

"In my heart, I always miss Belo. So when the chance came up, I welcomed the opportunity to go back to Belo. Dra. Belo and I have been friends for a long time," lahad ng actress-TV host

Continue reading below ↓

Ngayon, magkaribal na si Ruffa at ang kanyang ina na si Annabelle ng ini-enodrse na beauty clinic.

"It doesn't mean that when my mom is in a certain company ay ganun din kami. Siyempre, magkaiba kami. Pero minsan pareho kami ng like sa isang endorser or isang company," paliwanag niya.

May balita na a day before Ruffa's launching ay inalok pa rin daw si Annabelle—who is also her manager—ng Calayan na bumalik si Ruffa sa kanila sa halagang P10 million. Totoo ba ito?

"Like I said, hindi lang naman sa pera yun. Talagang, of course, I admit that there are deals that are good. Pero ang importante talaga, kung nasaan ang puso mo at saan ang paniniwala mo. I know that even if they offer a high price para sa akin, I really decided already to be with Dra. Vicki Belo. Kahit na in-offer-an ako ng malaki, there's no turning back," saad ni Ruffa.

Continue reading below ↓

Kumusta naman ang pagbabalikan nila ni Dr. Belo?

"Actually, there were no tears. Puro pagkain lang at happy moments. Reminiscing about what happened for the last four years while I was away. Para akong naglayas, ngayon nagbabalik na ako sa dati kong bahay," pagtatapos ni Ruffa.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi lang naman sa pera yun. Talagang, of course, I admit that there are deals that are good. Pero ang importante talaga, kung nasaan ang puso mo at saan ang paniniwala mo. I know that even if they offer a high price para sa akin, I really decided already to be with Dra. Vicki Belo. Kahit na in-offer-an ako ng malaki, there's no turning back," explains Ruffa Gutierrez about her decision to endorse Belo Medical Clinic.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results