Dawn Zulueta shares pre-school separation anxiety of son Jacobo

IMAGE 0


"Awang-awa ako sa kanya nang iwan namin ni Anton sakanyang teacher. Noong una kasi, basta ko na lang iniwan, at wala naman siyangkamalay-malay na matagal akong mawawala sa tabi niya. Nang babalik na kami saschool kinabukasan, siyempre, alam na niyang iiwan ko siya roon. Naku, roon nanaglulupasay ang bagets!" relates Dawn Zulueta about her son Jacobo's firstday in school.



Nakakatuwa ang mga kuwento ni Dawn Zulueta tungkol sa anakniyang si Jacobo sa mga unang araw ng pagpasok nito sa school. Two and a halfyears old na ang bata at isa nang pre-schooler.

"Awang-awa ako sa kanya nang iwan namin ni Anton sakanyang teacher," napapangiting sabi ng aktres. "Noong una kasi,basta ko na lang iniwan, at wala naman siyang kamalay-malay na matagal akongmawawala sa tabi niya.

"Nang babalik na kami sa school kinabukasan, siyempre,alam na niyang iiwan ko siya roon. Naku, roon na naglulupasay ang bagets! Sigawnang sigaw! Pikit-mata ko na lang iniwan sa teacher niya si Jacobo. At nangnasa loob na kami ng sasakyan, natigilan na kami ni Anton [Lagdameo, herhusband].

"Pareho kaming natahimik, na para bang tinatanong naminsa sarili namin kung tama ba ang ginawa namin," natatawa na lang si Dawn.

Pero, lumalaking bibo at listo si Jacobo. Nag-decide sinaCongressman Anton at Dawn na rito na sa Manila pag-aralin si Jacobo dahil angplano nga nila, kapag tumuntong ito ng grade school, ipapasok siya sa iba pang school dito.

"Kaya dapat, dito na sa Manila, at mas marami namankasing advantages kung naririto kami, kaysa kung nasa Davao kami. Nariritohalos ng mga malalapit naming kamag-anakan.

"Anton has to go back to Davao every weekend to attendto his duties as Congressman of the second district of Davao del Norte. Kami niJacobo, once every month lang pupunta roon, if the need arises. Kasi, mayduties din akong naiiwan doon.

"But, most of the time, dito na kami sa Manila,"nasabi na lang ni Dawn.

ADJUSTING TO CITY LIFE. Kung pamimiliin si Dawn, kungenvironment ang pag-uusapan, mas malinis pa rin daw ang kapaligiran sa Davao.

"Sa hangin na lang, malalanghap mo na sariwa,"aniya pa. "Pero, rito sa Manila, ano naman ang mapupuntahan ni Jacobo rito?Ang nakikita lang niya most of the time, yung four walls ng apartment namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May park nga roon sa may malapit sa amin, perocongested na. Yun nga lang, dito sa Maynila, kapag may nagkakasakit sa amin,malapit na kami sa mga kaibigan naming doktor," pahayag ni Dawn.

Minabuti ni Dawn na huwag nang sabihin kung saangeskuwelahan pumapasok ang anak, lalo na kung saan sila eksaktong nakatira. Desisyon daw nila ni Anton na mananatiling pribado para sa kanila angganitong mga bagay.

"Sabi naman ng mga teacher ni Jacobo, nasasanay na rinunti-unti yung bata. Actually, alam ni Jacobo kung bakit iniiwan ko siya, peromasakit talaga sa bata yung feeling na napapalayo sa akin.

"Ever since, kasa-kasama ko siya. Hindi 'yannahihiwalay sa akin. Pero, ganoon talaga. Hindi naman puwedeng forever naganyan.

"Sa ngayon nga, bulol pa ang bata, which just remindsme that he is still my baby. Pero, yun na nga, wala na siya sa bahay sa umaga,nasa school na. May mga pagbabago. So, I thought, siguro, puwede na talagangsundan ang anak namin.

"Ang gusto naman ni Jacobo, baby brother. Puro kalaroniya kasi sa Davao noon, mga pinsan niyang babae, na binu-bully siya. Walanaman siyang magawa. Nagagalit ako sa kanya kapag gumaganti siya sa mga pinsanniyang babae.

"Sa isip-isip ng bata, ayaw na niyang makapaglaro samga babae, 'cause he can't be rough to them. Kaya ang wish niya, magkaroon ngbaby brother," natatawang sabi pa ni Dawn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN