Direk Mark Reyes glad it's Dennis Trillo in his movie, not "someone else"

IMAGE 0


"I don't know Gabby, hindi ko po siya kilala dahil wala paako sa showbiz nang gumagawa siya ng movie with Sharon Cuneta at iba pangleading ladies niya. Kung siya ang nakasama ko sa movie, hindi ko alam kungkaya ko siyang utusan tulad ng ginawa ko kay Dennis. Hindi ko po alam kungpaano siya [Gabby] katrabaho. Si Dennis kasi, matagal ko nang nakatrabaho, kayakilala ko na siya," says Direk Mark Reyes.



Siniguro ni Direk Mark Reyes, na maiintriga siya sa hulingmga katagang sinabi niya sa katapusan ng presscon ng dinirek niyang pelikula naI.T.A.L.Y. (I Trust And Love You). Buong-ningning niya kasing sinabi sapresscon na ginanap sa Jumbo KingdomFloating Restaurant sa Manila Bay, "I'm so glad that Dennis Trillo is inthis movie than somebody else."

Of course, iisipin ng media people sa presscon na iyon ngGMA Films-Viva Films joint venture na tinutukoy ni Direk si GabbyConcepcion. Si Gabby kasi dapat ang bidang lalaki sa pelikulang ito na kinunansa tatlong kontinente, limang bansa, at 13 cities, sa tulong na rin ng sinakyannilang Costa Magica luxury cruiser. Matatandaang nag-back out si Gabby bago paman nagsimula ang project, kaya si Dennis Trillo ang agad na kinuha kapalitnito.

Hindi naman pinalampas pa ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) na pagpaliwanagin si Direk Mark sa binitawan niyang mga kataga.Maintriga kasi't marami agad ang nag-react na press sa sinabi niyang iyon.

"What I mean is, I don't know Gabby, hindi ko po siyakilala dahil wala pa ako sa showbiz nang gumagawa siya ng movie with SharonCuneta at iba pang leading ladies niya," nakangiting sagot ni Direk Mark."Kung siya ang nakasama ko sa movie, hindi ko alam kung kaya ko siyangutusan tulad ng ginawa ko kay Dennis. Although, hindi na siya kailangang utusandahil sa shooting, tulung-tulong kaming lahat sa pagbubuhat ng camera, kable,at iba pang gamit sa shooting.

"Hindi ko po alam kung paano siya [Gabby] katrabaho. SiDennis kasi, matagal ko nang nakatrabaho, kaya kilala ko na siya. Wala namangnaging pasaway sa mga artista namin dito, kaya kahit medyo mahirap angshooting, dahil sa sobrang lamig din sa mga lugar na pinuntahan namin,nag-enjoy pa rin kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa presscon, nabanggit ni Direk Mark na naging assistantdirector niya ang girlfriend niya. Biniro siya ng PEP na may love life namanpala siya, pero hindi niya ito nababanggit kapag may presscon siya ng iba pangprojects na ginagawa niya. Tinanong agad ng PEP ang pangalan ng kanyanggirlfriend.

"Si Lee siya, Liwayway ang name niya. She'shalf-German, half-Filipina. One year na kaming hindi nagkikita kasi nagdidirekdin siya sa Germany, pero open ang communications namin.

"Nang ibigay sa akin ang project na ito, tinawagan ko siyaat tinanong kung puwede siyang maging assistant director ko. Pumayag naman siya at mas nauna pa siya saakin sa Italy. Magkasama na sila ng executive producer namin, si Elaine Lozano,na nag-ocular at naghanda roon, kaya hindi na masyadong naging mahirap sa aminang pagsisimula ng shooting doon.

"She stayed there with us hanggang sa matapos angshooting namin. Bumalik na siya sa Germany nang umuwi kami ng Pilipinas.

"Nang ibigay naman sa akin ang pagdidirek ng Codename:Asero, muli ko siyang tinawagan at nagpatulong sa kanya sa pagdidirek whilewe were taping in Dubai. She stayed with us for six days doon and after thetaping, bumalik na rin siya sa Germany."

Biro namin kay Direk Mark, hindi ba niya nami-miss siLee? Natawa siya.

"Open naman ang communications namin at saka parehokaming busy. But we promise to meet sa Christmas. Pupunta kasi siya sa New Yorkpara mag-update ng bago sa filmmaking doon. Every Christmas naman talaga,humihingi ako ng bakasyon kahit two weeks lang. Para dalawin ang family ko saStates, kaya magkikita kami ni Lee sa Los Angeles, California, saChristmas."

During the presscon, ang ipinakita muna ay ang music videong I.T.A.L.Y. at ipinakita roon ang mga magagandang lugar na pinuntahannila at ilang dramatic scenes ng movie where Jolina Magdangal, Rufa Mae Quinto,Mark Herras and Eugene Domingo played Overseas Filipino Workers na nagtatrabahosa luxury liner na Costa Magica. Inihahanda pa raw niya ang full trailer ng movie na may playdate na saAugust 6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumusta naman ng PEP ang nalalapit na telecast ngdinidirek nila ni Mike Tuviera na Codename: Asero sa July. Maganda angteaser na ipinakikita na sa TV.

"Movie ang dinidirek namin, hindi isang TVaction-drama," nakangiting wika ni Direk Mark. "Gusto ba ninyongmakita ang two-minute trailer nito sa aking laptop, kayo ang unang makakakitanito."

Ang PEP reporter na ito nga ang unang nakakita ng two-minutetrailer, at totoo nga ang sabi ni Direk Mark, parang pelikula at hindi TV showlang ang dating ng trailer. Pero sabinga, wait na lamang tayo sa susunod na presscon ng bagong project ni Direk Marksa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN