Newlywed Maybelyn dela Cruz busy as housewife and with TV comeback

by Rose Garcia
Jun 23, 2008
"Kakakasal pa lang naman po kasi namin noong January, so marami pa po siyempreng adjustment. Especially bago pa lang po ang buhay ko sa Dagupan. Siguro po next year or in two years time," says Maybelyn dela Cruz about having a baby.

Pinaninindigan ng young actress na si Maybelyn dela Cruz ang pagiging butihing maybahay niya sa kanyang asawa na si Michael Fernandez, isang councilor sa Dagupan City, Pangasinan. Since their wedding last January, nagdesisyon na rin si Maybelyn na sa mismong bayan ng asawa na manirahan.

Ini-enjoy muna niya ang simula ng kanilang marriage life bago muling sumabak sa showbiz. Ngayon, nagbabalik-showbiz na si Maybelyn sa pamamagitan ng pinakabagong Sine Novela ng GMA-7 Gaano Kadalas Ang Minsan, na magsisimula ngayong Lunes, June 23.

Sa panayam ni Maybelyn sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng naturang Sine Novela, sinabi niya na masaya siya sa kanyang buhay bilang housewife.

"Housewife talaga ako," sambit niya. "Ako naggo-grocery, namamalengke ako ro'n. Ako nagpi-prepare ng breakfast, lunch, dinner. Naka-based talaga kami sa Dagupan kasi nandoon ang husband ko. City councilor siya at bisi-bisihan din naman ako dun kasi I have my own event."

Isa raw siya sa mga director ng Red Cross Pangasinan. Isang bagay rin ito na pinagkakaabalahan niya bukod sa pagiging maybahay.

Continue reading below ↓

Uwian daw siyang talaga sa Dagupan once nag-regular na ang taping days nila ng Gaano Kadalas ang Minsan tuwing Tuesday and Saturday.

"Sa ngayon, dalawa ang tinitirhan ko. Yung bahay ng husband ko sa Quezon City at may bahay rin naman kami sa Las Piñas," saad ni Maybelyn.

Wala raw naman problema sa asawa ni Maybelyn kung nag-aartista pa rin siya. In fact, suportado pa nga raw siya nito.

"Oh yes, he's been very supportive talaga. Yung mga unang taping nga namin, wala akong driver, siya yung nagmamaneho sa akin. Sa Pampanga pa yun, di ba? So, ida-drop-off niya ako sa Pampanga. ‘Tapos kapag medyo late na, magtse-check-in na siya sa Clark at doon na kami matutulog," lahad niya.

So far, wala pa raw silang planong magka-baby dahil nag-a-adjust pa raw sila, partikular na si Maybelyn, sa bagong buhay niya.

"Kakakasal pa lang naman po kasi namin noong January, so marami pa po siyempreng adjustment. Especially bago pa lang po ang buhay ko sa Dagupan. Siguro po next year or in two years time," nakangiting pahayag niya.

Continue reading below ↓

Five months daw ang itatakbo ng Gaano Kadalas Ang Minsan, so assured na raw sila ng five-months work. Kuwento pa ni Maybelyn, makakasabay rin daw halos ng pagsisimula ng Sine Novela nila ang GMA Northern Luzon, kung saan magkakaroon din siya ng isang show.

"Yung taping will be in Dagupan. Yung studio po kasi ng local channel ng GMA Northern Luzon, sa Dagupan. Kaya sabi nga nila, mas maganda na nandoon na ako kasi doon ako naka-based," sabi ni Maybelyn.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kakakasal pa lang naman po kasi namin noong January, so marami pa po siyempreng adjustment. Especially bago pa lang po ang buhay ko sa Dagupan. Siguro po next year or in two years time," says Maybelyn dela Cruz about having a baby.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results