Dolphy gives rare interview in celebration of 80th birthday on July 25

Jun 23, 2008
Says Comedy King Dolphy about Vic Sotto, "Nakikita ko siya, he's so generous, kamukha ko rin. Mabait siya, kamukha ko rin. Well, hindi naman kami basagulero, kamukha ko rin. Ma-chick! Kamukha ko lang. Ha-ha-ha! Well, halos parehong-pareho kami. Nakakasama ko siya, hindi rin siya palaimik. Tahimik lang. Pasundut-sundot lang ng joke."

Very rare magpa-interview ang Comedy King na si Rodolfo Vera Quizon, better known to all of us as Dolphy. Pero last Sunday, sa Showbiz Central, sa mismong tahanan pa niya at ng partner niyang si Zsa Zsa Padilla nagpa-interview kay Pia Guanio si Dolphy bilang bahagi na rin ng pagse-celebrate ng ika-80th birthday niya sa darating na July 25.

Bago ang mismong interview kay Dolphy, nagbahagi muna ng ilang touching anecdotes about their father ang mga anak ni Dolphy na sina Ronnie at Epi Quizon. Pagkatapos ay sinimulan na ni Pia ang kanyang exclusive interview sa beterano't pinakakilalang komedyante ng bansa.

Ang den sa ibaba ng kanilang bahay ang sagot ni Dolphy sa unang tanong ni Pia kung ano ang pinakapaborito nitong spot sa kanilang tahanan.

DOLPHY AS A FATHER. Bilang ama, ano naman daw ang pinakapaborito niyang ginagawa with his children?

Sagot naman ni Dolphy, hindi na raw nila masyadong ginagawa ng kanyang mga anak dahil malalaki na raw ang mga ito't may mga asawa na, pero dati raw ay they make it a point to have dinner every week to bond.

Continue reading below ↓

Bilang ama, maraming pinagdaanang hirap si Dolphy. Aniya,"Pinakamahirap yung mamatayan ka ng anak. That's the worst na mangyayari sa ‘yo. And then, yung nangyari kay Junior. Nang makulong siya. Yung nangyaring aksidente kay Vandolph. Talagang parusa. Yung halos lahat ng santo, tinatawag mo talaga. Yun ang pinakamahihirap.

"Napakahirap mamatayan ng anak, malupit! Namatayan ako ng nanay ko at tatay ko, but I know it's coming. Pero para sa isang bata pa, masakit. Masakit! Yun lang naman ang mga encounter ko, pero siyempre, nasa Itaas ang director, e. Kung kailan ang exit mo, kailan ang enter frame mo, Siya ang nagdidirek sa Itaas, e."

Sinabi ni Pia ang parehong mensahe ng dalawang anak niya na sina Ronnie at Epi na sana raw, makasal na ang kanilang ama kay Zsa Zsa. Isang bagay na obviously, gusto rin na maisakatuparan na ng Comedy King.

"Yun nga sana. E, nahihiya na nga rin ako kapag lumalakad kami sa abroad. Magkakasama kami pero pagtingin sa passport mo, single, di ba? Uugod-ugod na ‘to, e, single pa rin pero ang dami-raming batang babaeng kaakbayan sa tabi niya," natatawa niyang pagkukuwento.

Continue reading below ↓

"E, siyempre, wala. E, talaga namang hindi mo puwedeng dayain ang papel mo. Talagang single naman."

DOLPHY-ZSA ZSA WEDDING. Sumunod na tanong ni Pia ay kung may plano na raw bang talaga silang pakasal ni Zsa Zsa?

"Oo...siyempre, kung puwede na ba. Pero, mahirap sabihin, e. Personal side sa kanya yun [Zsa Zsa], hindi naman sa akin. Sa akin, wala namang problema. Sabi ko nga, maski sa tabi lang ng kusina, puwede ‘kong magpakasal."

Aminado naman si Dolphy na after 20 years, hindi na raw niya masasabing ganoon ka-alive ang relationship nila ni Zsa Zsa.

"Siyempre, may mga anak na kayo. Pero ang amin lang, idinadaan namin sa friendship. Bukod sa mag-asawa na kami. Ako kasi, itinuturing ko siyang asawa, hindi lang live-in, mahigit 20 years na kaming magkasama. Yung mga anak namin, mga dalaga na. Magde-debut na yung isa next month. So, kami, kasama ang friendship. Kapag kaming dalawa na lang, doon na lang kami nagniniig, kung anuman," natatawa niyang pahayag.

Continue reading below ↓

Pia's next question to Dolphy: Ano ang paborito nilang ginagawa ni Zsa Zsa?

"Well, actually, mas madalas na hindi kami nagkikita. Aalis siya ng maaga, tulog pa ‘ko. Pagdating niya rito, ako naman ang umaalis na. Nagkikita na lang kami sa gabi. Sa gabi na lang kami nagkikita. Kung minsan may pinag-aaralan siyang kanta. Ganoon naman, kapag meron siyang pinag-aaralan, dito ako sa den. Ayoko naman siyang gagambalain para makapag-concentrate siya."

Hindi napigilan ni Pia na sabihing sa palagay niya raw, kung ano sina Dolphy at Zsa Zsa ay gayundin sila ni Vic Sotto in the future. Kaya't pinayuhan pa si Pia ni Dolphy na give and take lang dapat.

DOLPHY'S HARDSHIPS. Two parts ang naging exclusive interview ni Pia sa Comedy King. Sa ikalawang bahagi, dito napag-usapan ang film and book biography na ilo-launch para sa kanyang ika-80th birthday.

"Well, si Eric ang nag-push diyan. Since 80 ka na, dapat meron ka nang ganito-ganyan. So, sabi ko, yeah, sige. Siya naman ang nagpursige. Actually, medyo tapos na ang libro. Ine-edit pa namin. Sabi ko nga, yung mga tahimik na ang buhay, huwag nang pakialaman yun at baka tayo madisgrasya."

Continue reading below ↓

Sinang-ayunan ni Dolphy ang sinabi ni Pia na mukhang matitindi raw ang mga revelation sa libro.

"Marami. Maraming nangyari sa atin doon. Lalo na yung panahon ng Hapon. Yung mga hardships talaga. Yung sasakay ka sa train na siksikan at nahuhulog kami. Tatlong araw kami sa Baguio na hindi kumakain. Nagtatrabaho ako sa Hapon. Maliit pa ‘ko, trese anyos pa lang ako, nagtatrabaho na ‘ko.

"Meron din yung anim na buwan kaming nagsu-shooting, pero nang panoorin ko ang pelikula, dulo lang ng ngipin ko nakita mo, walang mukha," natatawa niyang maala-ala. "Marami, maraming ganoon. Experience sa umpisa ko ng pag-aartista. Maraming hirap bago ka nakarating sa ngayon."

Marami raw siyang nami-miss sa mga naging kasabayan niyang artista noong araw na mga namayapa na. Ilan sa mga ito ay sina Panchito at Babalu, lalo na raw kapag kumakanta siya na kailangang may ka-duet.

Kuwento pa rin niya, "Minsan nga nang kumakanta kami ni Vic, tinanong ko siya kung hindi ka ba natatakot? Ha-ha-ha! E, lahat ng nakakapareha ko, natotodas!"

Continue reading below ↓

JUST LIKE DOLPHY. Sa tanong naman ni Pia kung may nakikita raw ba si Dolphy na komedyanteng puwedeng pumangalawa sa kanya, nagkatawanan na lang ang mga ito nang isagot ng Comedy King kay Pia na, "Kilala mo yun!" Obviously, referring to his co-star Vic Sotto na kasama niya sa kanyang bagong movie.

"Kilalang-kilala mo yun! Hindi pangalawa yun. Actually, una na rin yun. Hari na rin yun."

Sabi pa ni Dolphy, "Nakikita ko siya, he's so generous. Kamukha ko rin. Mabait siya, kamukha ko rin. Well, hindi naman kami basagulero, kamukha ko rin. Ma-chick! Kamukha ko lang. Ha-ha-ha!

"Well, halos parehong-pareho kami. Nakakasama ko siya, hindi rin siya palaimik. Tahimik lang. Pasundut-sundot lang ng joke."

Enjoy raw si Dolphy sa shooting ng movie nila ni Vic dahil first time nga nilang magkasama.

"Enjoy kami. Tawanan lang kami nang tawanan. Before and after, wala kaming ginawa kundi kumain. Walang tigil ang dating ng mga pagkain.

Continue reading below ↓

"At naglalaro kami in a place na hindi ka maiinitan. Malamig, e. Masarap magtrabaho. Walang dull moment. Maski na napupuyat kami, tawanan lang kami nang tawanan. Maski yung kinukunan namin, nagkakatawanan kami."

Sa huli, inimbitahan ni Dolphy ang lahat na manood ng movie nila ni Vic at sigurado raw na hindi magsisisi ang sinumang manonood. Matagal raw nilang plinano ang magkasama at finally, ngayon nga lang natuloy. Naikuwento rin niyang sila rin daw ng namayapang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. ay nag-plano rin, pero never na nag-materialize dahil sa pagpanaw nga nito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Says Comedy King Dolphy about Vic Sotto, "Nakikita ko siya, he's so generous, kamukha ko rin. Mabait siya, kamukha ko rin. Well, hindi naman kami basagulero, kamukha ko rin. Ma-chick! Kamukha ko lang. Ha-ha-ha! Well, halos parehong-pareho kami. Nakakasama ko siya, hindi rin siya palaimik. Tahimik lang. Pasundut-sundot lang ng joke."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results