Marvin Agustin says falling in love is about "when," not "who"

by Rose Garcia
Jun 24, 2008
"Ako naman kasi, hindi naman ako naghahanap. May mga relationship na dumarating nang kusa sa akin. At saka, yun nga, hindi ko lang siguro rin priority ngayon ang love life," says Marvin Agustin.

Pagkatapos ng relationship ni Marvin Agustin kay Pauleen Luna, hindi pa rin daw siya nai-involve sa isang relasyon. Aniya, hindi kasi niya priority ang love life lalo pa't sunud-sunod ang magagandang projects na ibinibigay sa kanya ng GMA-7.

Pagkatapos ng Babangon Ako't Dudurugin Kita sa primetime, nag-pilot na rin kahapon (June 23) ang Sine Novela na Gaano Kadalas Ang Minsan sa afternoon timeslot.

Continue reading below ↓

So paano pa niya uunahin ang love life kung ganito raw kagaganda ang ibinibigay sa kanyang projects sa Kapuso Network?

"Probably, hindi pa rin po talaga ako ganoon ka-ready," pahayag ni Marvin sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Aniya, hindi kasi siya yung tipo ng lalaking naghahanap talaga ng magiging girlfriend or makakasama sa buhay.

"Wala pa, e. Ako naman kasi, hindi naman ako naghahanap. May mga relationship na dumarating nang kusa sa akin. At saka, yun nga, hindi ko lang siguro rin priority ngayon ang love life."

SANTIAGO AND SEBASTIAN. This August, magti-three years old na ang kambal ni Marvin na sina Santiago at Sebastian. Sa ganitong age daw kasi ng kambal ay nakaka-bonding na niya.

"Nanonood kami ng sine. Nagsu-swimming kami," masayang kuwento ng aktor, who will turn 29 this year.

Pagdating sa mga ugali, magkaibang-magkaiba raw ang mga anak niya.

"Nag-iiba-iba pa ang ugali nila. Yung isa mahiyain, yung isa naman mabibo. Si Sebastian yung mahiyain, si Santiago naman ang mapapel. As in, talagang ang daming tanong.

Continue reading below ↓

"Minsan parang nagugulat sila kapag nakikita nila ako sa telebisyon. Like nang ihatid nila ako sa GMA-7, nakita nila ang billboard, napapatingin sila sa billboard at saka sa akin," natatawang kuwento ni Marvin.

Hindi niya pinapayagang manood ang mga anak niya ng ilan sa mga show niya na hindi pa puwede sa bata 'tulad ng Babangon, kung saan kotrabidang-kontrabida siya. Nang minsang gumanap siya bilang kuba, natakot daw ang kambal niya nang makita siya.

LOVING PARENTS. Hindi matatawag na normal ang relationship ni Marvin sa ina ng kanyang kambal na si Tetet Dy. Pero aniya, masaya naman siya na hanggang ngayon, napapanatili nila ang pagiging magulang sa kanilang mga anak.

"As much as possible kasi, iniingatan namin yung relationship namin na maging magkaibigan. Maging parents talaga sa mga anak namin. At least, natututukan namin ang mga anak namin at kami naman, alam namin that we're not really for each other," saad ng binatang ama.

Continue reading below ↓

Pero ang alam daw niya, tulad niya ay wala pa rin karelasyon si Tetet. So, PEP (Philippine Entertainment Portal) asked Marvin kung hindi kaya pagdating ng araw, sila rin pala ng ina ng kambal ang magkakatuluyan?

Maagap naman ang naging sagot niya. "Hindi natin alam. Pero alam n'yo, meron akong napanood na movie, yung Definitely Maybe. Sabi ro'n, yung pag-ibig, hindi sino. Yung pag-ibig, kailan.

"Minsan kasi, kahit nandoon na, if you're not ready, hindi mo makikita, e. Hindi mo siya mako-consider na siya ang tunay mong pag-ibig. So sometimes, it's not a question of who, but it's a question of when."

FULL FATHERLY SUPPORT. Dahil mga toddlers pa ang kambal niya, hindi pa nagtataka or nagtatanong ang mga ito sa set-up nila ni Tetet.

Ani Marvin, "Mga bata pa kasi sila. More on laru-laro pa lang kami. At saka kami naman, hindi namin pinaparamdam sa kanila na technical masyado yung bisitahan. Kung puwede kaming magkita, nagkikita kami. Wala namang problema."

Continue reading below ↓

Confident din si Marvin na hindi siya maakusahan na nagiging pabaya sa mga obligasyon sa kanilang anak. One hundred percent ang suporta niya sa mga ito, financially at sa lahat ng aspeto.

"Oo naman! Kahit nga hindi ko anak, like mga pamangkin ko, sa pamilya ko, how much more kung sarili ko pang anak, di ba?"

BUSY GETTING RICH. Sa huli, natatawa na lang si Marvin when PEP told him na mukhang ang inaatupag na lang talaga niya ay ang magpayaman nang husto. Ilang restaurant chains na ang successful na naitayo niyang negosyo, bukod pa siyempre sa pagiging isa sa busiest actor ng Kapuso network.

"Naku, e, ako naman po, I enjoy doing it. Hindi na nga trabaho ang tingin ko rito," natatawa na lang niyang sabi.

Read Next
Read More Stories About
Marvin Agustin, Pauleen Luna
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ako naman kasi, hindi naman ako naghahanap. May mga relationship na dumarating nang kusa sa akin. At saka, yun nga, hindi ko lang siguro rin priority ngayon ang love life," says Marvin Agustin.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results