Mark Anthony Fernandez shares how his Papa Rudy bade his last goodbye

by Ruel J. Mendoza
Jun 24, 2008
"There are times kasi na bigla ka lang titigil at maiisip mo na, ‘Ay, wala na pala si Papa.' May mga gano'ng pangyayari, e. Or sometimes, naluluha ka na lang basta because naisip ko si Papa," relates Mark Anthony Fernandez on how much he misses his late dad Rudy Fernandez (inset).

Kung buhay pa sana si Rudy Fernandez, tiyak na matutuwa ito dahil nakatambal na ng anak niyang si Mark Anthony Fernandez ang paborito niyang singer na si Regine Velasquez.

Kuwento nga ni Mark na hindi pa binabawian ng buhay ang kanyang ama nang sabihin niya na may gagawin siyang soap drama na kasama si Regine. Natuwa nga raw si Daboy at sinabihan si Mark na husayan pa nito ang trabaho dahil professional si Regine.

"Paborito kasi ni Papa si Regine, kaya ibinalita ko kaagad. He was happy sa ibinalita ko. Kada taping ko ng Ako Si Kim Samsoon, ibinabalita ko sa kanya. But I know kahit saan man si Papa, nandiyan siya at masaya para sa akin."

SURVIVING WITHOUT PAPA. Sa press launch nga ng naturang soap drama lang muling nakitang ngumiti si Mark Anthony after ng ilang linggong nakikita siya sa TV na malungkot at umiiyak. Pero kahit na may mga ngiti sa labi ni Mark, ramdam mo pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.

Continue reading below ↓

Na-survive niya ang isang trahedya sa kanyang buhay na never daw niyang malilimutan habang nabubuhay.

"Alam naman ng lahat na hindi madali ang pinagdaanan ko, nina Tita Lorna [Tolentino], ni Mama [Alma Moreno], at nina Ralph at Renz. Para sa akin nga, parang panaginip pa rin ito, e. Hindi ko lang alam kung kelan ako talaga magigising.

"Pero unti-unti, I'm taking one day at a time. Hindi nga raw madali ang recovery. Naniniwala ako roon kasi hanggang ngayon nga, may pain pa rin. But I know that this will heal in due time."

THE PAIN REMAINS. Inamin niya na hanggang ngayon naman daw ay hindi pa rin niya natatanggap ang pagkawala ng kanyang ama. Ayaw namang isipin ni Mark na magiging permanente ito sa kanyang puso at isipan.

"I am praying na huwag sanang matagal ang recovery. There are times kasi na bigla ka lang titigil at maiisip mo na, ‘Ay wala na pala si Papa.' May mga gano'ng pangyayari, e. Or sometimes, naluluha ka na lang basta because naisip ko si Papa.

Continue reading below ↓

"I know that this pain will not go away. Forever na siyang nandito sa akin. Alam mo kasi na may kulang na buhay mo. Gumagawa ka lang ng mga paraan para ma-ease mo ang pain. Kumbaga sa lagnat, iinom ka ng gamot para guminhawa ka, pero alam mong may lagnat ka pa rin. Babalik ‘yan kung hindi ka mag-iingat.

"Kaya nagpapasalamat ako sa GMA-7 for blessing me with good projects kasi ito na ang nagiging gamot ko ngayon. Magandang therapy ang trabaho. Pinagbubuti ko para maganda ang resulta at ma-reach ko ang expectations nila sa akin."

RUDY SAYS GOODBYE. Pagkatapos ngang malibing ang kanyang ama at lumagpas na ang pasiyam nito, nagparamdam ba si Daboy sa kanya?

"Hindi pa naman," mabilis na sagot ni Mark. "The first and last time na nagparamdam si Papa sa akin ay yung pagkatapos niyang mamaalam. Siguro a few seconds lang iyon, ‘tapos biglang may bumulong sa tenga ko na, ‘Bye, Mark.' Ang linaw-linaw ng bulong na parang katabi ko lang siya. That was the only time na nakaramdam ako kay Papa," pagtatapat ni Mark Anthony.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"There are times kasi na bigla ka lang titigil at maiisip mo na, ‘Ay, wala na pala si Papa.' May mga gano'ng pangyayari, e. Or sometimes, naluluha ka na lang basta because naisip ko si Papa," relates Mark Anthony Fernandez on how much he misses his late dad Rudy Fernandez (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results