PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruffa Gutierrez on mom Annabelle Rama: "‘Pag tinotal mo lahat ng qualities niya, the good still outweighs the bad."

Annabelle and Ruffa talk about their love-hate relationship.
by Erwin Santiago
Published Jun 24, 2008
"Hindi porke't 34 ka na, magsasarili ka na ng desisyon mo. Hindi, ‘Day. Kalimutan mo yung what's wrong, what's right. Minsan nagkamali ka na, kung hindi dahil sa nanay mo... Ako, nandito lang sa ‘yo. Habang buhay pa ako, Ruffa, hindi ako titigil makialam sa buhay mo rin. Kasi ako, nanay mo ako, Ruffa, okay? Thirty-four years old ka na. Nandito lang ako para mag-guide at mag-advice sa ‘yo," says Annabelle Rama (left) to daughter Ru

Nagmistulang testimonials para kay Annabelle Rama at sa pamilya Gutierrez ang second presscon ng My Monster Mom kaninang tanghali, June 24, na ginanap sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Nagkataon ding 34th birthday ng anak at co-star ni Annabelle na si Ruffa Gutierrez ngayong araw kaya nagsilbi na rin itong birthday presscon para sa kanya.

Bukod kasi sa question-and-answer portion during the presscon proper ay nagbigay rin ng kani-kanilang istorya ang ilang members of the entertainment press tungkol sa mga alaala nila kay Annabelle at sa kanyang pamilya. Ang iba nga ay kakilala na pala si Annabelle noong 1960s pa, nang hinahabol-habol pa raw ng Gutierrez matriarch ang asawa na nito ngayong si Eddie Gutierrez.

Pero mas naging kaaliw-aliw ang naturang presscon ng My Monster Mom dahil sa palitan ng mga pahayag ng mag-inang Annabelle at Ruffa. Gaya ng pelikula nila, kung saan gumaganap sila bilang mag-ina, natural na natural ang "pagtatalo" nina Annabelle at Ruffa sa harap ng entertainment press sa bawat tanong na ibinabato sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MONSTROSITY. Kilala si Annabelle sa loob at labas ng showiz dahil sa kanyang pagiging matapang, mataray, at kaprangkahan. Pero gaano ba "ka-monstrous" si Annabelle bilang tao at bilang ina?

Si Ruffa muna ang sumagot. Aniya, "Naku, mina-monster na nga niya ako kagabi [June 23] dahil sino daw ba naman ‘tong bago kong manliligaw. Oh my God, wala akong kaalam-alam sa news! So mina-monster na naman niya ako kagabi.

"But si Mommy," bawi niya, "kahit minsan mina-monster kaming lahat, deep inside, she's really a wonderful mom. She's very generous... Araw-araw nagdadasal si Mommy at araw-araw dinadasal niya na maging monster hit ang Monster Mom.

"We're so lucky to have her, kasi si Mommy, isa siyang hands-on mom. Most of the time, she's misunderstood. Pero ‘pag nakikilala siya ng mga tao, they'll end up loving her."

Dagdag niya, "Masasabi kong isa siyang tunay na kaibigan. ‘Pag meron siyang kaibigan at kailangan niya ng tulong, she'll always be there for that person. So kahit na monster mom si Mommy sa pelikula, at minsan-minsan din sa totoong buhay, in the end, ‘pag tinotal mo lahat ng qualities niya, the good still outweighs the bad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagtanggol naman ni Annabelle ang kanyang sarili.

"Hindi ako monster mom na walang rason," diin niya. "May reason palagi ‘yan. Alam mo ako, ‘pag inaapi na ang mga anak ko, dun ako talaga hina-high blood. Dun na ako talaga sumusugod. Dun nakikita ang Annabelle Rama na parang walang pakialam sa mundo. At yung mga dialogue ko, lumalabas, yung mga Bisaya na dialogue ko na hindi makain ng aso. Maski anak ko ‘pag ako galit sa kanya, lahat ng mga salita ko sa kanya, hindi makain ng aso. Kaya lagi ako tini-text, ‘Mommy, I'm your daughter. You texted me like...What's this, hindi makain ng aso.' Sabi ko, ‘Well, Ruffa, pasensiya ka na, pasaway ka sa akin.'

"Yun ang ugali ko. Pero sa totoong buhay, mabait ako, malambot ang puso ko, madasalin ako, at mabait akong kaibigan. Kung sino ang kaibigan ko...sila Alfie Lorenzo, matagal ko nang kaibigan din ‘yan. Actually sa showbiz, ang barkada ko, hindi artista; mga barkada ko mga press people. Kasi mga artista, plastic! Wala akong paki kung sino ang masasaktan diyan! For me, they're plastic, hindi nagsasabi ng totoo!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ako naman, prangka kaya akala nila mataray ako, kasi masyado akong prangka sa lahat ng bagay. Yun lang, ayaw kong inaapi-api yung pamilya ko, ayaw kong inaapi ang mga anak ko. Yun lang yung reason kung bakit ako nagiging monster paminsan-minsan. Pero deep in my heart, talagang mabait naman ako, saka mahal ko ang mga anak ko. Mahal ko si Ruffa, pero pasaway paminsan-minsan si Ruffa," walang prenong pahayag ni Annabelle.

Singit naman ni Ruffa: "Buti nga mabait akong anak, ‘no!"

"KING KONG." Nang magsimula na namang magkuwento si Annabelle tungkol sa nangyari sa kanila the night before, pinigil siya ni Ruffa sa pagsasalita.

Annabelle: "Tulad kagabi..."

Ruffa: "O, o, o... Nakaka-stress! Ikaw na kaya ang mag-host ng The Buzz!"

Annabelle: "Sino kaya ang King Kong sa party mo, ang tangkad-tangkad, ano ba ‘yan?"

Hindi na napigilan ni Ruffa na kunin ang microphone mula sa kanyang ina at sinabing: "Oh my gosh, can you keep quiet mom?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buwelta naman ni Annabelle: "Sabi ko, ‘Ruffa, ingat ka ha. Baka another ano na naman ‘to...' Sinsabi ko lang, Ruffa, ang totoo. Baka magkaproblema ka na naman diyan, concerned lang ako sa ‘yo, okay?"

Ibinuking naman ng publicist ng mga Gutierrez na si Jun Lalin na may ipinakilala raw si Ruffa kay Annabelle sa birthday party ni Ruffa last Saturday, June 22, na isang "seven-footer" basketball player. Ito ang nababalitang bagong manliligaw ni Ruffa, pero mariin naman niya itong itinanggi.

RUFFA'S SUITORS. Kahit noong dalaga pa lang si Ruffa ay naging mahigpit na si Annabelle sa mga manliligaw ng nag-iisang anak na babae. May nagtanong kay Ruffa kung bakit tuwing may nagugustuhan siya at tila laging nagiging "monster" ang kanyang ina.

"Magkaiba kami ng taste, e," sagot ni Ruffa. "Kung sino ang gusto ko, talagang ayaw niya. Kung sino naman ang gusto niya for me... Lahat ng mga boring, ng mga nerd, yun ang mga gusto niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

This time ba ay may nagugustuhan na si Ruffa?

"Wala, wala naman. Hindi pa ako umiibig," sagot niya.

"Mayaman yung sinasabi ko sa iyo noon!" singit naman ni Annabelle na ikinatawa ng lahat.

Kung sakaling magmahal ulit si Ruffa, ano na ang susundin niya: ang payo ng mommy niya o tibok ng puso niya?

"Alam n'yo, si Mommy hindi niya minsan nare-realize that today is my birthday. I'm 34 years old, separated with two kids. I'm sure naman meron na akong brain to know what is right and what is wrong, di ba? At kung kanino ako dapat umibig at kung kanino ako hindi dapat umibig, di ba?

"Para sa akin, as of now, siguro kailangan ko munang ibigin ang sarili ko because I've been through a lot in the last couple of years. Kailangan ko muna sigurong mahalin ang sarili ko and give time to my kids.

"Siyempre, hindi maiiwasan na may mga admirers ako kaya ang haba ng hair ko! Pero hayaan mo muna silang magpadala ng flowers, di ba? As of now, kailangan concentrate muna ako sa work ko. Ayokong mawala yung focus ko sa trabaho ko. Ngayon lang ako nagbabalik, e," pahayag ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nakatiis si Annabelle sa isinagot ni Ruffa kaya nagsalita rin siya ulit.

Aniya, "Sasagutin kita Ruffa. Hindi porke't 34 ka na, magsasarili ka na ng desisyon mo. Hindi, ‘Day. Kalimutan mo yung what's wrong, what's right. Minsan nagkamali ka na, kung hindi dahil sa nanay mo... Ako, nandito lang sa ‘yo. Habang buhay pa ako, Ruffa, hindi ako titigil makialam sa buhay mo rin. Kasi ako, nanay mo ako, Ruffa, okay? Thirty-four years old ka na. Nandito lang ako para mag-guide at mag-advice sa ‘yo.

"Huwag mong masamain kung inaaway-away kita minsan-minsan. Nakakalimutan mo kasi paminsan-minsan kung sino ang kinakausap mo. Sabi ko, no comment kay Gretchen [Barretto], tuluy-tuloy ang comment mo! ‘Yan tingnan mo, ang nasa diyaryo si Gretchen, ang nagbayad si Dra. [Vicki] Belo! Nag-away kaming dalawa [ni Ruffa] dahil sa diyaryo na ‘yon, puro Gretchen! Biro mo, sumikat siya in the expense of Dra. Belo. Dapat ikaw na lang nang ikaw, isipin mo ang sarili mo!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na napigilan ng lahat na matawa sa kaprangkahan ni Annabelle habang pinapaalala niya kay Ruffa ang pagsagot sa "credit-card issue" na lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sabi tuloy ni Ruffa: "Alam n'yo, puwede ko bang gayahin yung dialogue ko sa pelikula? Naloloka na ako sa inyo! It's my birthday."

Sagot naman ni Annabelle na may kasamang lambing: "Happy birthday, Ruffa."

BEST BIRTHDAY GIFT. Speaking of birthday, ano ang pinakamagandang gift na natanggap ni Ruffa at kanino galing?

Sagot niya, "Ang pinakamagandang gift ko, hindi tangible. Marami na akong material na bagay na meron ako. I think, ang pinaka-precious talaga na ibinigay sa akin ay yung dalawang anak ko [Lorin and Venice]. They're with me. Gabi-gabi kasama ko sila sa bahay, minsan sa pagtulog. Sila ang pinaka-precious gift sa akin sa birthday ko. Sana every birthday ko, sila ang kapiling ko."

RAISING TWO DAUGHTERS. Ano naman ang mga natutunan ni Ruffa na dapat at hindi dapat gawin sa pagpapalaki ng mga anak na babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Well, siyempre, dalawa nga yung anak kong babae. Based sa experience ko growing up and I was the only girl, talagang naghigpit sila [her parents] sa akin. Siguro when my kids are older at maging teenager sila, ibabalanse ko yung paghihigpit ko sa kanila. You know, bibigyan ko sila ng freedom.

"Kasi ang gusto ko naman, when they go out there into the world, strong na sila. They have their own values and morals. So strong na sila to say no to anything that comes their way. Gusto ko silang palakihin na matatapang na babae, na kayang panindigan ang sarili nila. Hindi yung kailangan makinig sila sa ibang tao o mag-give in sila just for the sake of being a girl. So I want them to be strong women who know what they want in life. Dun ko sila papalakihin.

"In terms of boys, kailangan conservative. Kailangan dalawin sila sa bahay na may dalang fuits, flowers, and chocolates," pahayag ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MONSTER LOLA? Tanong naman kay Annabelle ay kung matitikman din kaya ng mga apo niya ang pagiging "monster" niya gaya ng natikman ni Ruffa noon?

"Hindi," nakangiting sagot ni Annabelle. "Hindi ko kayang pagalitan yung dalawang apo ko. Si Ruffa ang pinagsasabihan ko... Mana kay Ruffa yung anak niya, e. Yung isa nagmana kay Yilmaz [Bektas, Ruffa's estranged husband], sobrang tapang yung maliit [Venice]; yung isa [Lorin] naman, mana kay Ruffa. Hindi ko kayang pagalitan yung mga apo ko. Siya [Ruffa] ang pinu-push ko palagi."

Read Next
Read More Stories About
Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi porke't 34 ka na, magsasarili ka na ng desisyon mo. Hindi, ‘Day. Kalimutan mo yung what's wrong, what's right. Minsan nagkamali ka na, kung hindi dahil sa nanay mo... Ako, nandito lang sa ‘yo. Habang buhay pa ako, Ruffa, hindi ako titigil makialam sa buhay mo rin. Kasi ako, nanay mo ako, Ruffa, okay? Thirty-four years old ka na. Nandito lang ako para mag-guide at mag-advice sa ‘yo," says Annabelle Rama (left) to daughter Ru
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results