Kris Aquino-James Yap back together after confirmed temporary separation

Jun 25, 2008
It has been confirmed that celebrity couple Kris Aquino and James Yap separated but only for weeks. The two are back in each other's arms and are trying to fix their marriage.

Nagulantang ang mundo ng showbiz ngayong umaga nang lumabas sa isang tabloid ang balitang naghiwalay na raw ang mag-asawang Kris Aquino at James Yap. Ayon sa report ni Ambet Nabus sa Bulgar ngayong araw, June 25, nagsimula raw ang balita sa isang blind item tungkol sa isang mag-asawa na may problema. Kumalat ang naturang balita sa text messages sa pamamagitan ng "K Text," isang celebrity-based mobile service, kung saan isa sa featured celebrities si Kris.

Ayon sa subscribers ng "K Text," si Kris mismo ang nagkukuwento ng estado ng kanilang relasyon ni James, kasama na rito ang pagpunta sa marriage counseling.

Sa report ni Ambet, sinabi nitong may kinalaman ang comedienne na si Ai-Ai delas Alas sa balitang paghihiwalay nina Kris at James. Tinanggap kasi diumano ni Kris ang special guest appearance sa pelikula ni Ai-Ai nang hindi muna kinokonsulta si James, na nauwi sa mainit na pagtatalo.

Ayon naman sa impormasyong nakalap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), nagkaroon nga ng mainitang diskusyon sa pagitan nina Kris at James dahil nga sa pagpayag ng TV host-actress na lumabas sa pelikula ni Ai-Ai na Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. Matatandaang nagkaroon ng alitan sina James at Ai-Ai noong kasagsagan ng James-Hope Centeno controversy, kung saan nagbiro si Ai-Ai kay Kris na, "Isoli mo muna si James sa nanay niya."

Continue reading below ↓

Apparently, hanggang ngayon pala ay hindi pa rin napapatawad ni James si Ai-Ai sa komento niyang iyon, kaya nagalit naman ang Purefoods player sa asawa niya nang pumayag itong lumabas sa pelikula ng komedyana.

Dahil sa James-Hope controversy ay muntik na ring maghiwalay ang basketbolista at si Kris. Pero pinili nilang ayusin ang kanilang marriage hanggang sa nangyari ang bagong kabanatang ito sa kanilang buhay mag-asawa.

Kuwento naman ng isa pang source ng PEP na malapit kay Kris, tumagal daw ng ilang linggo ang paghihiwalay ng mag-asawa. Si Kris daw ang umalis sa bahay nila.

Noon nga raw namatay ang aktor na si Rudy Fernandez ay hindi pa sila nagkakabati. Marami rin ang nakapansin na noong nakaraang Father's Day, June 15, ay hindi raw naringgan si Kris na binati si James.

Nang mag-celebrate din ang panganay na anak ni Kris na si Josh (anak ni Kris sa aktor na si Phillip Salvador) sa Discovery Shores sa Boracay ay hindi nila kasama si James.

Continue reading below ↓

Kinumpirma naman kanina ng tumatayong manager ni Kris na si Boy Abunda na totoong naghiwalay sina Kris at James, pero nilinaw nito na nagkabalikan na ang mag-asawa.

Ayon sa kuwento ni Boy, ilang linggo lamang ang naging paghihiwalay nina Kris at James. Pero nagkausap na raw ulit ang mag-asawa at sinusubukan nilang ayusin ang kanilang relasyon ngayon.

Abangan ang mga karagdagang balita tungkol dito sa mga susunod na artikulo ng PEP.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It has been confirmed that celebrity couple Kris Aquino and James Yap separated but only for weeks. The two are back in each other's arms and are trying to fix their marriage.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results