Sunshine Cruz willing to live with husband Cesar Montano again

Jun 26, 2008
"Basta whatever, anuman ang problem namin ng sister-in-law ko, out si Cesar. Unang-una, hindi naman siya ang may kasalanan. Sinubukan niyang pigilan yung girl [Ched], pero ayaw talaga. Pero yung suporta niya, hindi mawawala dahil alam naman niya yung katotohanan, e," explains Sunshine Cruz about her relationship with husband Cesar Montano.

Nakakangiti na ngayon si Sunshine Cruz kapag pinag-uusapan ang kanyang asawang si Cesar Montano. Magandang pahiwatig daw ito ng pagkakasundo ng mag-asawa pagkatapos ng kontrobersiya sa paghihiwalay nila. In fact, nagsasalita na rin si Cesar in defense of Sunshine sa mga inilabas ng kapatid ng aktor na si Ched Cantu laban sa aktres.

"I'm very thankful naman. Sabi ko nga, e, better late than never. So, okey na rin at na-apreciate ko yun," sabi ni Sunshine nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Isang positibong palatandaan daw ito na nagbubukas ulit ang pinto sa pagbabalikan nila ni Cesar.

"Oo naman!" pagsang-ayon ni Sunshine. "Actually, it's on its way there. Kaya lang, marami pa talagang dapat ayusin."

Mukhang tuluy-tuloy na talaga ang pagsasama nilang muli ni Cesar?

"Why not? Hindi naman kami totally magkahiwalay pa, e. ‘Tsaka hindi naman ano, LQ-LQ [lovers' quarrel] lang yun. Sa aming dalawa, wala namang problema, e. Mangyayari rin yun. Let's hope for the best," pahayag ng aktres.

Continue reading below ↓

Ano talaga ang status ng relasyon nila ngayon ni Cesar, in a scale of one to 10?

"Basta whatever, anuman ang problem namin ng sister-in-law ko, out si Cesar. Unang-una, hindi naman siya ang may kasalanan. Sinubukan niyang pigilan yung girl [Ched], pero ayaw talaga. Pero yung suporta niya, hindi mawawala dahil alam naman niya yung katotohanan, e."

Si Sunshine mismo ang nagkuwento na sinabi ng kanyang mother-in-law na si Mrs. Emma Manhilot na hindi siya lilipat sa bagong bahay na ipinatayo ni Cesar sa Tivoli Royale kung hindi kasama ng anak ang misis nito. Willing ba si Sunshine na sundin ang kanyang mother-in-law?

"E, hindi lilipat si Nanay kung wala ako. Package deal, e, si Nanay. Nakakatuwa nga, e," ngiti ni Sunshine.

More or less, kinumpirma ni Sunshine ang pagbabalikan nila ni Cesar once na tumira na siya kasama ng aktor sa bagong bahay nila sa Tivoli Royale.

"E, nagpagawa nga siya ng bahay para sa family niya kaya kailangan maging good boy siya!" tawa ni Sunshine.

Continue reading below ↓

LIBEL CASE AGAINST CHED. Paano naman siya tinutulungan ni Cesar sa libel case na isinampa niya kay Ched?

"Hindi naman niya kailangang makialam," sagot ng aktres. "Unang-una, nandito na ang aking lawyer na si Atty. [Bonifacio] Alentajan para mag-handle nun, and I just told him na, ‘Kung anuman ang problem namin ngayon ng sister mo, huwag mong isipin. Out ka na doon,' sabi ko. Basta I have to do this. I just have to do this."

Open daw ang communication line nila ni Cesar. Pero nag-offer ba ng financial support si Cesar sa demandang isinampa ni Sunshine laban sa kapatid ng aktor?

"Hindi," diretsong sagot ni Sunshine. "Ang support naman, sa totoo lang, ni Cesar, kahit na nung panahon na nag-LQ-LQ kami, and up to now, hindi nawawala. Pinaparamdaman naman niya na kung anuman ang pagkukulang niya, talagang bumabawi siya, lalo na sa mga anak niya. Kaya wala akong masasabi sa kanya."

Continue reading below ↓

Bukod sa sister-in-law niya, idinemanda na rin ni Sunshine ang kolumnista ng Abante na si Jojo Gabinete.

"Because my lawyer said it at kailangan daw gawin. Kasi parang pinapalabas doon na I'm so evil na pinalayas ang isang paralisadong nanay, na he could ask me first bago niya isinulat. Kasi talagang masakit," paliwanag niya.

CESAR'S FAMILY. Ano ba talaga ang tunay na relasyon nila ng kanyang mother-in-law?

"Yun nga lang ang isa sa mga tunay na nagmamahal sa akin diyan na tumanggap sa akin kung ano ako," sabi ni Sunshine.

Ibig niyang sabihin hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ng pamilya ni Cesar ang naging career path niya noon sa showbiz bilang sexy star?

"Oo," pagsang-ayon niya. "Pero sabi ko nga, hindi naman sila ang pinakasalan ko; si Cesar. At hindi ko naman pinilit na pakasalan ako ni Cesar. And Cesar knows naman kung ano ang nakuha niya sa akin nung pinakasalan niya ako."

Continue reading below ↓

Ito rin ang isa sa mga lumabas na dahilan diumano ng hiwalayan nila ni Cesar. Ayon sa report, labis na nasaktan si Sunshine nang tinawag daw siyang "porno star" ni Cesar nung kainitan ng kanilang pag-aaway.

"Well, I may be a sexy star but Cesar knows what I am when he got me," mariing pahayag ng aktres.

Ano ang masasabi niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin mabura sa isipan ng pamilya ni Cesar na dati siyang sexy star?

"Wala naman akong masasabi, e. Ang sa akin lang, ni minsan hindi ako nakialam sa family ng iba. I just hope, you know, if they don't like me, pabayaan na lang nila. Kung mahal talaga nila si Cesar, kung ano talaga ang makakapagpaligaya kay Cesar, ibigay na lang nila. Sana bigyan din nila ng kapayapaan ang family ko," pakiusap ni Sunshine.

SUNSHINE'S STEPDAUGHTER. What about Cesar's daughter na si Angela? Okey na ba sila?

Continue reading below ↓

"Naiipit, e. Bina-blackmail, hina-harass daw siya. Sinabi niya talaga sa akin yun."

Totoo nga ba na nawalan na siya ng kuwarto sa bahay nila ni Cesar nung bumalik ulit si Angela sa kanila?

"Naku, alam mo, kahit si Cesar mismo ang magsasabi, hindi totoo ‘yan," sabi ni Sunshine. "Kahit sa mag-asawa yun, nanganak na, nandun pa rin ang kuwarto niya. Ako pa ang umaalalay sa kanya.

"May asawa na siya, nakatira sila sa isang condo sa Quezon City. Co-manager ko siya sa Bellissimo [restaurant]. But ever since nga the issue happened, hindi kami nagkikita or nag-uusap kasi talagang masama ang loob ko.

"Pero nag-sorry na siya at naiipit nga lang daw siya. E, before nangyari na ‘yan, e, about four years ago. I get letters sa table sa office. ‘Sunshine,' pagbasa ko galing kay Ched, harassment! And then I found out na siya [Angela] pala yung messenger!

"I confronted her about that and umamin naman siya sa akin. Sabi niya, ‘Ate Shine, I cannot do anything kasi hina-harass din ako.' Ate Shine ang tawag niya sa akin ever since. Kasi three years lang yung gap namin. Sabi niya, ‘Ate Shine, sorry talaga.' Nag-sorry siya at umiiyak siya sa akin na talagang naiipit lang daw siya. Inutusan lang daw siya na gawin sa akin yun.

Continue reading below ↓

"So after that, nagkasorihan. Nagkaiyakan pa nga kami. ‘Tapos inamin niya sa akin lang ngayon, na sabi niya na siguro raw hindi raw matanggap ni Tita Ched niya na okey na raw kami," lahad niya.

THE SISTER-IN-LAW. Sa palagay ni Sunshine, ano ang motivation ni Ched for doing all these things to her? Bakit ganun na lang yata ang galit sa kanya ni Ched?

"She's been doing this bago pa kami ikasal," pagsisiwalat ni Sunshine. "Ang dami-dami niyang sinasabi kay Cesar na ganyan, ganito raw ako. Masyadong hindi maganda kaya hindi ko na masasabi sa inyo. Pero I still treated her like my sister.

"Pero talagang may hanggangan nga ang lahat ng pagtitiis ng tao, lalo na kung masyado mong binababoy. I don't know, maybe because there was a time na gusto kaming pagbatiin, pero too much damage has been done. It's not that easy to forget, e."

Pinakamasakit para kay Sunshine sa mga isyung ibinato sa kanya ni Ched ay yung pinalayas niya raw si Nanay Emma sa bahay nila ni Cesar.

Continue reading below ↓

"Kay Nanay Emma, yun ang pinakamasakit para sa akin. E, si Nanay Emma na nga lang ang kakampi ko sa pamilyang yun, gagawin ko pa ba yun sa kanya? Basta kung hindi nila ako gusto, hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa kanila. Pero sana bigyan naman kami ng mga anak ko ng kapayapaan."

WHO'S THE FATHER? Nabanggit na rin lang niya ang kanyang mga anak, bakit may isyu na pinagduduhan ang bunsong anak nila na hindi raw si Cesar ang ama ng bata?

"Ewan ko. Anytime, di pa-DNA! Walang problema. ‘Tsaka may nabalita ba sa akin? Since I was fourteen years old, my life has been an open book. Nagpa-tweetums, nagpa-sexy hanggang sa nag-asawa. Paano ba yun?"

Nag-react din daw si Cesar sa isyung yun.

"Oo, pero look-alike niya [Cesar]. Carbon copy niya yun, kaya paapano mangyayari yun?"

Ano ang reaction ni Cesar?

"Natatawa siya, pero naaawa na rin kasi ako sa asawa ko. Kasi ang laki na rin ng ipinayat niya sa nangyayari. Naiipit siya, e. Hindi mo naman siyempre maiaalis na kapatid pa rin [si Ched], at the same time, asawa niya ako at may mga anak siya sa akin. But you know, kailangan lang talaga na mag-decide and to make a stand na hindi rin nasasaktan yung isa. And I understand kung anuman yung hanggang doon lang yung kaya niya. I still appreciate it," pahayag ni Sunshine.
Read Next
Read More Stories About
Sunshine Cruz, Cesar Montano
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Basta whatever, anuman ang problem namin ng sister-in-law ko, out si Cesar. Unang-una, hindi naman siya ang may kasalanan. Sinubukan niyang pigilan yung girl [Ched], pero ayaw talaga. Pero yung suporta niya, hindi mawawala dahil alam naman niya yung katotohanan, e," explains Sunshine Cruz about her relationship with husband Cesar Montano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results