Ai-Ai delas Alas and Paolo Contis win top acting honors in 24th Star Awards for Movies

IMAGE 0


(L-R) Star Awards winners Eugene Domingo, MovieSupporting Actress of the Year for Pisay; NashAguas, Movie Child Performer of the Year for Angels: Daddy'sAngel episode; Emilio Garcia, Movie Supporting Actor of the Year for Selda;Ai-Ai delas Alas, Movie Actress of



Matagumpay na naisagawa ng Philippine Movie Press Club(PMPC) ang first televised award-giving ceremony this year na 24th Star Awardsfor Movies kagabi, June 27, sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo University.Mapapanood ang naturang awards night sa Linggo, June 29, sa ABS-CBN.


Mahigit 25 categories ang pinaglabanan sa 24th Star Awards for Movies para samainstream movies at digital films. Out of the 25 categories, 16 ang para samainstream movies at siyam sa digital films. Bukod pa rito ang special awardsng PMPC na Darling of the Press award at ang Ulirang Artista Awardee(Lifetime Achievement Award).

Nakakuha ng apat na awards ang One More Chance, includingMovie of the Year para sa Star Cinema, Movie Cinematographer of the Year kayManuel Teehankee, Movie Editor of the Year kay Marya Ignacio; at angkauna-unahang karangalan para kay Cathy Garcia-Molina bilang Movie Director ofthe Year.

Napaluha namang tinanggap ni Ai-Ai delas Alas ang kanyangikalawang tropeyo bilang Best Actress sa Star Awards for Movies; this time parasa pelikulang Ang Cute Ng Ina Mo. Hagalpakan sa tawa ang mga tao sa speech niAi-Ai na bakit ang mga kapwa niya nominado ay pawang crying scenes angipinakita. Samantalang ang ipinalabas na eksena ni Ai-Ai kagabi ay yung nahulogsiya sa hagdan.

Ibinahagi ni Ai-Ai ang kanyang award sa mga co-nominees niyana sina Maricel Soriano, Lorna Tolentino, Judy Ann Santos, Bea Alonzo, atCherry Pie Picache. Nagpasalamat din siya sa Maykapal dahil sa gitna ngkontrobersiya—ang pagkakadawit ng pangalan niya sa hiwalayang Kris Aquino atJames Yap—ay may kapalit naman palang kaligayahan.

Nanalo si Paolo Contis bilang Movie Actor of the Year parasa pelikulang Banal. Nang i-announce ang winner sa kategoryang ito ay katabi niPaolo sa upuan ang co-nominee niya na si Ryan Eigenmann, na ang aga-agangdumating sa venue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Present din ang co-nominee ni Paolo at strong contender forthe Movie Actor of the Year category na si John Lloyd Cruz.

Umeksena naman sa pag-akyat hanggang sa pagtanggap ng awardniya as Movie Supporting Actress of the Year si Eugene Domingo para sa digitalfilm na Pisay.

Movie Supporting Actor of the Year si Emilio Garcia para sapelikulang Selda. May taping that night si Emilio, pero nagawa niyangmagpaalam muna para maka-attend ng Star Awards.

Si Nash Aguas naman ang nag-uwi ng award para sa Movie ChildPerformer of the Year para sa pelikulang Angels. Si Lovi Poe ang napili bilangNew Movie Actress of the Year para sa Shake, Rattle & Roll 9, kung saan nanalo rin si Matt Evans bilang New Movie Actor of the Year.

Ang iba pang kategorya para sa mainstream ay napagwagihannina Willie Urbino, Movie Production Designer of the Year para sa Ataul ForRent; Vanessa Valdez, Movie Original Screenplay para sa A Love Story; RaulMitra, Movie Musical Scorer of the Year para sa Paano Kita Iibigin; DitoyAguila at Rudy Gonzales, Movie Sound Engineer para sa Ouija; at si OgieAlcasid, Movie Theme Song of the Year para sa Paano Kita Iibigin. Pinasalamatanni Ogie sa kanyang acceptance speech ang kanyang "honey" na si Regine Velasquezfor the inspiration.

Si Ogie rin ang tumanggap in behalf of Regine na nanalobilang Darling of the Press ng PMPC. Ang nakatatandang kapatid na babae na siMarie Fernandez ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez ang tumanggap ng UlirangArtista award para sa aktor.

Out of the nine categories for digital films, hinakot ngCinema One Originals winner na Confessional ang limang awards. Ang Confessionalng Creative Programs, Inc thru Cinema One Originals and OddfieldProductions ang nanalo bilang Digital Film of the Year, Digital Movie Directorpara kay Jerrold Tarog at Ruel Antipuesto, Digtial Movie Editor of theYear kay Pats Ranyo, Digtial Original Movie Screenplay kay Ramon Ukit, atDigital Movie Sound Engineer kina Ditoy Aguila at Rudy Gonzales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nanalo naman bilang Digital Film Original Theme Song ay"Nandito Ako" ng Selda na ginawa nina Paolo Villaluna at Pike Ramirez.Digtial Movie Scorer naman sina Vince de Jesus at Jobin Ballesteros para saPisay; Digital Film Cinematographer si Rodolfo Aves Jr. ng Kadin; atDigital Film Production Designer si Danny Red para sa Selda.

May special awards din na ibinigay that night para sa mgacelebrities na dumating. "Celebrity Fab of the Night" sina Piolo Pascual atMaja Salvador mula sa Nature's Harvest Fab; "Celebriy Mom of the Night" anghost ng 24th Star Awards for Movies na si Dawn Zulueta, courtesy of CebuanaLhuillier; Faces of the Night naman si Piolo ulit at si Pops Fernandezmula sa Mendez Medical Group; at Stars of the Night sina John Lloyd Cruz atEula Valdes mula sa Lucida-DS Glutathione.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN