Bong Revilla on Jolo-Lovi love affair: "The more na pigilan mo, lalong magpipiglas ‘yan."

Jun 28, 2008
"Pero alam mo, sa pag-ibig, mahirap pigilan yun, e. The more na pigilan mo, lalong magpipiglas ‘yan. Ang dapat sa kanila pangaral, guidance. Kasi kapag inawat mo ‘yan, hindi mo basta-basta mapipigilan ‘yan," says Bong Revilla about the love situation of son Jolo Revilla and Lovi Poe.

Aminado si Ramon "Bong" Revilla na nasasaktan siya bilang ama sa nangyayari sa kanyang anak na si Jolo Revilla kaugnay ng pakikipagrelasyon nito sa young actress na si Lovi Poe. Very vocal kasi ang ina ni Lovi na si Rowena Moran sa pakikitungo ng kanyang anak kay Jolo. Si Lovi ay anak ni Rowena sa yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.

"Well, masakit yun bilang ama," sabi ni Bong sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pero hindi rin natin maiaalis bilang magulang din ni Lovi, bilang nanay din siya, natatakot din siya. Ayaw rin niyang mangyari yung nangyari kay Grace [Adriano, ina ng anak ni Jolo], yung kay Osang [Rosanna Roces] na napakamurang edad. Hindi natin masisisi. Naiintindihan ko siya.

"Ako kasi, hindi naman ako yung kung ano marinig ko, mapipikon ka agad, magagalit ka. Ako, titingnan ko agad. ‘Bakit?' Yun agad ako, e. Binibigyan ko agad ng justitification. ‘Bakit? E, kaya naman pala.' Dapat intindihin yun. Kasi dapat maging malawak tayo sa mga bagay-bagay."

Continue reading below ↓

Kung buhay ang ama ni Lovi na si FPJ, makikipag-usap kaya si Bong nang usapang lalaki kay Da King?

"Oo naman," sagot ng actor-politician. "Ibig sabihin, kapag siguro nandiyan si Ninong Ron, baka hindi makalapit si Jolo na manligaw doon!" tawa niya.

"Sabi ko nga kay Jolo, ‘Alam mo, kung buhay si Ninong Ron, baka nabugbog ka na!'" tawa ulit ni Bong. "Hindi hindi, hindi naman... Ibig sabihin, baka hindi sila nagkakilala. Hindi makakapasok sa showbiz [si Lovi], e. Hindi siya papayagan. Yung Lovi naman, napakabait na bata, in fairness.

"Pero alam mo," patuloy ni Bong, "sa pag-ibig, mahirap pigilan yun, e. The more na pigilan mo, lalong magpipiglas ‘yan. Ang dapat sa kanila pangaral, guidance. Kasi kapag inawat mo ‘yan, hindi mo basta-basta mapipigilan ‘yan."

THE REAL SCORE. If ever, type niya ba si Lovi for Jolo?

"Oo naman!" mabilis na tugon ni Bong. "Sabi ko nga kay Jolo, ‘Si Lovi ang tipo ng babaeng pakakasalan mo. Kaya alagaan mo ‘yan, irespeto mo ‘yan.' Sabi ko rin, si Lovi yung Lani [Mercado, Bong's wife] younger version," dagdag niya.

Continue reading below ↓

Ano ba talaga ang real score sa pagitan nina Jolo at Lovi?

"Hindi ko lang alam yung personal na ano nila," maingat na sagot ni Bong. "Pero alam ko na ang advice namin sa kanila, ‘Focus muna sa career ninyo, sa pag-aaral ninyo. Yung love, kung meron mang kumukontra, humahadlang sa inyo, pag-isipan ninyong mabuti. Mahirap naman yung may nasasaktan.'

"Sabi ko nga kay Jolo, ‘Ikaw na naman! Pagod na kami, Jolo!' natatawang sabi ni Bong.

BRIAN REVILLA. What about his eldest son Brian?

"Si Brian at least okey naman siya ngayon. Sabi ni Brian, ‘Papa, magpa-pari na lang ako!'" natatawang sabi ng actor-poltitician.

Balita na ang girlfriend ngayon ni Brian ay ang bagong TV Star Patroler at ANC weather girl na si Gretchen Pulido.

"Kaibigan lang yata. Magkaibigan lang ‘ata sila," sabi naman ni Bong.

THE IN-LAWS. Kinumusta rin namin ang relasyon nila ng in-laws ng kanyang anak na si Inah Revilla, partikular na ang kanyang kaibigan na si Jorge del Rosario at misis nito na si Patricia.

Continue reading below ↓

"Sa akin, kung anuman ang nangyari those times, kinalimutan ko na yun. Kung meron mang masaya at hindi maganda na pangyayari, kinalimutan ko na lahat yun. Basta ang importante, maligaya ang anak ko. Kung saan siya maligaya, maligaya na rin ako. At ang importante naman doon, mahal nila ang anak ko. Masaya ako sa pagsasama nina Inah at Vince. Wala akong complaint. Dumadalaw sila sa amin, doon sila natulog last week.

"Actually, nung may bagyo nandun sila sa bahay [sa Alabang]. Kumirot pa nga yung ano niya, nagkaroon siya ng heartburn. Pinagluto kasi siya ni Bryan ng pasta. E, ang daming nakain. Bawal pala yung maraming oil kay Inah kaya nagka-heartburn siya. Kasagsagan nung bago nagpunta sila ng ospital, sa Asian Hospital. But after a while, umuwi rin sila sa bahay," kuwento ni Bong.

"WINKING" INCIDENT. Tinanong din namin si Bong sa lumabas na balita rito sa PEP na kinindat-kindatan daw siya ni Gretchen Barretto sa burol ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Continue reading below ↓

"Ah, ‘yang kindat-kindat? Sa totoo lang, hindi ko nakita ‘yan," sabi niya.

Ayon kasi sa report, kinindat-kindatan daw siya ni Gretchen para mapansin ni Bong ang pagpapa-botox diumano ng mukha ng aktres.

"Hindi, wala talaga," tanggi ni Bong. "‘Tsaka hindi, close na sila [Lani at Gretchen]. Nagbeso-beso pa sila nung gabing yun, e."

Ano ang feeling na tila nagpapa-charming pa rin sa kanya ang dati niyang karelasyon?

"Hindi, wala na yun. Kumbaga, those were the days. That's water under the bridge."

Kung nakita niya ang pagkindat ni Gretchen sa kanya, ano ang gagawin niya?

"E, di kikindatan ko rin!" tawa niya.

Natawa lang si Bong nang tanungin namin kung papayagan ba niya na magpa-botox din si Lani.

"Hindi pa naman niya kailangan," nakangiti niyang sagot.

Sa kabila ng maraming babae na nagkakagusto kay Bong, nangako raw siya kay Lani na hindi niya iiwan ang kanyang pamilya.

"Yun ang sinumpaan natin sa simbahan. I will never leave my family, of course. I may be naughty, pero tao lang naman ako.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pero alam mo, sa pag-ibig, mahirap pigilan yun, e. The more na pigilan mo, lalong magpipiglas ‘yan. Ang dapat sa kanila pangaral, guidance. Kasi kapag inawat mo ‘yan, hindi mo basta-basta mapipigilan ‘yan," says Bong Revilla about the love situation of son Jolo Revilla and Lovi Poe.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results