Stars led by Marian Rivera invade Sangyaw Festival in Tacloban

by Dinno Erece
Jun 30, 2008
Young actress Marian Rivera (left) was welcomed by Tacloban City councilor and former actress Cristina Gonzales (right) upon her arrival at Tacloban City for the Sangyaw Festival.

Through the initiative of the husband and wife team of Tacloban City Mayor Alfred Romualdez and Councilor Cristina Gonzales-Romualdez, ibinabalik ng siyudad sa Leyte ang orihinal nilang fiesta na "Sangyaw," a Waray word that means "announcement."

This was researched during the time of the Marcoses in the ‘70s and reintroduced noon sa Kasaysayan ng Lahi. It became an annual event from 1974 to 1986, until it was discontinued by the next administration.

Alfred and Cristina worked tirelessly to provide their townmates a weekend affair to remember, including cultural shows, a city parade, nightly concerts and star appearances.

Sina Cristina and outstanding Taclobeño Alfonso Chu ang nag-imbita ng mga manunulat.

Thursday night, June 26, pa lang ay nagkaroon na ng Search for Miss Tacloban 2008 with the band Sugarfree as special guest stars. Friday night, June 27, ginanap naman ang Search for A Star Season Two with fellow Taclobeña Karla Estrada among the judges, and it was also graced by the presence of Dennis Trillo. Nagkaroon din ng pa-concert ang Brownman Revival.

Continue reading below ↓

Sabado ng umaga, June 28, kasabay ng PEP (Philippine Entertainment Portal) team sina Donita Rose at Rico J. Puno sa PAL early flight and an hour later naman, sa Cebu Pacific flight sumakay ang dalawang bandang Calla Lily and 6 Cyclemind.

Contingents from Makati led by Mayor Jejomar Binay, Basilan with the representative of Mayor Akbhar attending, and even the city of Marikina headed by MMDA chair Bayani Fernando drove all the way from Manila and Mindanao with busloads of musicians and officers with them. May ipinadala ring representatives ang mga probinisiya ng Bacolod at Cebu.

Sabado ng gabi, nagkaroon ng isang cultural show sa Balyuan Amphitheatre na kung hindi kami nagkakamali ay first structured amphitheatre by the sea.

Nandoon ang original Rose of Tacloban, former First Lady Mrs. Imelda Marcos, na kinantahan ng "Happy Birthday" as she will celebrate her natal day on July 2.

Over at the St. Paul's College, formerly Divine World, may reunion ang class of ‘68 na dinaluhan nina Rico J. and Donita, at sa Astrodome naman ay may pa-concert ang Calla Lily.

Continue reading below ↓

Linggo ng hapon, June 29, sarado ang main street ng Tacloban for the parade involving dance troupes from Makati, Cebu, Marikina, Bacolod, and Tacloban. Si Marian ang nag-iisang artista to join the parade, on a float of her own.

Sa 11 a.m. Cebu Pacific flight ng Linggo, sumakay si Marian at ang kanyang manager na si Popoy Caritativo. Sinundo sila ni Cristina. Inihatid muna sila sa Hotel Alejandro to freshen up.

Ala-una pa lang, hindi na mahulugang-karayom ang main road ng Tacloban dahil hinintay ang pagparada ni Marian. More than three hours ang parade with the dancing troupes of the representative cities entertaining each stops sa parade route. Nagsiksikan na lalo ang mga tao sa street nang papalapit na ang karosa ni Marian and even the likes of Madame Imelda, Mayor Binay, and Cristina's mother Mrs. Charito Gonzales have to look on kung bakit nagkakagulo ang mga tao.

Mag-a-alas kuwarto na ng hapon bago dumaan sa lugar namin si Marian at mahaba-haba pa ang itatakbo ng parada. Puro ngiti at kaway lang si Marian endlessly kahit hindi alam ng mga tao na may hahabulin siyang last flight out of Tacloban by 6 p.m. dahil kailangan niya ring makabalik sa Manila pati na ang kanyang manager. Marian and Popoy promised to support Mart Escudero's movie My Monster Mom na magpi-premiere din Sunday night. Mart is also a talent of Popoy alongside Dennis.

Continue reading below ↓

Pasado alas-singko na ng matapos ang parade at huling text ni Popoy sa amin, nahabol pa rin nila ang kanilang return flight.

Sunday night, may pa-concert si Kitchie Nadal sa Balyuan Amphitheater, ang 6 Cyclemind sa Astrodome at sa Rizal Park, an ABS-CBN extravaganza was announced although wala kaming nakitang Kapamilya stars buong Sabado at Linggo.

Hanggang Lunes (June 30) pa magtatapos ang Sangyaw with several concerts pa of local bands and popular Manila bands Shamrock, Glock 9, at ang Bubble Gang mainstay na si Francine Prieto.
Read Next
Read More Stories About
Marian Rivera, Dennis Trillo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actress Marian Rivera (left) was welcomed by Tacloban City councilor and former actress Cristina Gonzales (right) upon her arrival at Tacloban City for the Sangyaw Festival.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results