Cheska Garcia to her critics: "Kung apektado kayong mga nag-i-email diyan, problema n'yo na yun!"

Jun 30, 2008
"E, as if naman it matters to her. As if naman gusto niyang pumunta sa wedding ko. I'm sure na hindi niya gustong pumunta sa wedding ko. She said rin naman she doesn't want anything to do with my brother, and I'm Patrick's sister," says Cheska Garcia about not inviting Jennylyn Mercado (inset, top) to her wedding.

Pinagdudahan ng ilan ang pag-alis ni Patrick Garcia papuntang Amerika. May mga nagsasabing wala raw sa record ang pag-alis ng young actor sa Pilipinas.

Noong June 15 ay iniulat ng The Buzz ang pagkumpirma ni Patrick na lisanin na niya ang bansa noong araw na ‘yon upang mag-aral sa Amerika at upang umiwas na rin sa lumalalang mga intrigang kinasasangkutan niya.

Nagsalita naman sa The Buzz ang nakatatandang kapatid ni Patrick na si Cheska Garcia tungkol dito.

"Well, kung nasaan man ang kapatid ko now, it's none of anybody's business. He's just on a vacation. Trying to look for a school there. He wants to go to NYU [New York University]. School's gonna start on August, but of course, he has to be back nga for my wedding on October. So, he'll be back by September and I will be the one to pick him up. Ba't bini-big deal nila ang hindi big deal?" saad ni Cheska.

Continue reading below ↓

Nilinaw rin ni Cheska ang tunay na sadya ni Patrick sa Amerika.

"My Dad felt that Patrick should leave first the country para may breather naman siya. Yung hanapin niya kung ano ang talaga ang gusto niyang gawin."

NOT INVITED. Samantala, pinangatawanan ni Cheska ang sinabi niya rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi niya iimbitahan ang dating girlfriend ng kapatid niya na si Jennylyn Mercado sa kanyang kasal sa basketball player na si Doug Kramer.

"Oo naman! Ako kapag nagsalita ako, I make sure na I can stand up for what I said. Totoong sinabi ko na hindi siya invited sa wedding ko.

"E, as if naman it matters to her. As if naman gusto niyang pumunta sa wedding ko. I'm sure na hindi niya gustong pumunta sa wedding ko. She said rin naman she doesn't want anything to do with my brother, and I'm Patrick's sister. Kung meron man nagalit din, e, magalit kayo!" diretso niyang pahayag.

Continue reading below ↓

Dahil sa mga binitiwang salita ni Cheska, naparatangan siya ngayon na mayabang. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Ano ang mayabang doon? It is my event. Well, kung apektado kayong mga nag-i-email diyan, problema n'yo na yun! Hindi ko problema yun!"

Binuweltahan din ni Cheska ang diumano'y negatibong reaksiyon ng kampo ni Jennylyn sa pag-abot ng tulong ng pamilya Garcia para sa nagdadalang-taong young actress.

"Kung sinabi man niya yun, she said that she didn't need it, okay! Bakit naman namin pipilitin ang isang taong ayaw naman ng tulong?" pahayag ni Cheska.

Nagbigay rin ng mensahe si Cheska sa mga patuloy na umiintriga sa kanya at sa kanyang pamilya.

"Sa mga nakakaintindi, thank you. Sa mga hindi nakakaintindi, well, I can't please everybody. Kung affected kayo dahil feeling ninyo na meron akong pinatatamaan, konsensiya ninyo na yun. At hindi ko pinoproblema ang problema ng iba, period!"

Sinubukan din ng The Buzz na kunin ang pahayag ni Jennylyn. Tumangging magpa-interview si Jennylyn at bagkus isang statement ang ipinadala ng kanyang manager na si Becky Aguila.

Continue reading below ↓

"We're not aware but if true, we hope for the best. We only wish Patrick well."

Read Next
Read More Stories About
Cheska Garcia, Jennylyn Mercado
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"E, as if naman it matters to her. As if naman gusto niyang pumunta sa wedding ko. I'm sure na hindi niya gustong pumunta sa wedding ko. She said rin naman she doesn't want anything to do with my brother, and I'm Patrick's sister," says Cheska Garcia about not inviting Jennylyn Mercado (inset, top) to her wedding.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results