Annabelle Rama admits gambling problem in the past

Jun 30, 2008
"Noon kasi, palagi kaming nag-aaway ni Eddie dahil addict ako sa sugal. Hindi ko naman itinatanggi dahil ginagawa ko namang talaga. Pinapapili niya ako, sugal ba or pamilya? Ewan ko kung ano ang nangyari sa akin at nalulong talaga ko sa sugal. Pero right now, binitawan ko na ‘yan. For 20 years, hindi na ako humahawak ng baraha, hindi na ako nagma-mahjong," reveals Annabelle Rama.

Bilang bahagi pa rin ng promotion para sa My Monster Mom na ipalalabas na sa July 2, live na in-interview nina Pia Guanio, Rufa Mae Quinto, at Mo Twister si Annabelle Rama sa Showbiz Central kahapon, June 29.

Bago ang live interview, may mga video greetings munang inihanda ang Showbiz Cetral mula sa ilang malalapit na tao sa buhay ni Annabelle, 'tulad ng ilang kasambahay niya na kung may ilang dekada na nilang kasama sa bahay. Pinatunayan nila na "mabunganga" lang daw si Annabelle, pero sa kabila nito ay mabait ang kanilang amo.

GAMBLING PAST. Nagsalita rin si Alfie Lorenzo, na isa sa pinakamatalik na kaibigan ni Annabelle sa showbiz. Ikinuwento ni Alfie ang isang insidenteng lumayas noon si Annabelle sa bahay nila. Ayon sa talent manager, sa isang orphanage sa Cebu dinala at itinago ni Annabelle ang mga anak sa asawang si Eddie Gutierrez.

Ipina-elaborate naman ni Pia ang naturang kuwento kay Annabelle during their live interview at hindi naman itinanggi ni Annabelle.

Continue reading below ↓

"Noon kasi, palagi kaming nag-aaway ni Eddie dahil addict ako sa sugal. Hindi ko naman itinatanggi dahil ginagawa ko namang talaga. Pinapapili niya ako, sugal ba or pamilya? Ewan ko kung ano ang nangyari sa akin at nalulong talaga ko sa sugal. Pero right now, binitawan ko na ‘yan. For 20 years, hindi na ako humahawak ng baraha, hindi na ako nagma-mahjong.

"Ang ginagawa ko na lang, alagaan ang mga apo ko. Minsan kahit nagpupunta ako ng Las Vegas, hindi na ako nagsusugal. Minsan, binigyan ako ni Richard [Gutierrez] ng $2,000 para palaguin ko raw, pero hindi ko rin naman isinugal. Ibinalik ko rin sa kanya."

FORGIVING POKWANG. Tinanong naman ni Rufa Mae na dahil sa pagiging protective ni Annabelle sa kanyang mga anak, may insidenteng nag-spoof si Pokwang tungkol sa dalawa niyang anak na sina Richard at Raymond Gutierrez. Now na nag-sorry na raw si Pokwang, ano naman ang masasabi niya rito?

Continue reading below ↓

"Nag-sorry na siya sa akin, so hindi ko na lang yun pinapansin," sabi ni Annabelle. "Ibig sabihin, tinatanggap ko ang sorry niya sa akin dahil public apology yung ginawa niya sa akin.

"Advice ko nga kay Pokwang palagi, kung magko-comedy siya, maski ako na lang ang gamitin niya, tutal palagi naman niya akong ginagamit. I'm so proud na ako ang ginagamit niya. So ibig sabihin, sikat ako, di ba? Huwag lang ang mga anak ko... Kung ako, kaya ko yun, e."

MOROCCAN SUITOR. Mo asked Annabelle regarding the seven-footer Moroccan basketball player na balitang nanliligaw ngayon sa anak niyang si Ruffa Gutierrez. Balitang hindi pabor si Annabelle sa manliligaw na ito. Sinundan pa ni Pia na nakita raw ang basketball player na nagbigay pa ng bouquet of roses kay Ruffa.

"Sinabi ko lang kay Ruffa, ‘Sino na naman ‘yan, ‘Day?' Hindi ko nga maano...naka-ganyan [nakatungo] na lang ako [dahil sa tangkad ng lalake]. Sabi ko lang, ‘Ruffa, dahan-dahan sa pagpili ng lalaki. Hindi sa ako'y nakikialam, ako ay nag-a-advice lang. Kung kukuha ka ng lalaki, mas matanda dapat sa ‘yo, hindi yung mas bata.'

Continue reading below ↓

"Kasi yung bata, mas mahirap yun. Hindi mo masasakyan ang ugali no'n. Kaya konting galit lang, nandoon na ang mga sampalan, murahan, ‘tapos hiwalayan," lahad ni Annabelle.

Sa puntong 'yon, direkta pang sinabihan ni Annabelle ang co-host ng Showbiz Central na si Rufa Mae na huwag kumuha ng batang boyfriend. Alam daw kasing mas bata sa kanya ang boyfriend nito.

Nag-follow-up question naman si Mo na kung sakaling kailangang pumili ni Annabelle, sino kaya ang pipiliin nito—si Yilmaz Bektas o yung seven-footer na basketball player?

"Wala!" maagap na sagot ni Annabelle. "Kasi si Yilmaz, tapos na ang ano niya kay Ruffa, yung pagsasama nila, hindi maganda. Para sa akin, magkaibigan na lang sila. Father siya sa dalawang anak ni Ruffa.

"Yung isa naman, parang hindi sila dapat maging ni Ruffa dahil bata pa yung isang yun. I'm sure, gusto lang nun ng happenings siguro. Hindi pa yun ready na mag-alaga ng dalawang bata, di ba?"

Continue reading below ↓

RAYMOND GRILLS HIS MOM. May VTR din sa anak ni Annabelle na si Raymond Gutierrez, na isa rin sa mga host ng Showbiz Central. Ibinuko nito na nang nakatira pa raw siya kasama ang mommy niya, tuwing gabi o madaling-araw na siyang nakakauwi, mas tinatanong pa raw at kinukumusta ni Annabelle ang driver kesa sa kanya. Feeling daw ni Raymond, mas concern pa ang mommy niya sa mga driver kesa sa kanyang anak.

Natatawa naman si Annabelle na sinabing, "Ayoko kasi na yung driver napupuyat, e, puro lakwatsa lang naman. At saka takot ako sa aksidente. At ayoko na yung driver nagugutom. Kasi ang driver, kapag hindi gutom at kumpleto sa coffee-coffee or kung anuman diyan, e, di maganda ang pagda-drive niya, di ba?

"At saka kapag lakwatsa lang kasi, sinasabi ko, ‘Huwag n'yong puyatin, kawawa naman, wala namang ginagawa.' Pero kapag taping, shooting, okay. Pero kung wala namang ginagawa, sinasabi ko na, ‘Pauwiin mo ang driver at meron pa ‘yang maagang trabaho.' Kaya nagagalit silang lahat sa akin dahil mas concern daw ako sa driver."

Continue reading below ↓

Tawa pa rin nang tawa si Annabelle sa ikalawang pambubuking ni Raymond sa kanya. Ayon kay Raymond, marami na raw TV commercials na tinanggihan ang mommy niya. Yung isa, dahil pinagsusuot daw ito ng duster at pinaglalaba. Yung ikalawa naman, pinapasayaw sa labas.

"Alam n'yo kasi, noong in-offer sa akin yun, hindi pa ako ready talaga. Hindi pa ako ready na umarte. Kaya sabi ko, ‘Naku, ano kaya hitsura ko kung ganyan ako?' E, nag-duster na ko sa pelikula kaya lahat, lahat puwedeng mag-offer sa akin ngayon!" natatawa niyang sabi.

Sa ikatlong pambubuko ni Raymond sa mommy niya, nag-dialogue si Annabelle na nakakaiyak naman daw ang mga sinabi sa kanya ng anak. Bilang ganti, sinabi niya na mabait na anak si Raymond.

Ayon kasi sa ikatlong VTR message ni Raymond, sinabi nitong sa kabila ng pagiging mataray ng image ng ina, deep down ay mabait daw ito at ginawa ang lahat to raise them well. Hindi rin daw niya akalaing matatapos ng mommy niya ang My Monster Mom dahil kalagitnaan ng shooting ay nagku-quit ito at sinasabing hindi na niya kaya at lalong hindi kaya ang working hours ng isang artista.

Continue reading below ↓

Inamin naman ni Annabelle na totoong kalagitnaan ng movie ay gusto na raw niyang umatras.

"Sinabi ko na kung puwede bang si Ruffa na lang ang gawing bida at huwag na ako. Kasi ang hirap palang mag-shooting. Biro mo, a-acting ka, ire-rehearse mo ang dialogue mo. ‘Tapos ang Tagalog ko pa, baluktot pa minsan. Kaya sa lahat ng manonood ng movie ko, pagpasensiyahan n'yo na kung may Bisaya minsan. Ang speech ko kasi minsan, pinagtatawanan nila Ruffa. Sasabihin, ‘Mommy, Bisayang-Bisaya ka!' E, wala akong magagawa, Bisaya talaga ako, e!"

LOVE-HATE RELATIONSHIP WITH RUFFA. Pia asked Annabelle kung mas lalo raw ba silang naging malapit sa isa't isa ni Ruffa dahil nagkatrabaho silang dalawa sa movie.

"Actually, kaming dalawa ni Ruffa, hindi na mawawala sa amin yung para kaming aso't pusa. Kahit sa shooting, nag-aaway kami. Kasi pakialamera siya masyado sa akin. Yung makeup ko, yung mata ko, inaantok daw ako. E, paano akong hindi aantukin, Ruffa, e, uminom nga ako ng pampakalma? ‘Tapos sabi niya, ‘Idilat mo ang mata mo, Mommy!' Kapag nakadilat naman, sasabihin, ‘Huwag mong masyadong lakihan ang mata mo, mukha kang mataray!'

Continue reading below ↓

"Masyado siyang nakikialam sa akin. Pati lipstick ko, pati damit ko. Hindi raw maganda ang mga damit ko, ganyan-ganyan, kaya palagi kaming nag-aaway sa set," kuwento ni Annabelle.

Ayon pa kay Annabelle, halos lahat ng eksena niya sa My Monster Mom ay paborito niya, pero natatawa nitong sinabi na pinaka-favorite daw niya nang sinampal niya si Ruffa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Noon kasi, palagi kaming nag-aaway ni Eddie dahil addict ako sa sugal. Hindi ko naman itinatanggi dahil ginagawa ko namang talaga. Pinapapili niya ako, sugal ba or pamilya? Ewan ko kung ano ang nangyari sa akin at nalulong talaga ko sa sugal. Pero right now, binitawan ko na ‘yan. For 20 years, hindi na ako humahawak ng baraha, hindi na ako nagma-mahjong," reveals Annabelle Rama.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results