A tale of two weddings: Bernadette Sembrano's Independence Day wedding and Nina Corpus's Parisian nuptial

Jun 30, 2008
Bernadette Sembrano (left) and her husband Vice-Mayor Emilio Aguinaldo IV decided to get married on June 12, the date Emilio's grandfather—the Philippines' first president Emilio Aguinaldo—declared the nation's independence from Spanish rule 110 years ago. Another couple, Nina Corpus (right) and husband Vince Rodriguez of Studio 23, tied the knot in an 11th century Gothic church in Paris, France.

Dalawang magkasunod na Linggo, ekslusibong ipinalabas sa The Buzz ang kasalan ng dalawa sa news anchors ng ABS-CBN News & Public Affairs, walang iba kundi sina Bernadette Sembrano at Nina Corpus.

INDEPENDENCE DAY WEDDING. Last Sunday, June 22, ipinalabas sa The Buzz ang ekslusibong coverage ng kasal ni Bernadette kay Emilio Aguinaldo IV, apo ng unang presidente ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo, noong Independence Day, June 12. Nagkakilala sina Bernadette at Orange, palayaw ng mister niya, noong Independence Day, 2006 sa Cavite. Nagtatrabaho noon si Bernadette bilang news anchor.


Sumunod na taon, muling nag-cover ng Independence Day sa Cavite si Bernadette at muli silang nagkita ni Orange. Doon nagsimula ang love story nina Bernadette at Orange. Nang sumunod na taon, nagpasya na ang magkasintahan na lumagay na sa tahimik. Sa kasalukuyan ay vice-mayor ng Cavite si Orange.

"Thirty minutes to go, excited na ako. Kinakabahan na masaya," pahayag ni Bernadette habang kinukunan ng camera ng The Buzz sa araw ng kanyang kasal. "Kinakabahan ako, kasi mag-aasawa na ako after 32 years! Ha-ha-ha!"

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Bernadette, "It's worth the wait."

Naniniwala sina Bernadette at Orange na malaki ang kinalaman ng bayaning lolo ni Orange na si Emilio Aguinaldo sa kanilang pagkikita hanggang sa kanilang pag-iisang dibdib. Bukod nga raw sa "Indie" na tawagan nila sa isa't isa, mismong Independence Day ang napili nilang araw para sa kanilang kasal.

Filipiniana ang napili nilang motif for the wedding at ginanap ang kasal sa Chapel on the Hill sa Don Bosco Nasugbu, Batangas. Sa Sonia's Gardens sa Alfonso, Cavite, naman ginanap ang reception. At matapos ang kasal, kaagad lumipad patungong San Francisco, California, ang bagong kasal para sa kanilang honeymoon.

Feeling ni Bernadette, itinadhana sila ni Orange para sa isa't isa. Pati plate number ng kanyang sasakyan ay may numerong 6-1-2 o June 12.

MARRIED IN PARIS. Kahapon naman, June 29, sa The Buzz ay ipinakita ang kasal naman ng TV Patrol news reporter na si Nina Corpus sa Studio 23 executive producer na si Vince Rodriguez.

Continue reading below ↓

Bongga ang kasal ni Nina dahil sa Paris, France, ginanap ito.


May 20 naman ng taong ito nang magpakasal si Nina sa kanyang boyfriend na si Vince sa isang 11th Century Gothic Church sa Paris.

"It was a dream wedding talaga. Hindi namin akalain na magagawa namin yun sa isang lugar na ganun kalayo at napakaganda.

"It's an old church, one of the oldest in Paris. The gown was made by my friend Debbie Go. Pati yung entourage, siya yung gumawa."

Saksi sa kanilang pag-iisang dibdib ang kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan na lumipad pa papuntang Paris.

"It was perfect. I got so emotional while walking down the aisle. Kasi nandun yung mga close friends mo and family. Mga 80 guests flew from here sa Philippines, U.S., and Canada.

"Yung kanta, ‘Ave Maria.' ‘Tapos si Vince pagtingin ko nung papalapit na rin ako sa kanya umiiyak din siya.

"It's one of the happiest moments sa buhay naming dalawa. Right after the wedding, tumawid lang kami. Siguro 20 steps lang papunta sa reception namin."

Continue reading below ↓

Trainee pa lang si Nina sa Studio 23 at EP na noon si Vince nang magkakilala ang dalawa. Year 2002 noong nagkarelasyon sila. Noong December 2007 nag-propose si Vince kay Nina. At Pebrero nang magdesisyon silang mapagkasal sa Paris.

"We decided na doon na rin kami mag-honeymoon. Siyempre andun ka na, e. Nagpunta kami sa Spain, Italy, France. Sobrang fun. Ang saya-saya namin, siyempre. Ang ganda ng lugar ‘tapos kakakasal mo lang."

Ipinakita rin sa The Buzz last Sunday ang mensahe ni Nina kay Vince.

"Thank you for giving me my dream and being with me all these years."

Sa ngayon, nakahanda na ang bagong mag-asawa sa posibilidad na maging kambal ang kanilang magiging panganay na anak dahil parehong nasa lahi ito ng kani-kanilang pamilya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bernadette Sembrano (left) and her husband Vice-Mayor Emilio Aguinaldo IV decided to get married on June 12, the date Emilio's grandfather—the Philippines' first president Emilio Aguinaldo—declared the nation's independence from Spanish rule 110 years ago. Another couple, Nina Corpus (right) and husband Vince Rodriguez of Studio 23, tied the knot in an 11th century Gothic church in Paris, France.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results