Lovi Poe defends her mom's protectiveness

Jun 30, 2008
"Kasi ang mom ko, you can't judge her that easily kasi any mother naman, proprotekthan ang anak nila, and I know she's just being a mom. Ako, I'll always love my mom, she's been with me since I was born at walang makakapalit nun. A mother will always be a mother. Maybe someday I'll understand that. A mother is born to protect her own child," says Lovi Poe about the negative reactions that her mom, Rowena Moran, is getting.

Isang emosyonal na Lovi Poe ang humarap two Sundays ago sa Showbiz Central, kung saan inamin nito na nahihirapan siya sa sitwasyong kinasusuungan kaugnay ng relasyon nila ng rumored boyfriend niyang si Jolo Revilla.

Balita ang matinding pagkadigusto ng butihing ina ni Lovi na si Rowena Moran kay Jolo, nasulat din na sinugod daw sa taping ng isang show ng GMA-7 at pinagsalitaan ng masasakit ng mommy ni Lovi ang binatang ama.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Lovi sa 24th Star Awards for Movies last Friday, June 27, inamin ni Lovi ang rason kung bakit siya naging emosyonal sa Showbiz Central.

"Siguro it's just so difficult for me na nada-drag yung mom ko sa mga issues," sabi ni Lovi. "Ako, okey lang sa akin kasi nandito ako sa show business. Kumbaga, I'm okay with it, it's a whole packaging. Sana ako na lang, not my mom."

Sa tingin ng iba ay nagmumukhang kontrabida ang mommy ni Lovi sa nababalitang espesyal na relasyon ng dalaga kay Jolo. Ang pagiging binatang ama ba ni Jolo ang dahilan kung bakit siya hinihigpitan ng kanyang ina?

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Lovi, "Kasi ang mom ko, you can't judge her that easily kasi any mother naman, proprotekthan ang anak nila, and I know she's just being a mom. Ako, I'll always love my mom, she's been with me since I was born at walang makakapalit nun. A mother will always be a mother. Maybe someday I'll understand that. A mother is born to protect her own child.

"Regarding dun sa pagiging binatang ama ni Jolo, I cannot say it kasi I believe hindi lang kay Jolo ayaw niya kundi maging sa iba. To be honest, my mom and I really don't talk about it anymore. We patched things up, we're okay now and I think, yun ang best."

Binigyang linaw rin ni Lovi ang isyu na sinugod daw ng mommy niya si Jolo sa taping ng Kaputol ng Isang Awit.

"I think it's a misunderstanding kung kanino man umabot yun," sabi niya. "I don't remember my mom going to Kaputol ng Isang Awit taping. May mga nasulat din nasa Maynila taping daw. My mom went there to bring me some food, I don't think na pinagsabihan niya si Jolo. I'm taping all the time."

Continue reading below ↓

Sa estado ng relasyon ngayon nila ni Jolo, malungkot na inamin ni Lovi na hindi na sila gaanong nagkikita ng batang aktor kahit na nga may mga balitang nakikita pa rin silang lumalabas.

"Ang masasabi ko lang, okey na kami sa ganito. Nothing much going on, we don't go out tulad ng dati. Basta ang focus ko na lang is my mom and my career," saad ng young actress.

Sa isang panayam sa ama ni Jolo na si Bong Revilla ay sinabi nito na kung buhay lang daw ang ama ni Lovi na si Fernando Poe Jr. ay tiyak na hindi nito papayagan ang anak na mag-showbiz. Ano ang reaksiyon dito ni Lovi?

"Maybe, we'll never know," sambit ni Lovi. "Actually, before ko pa gustong maging actress. Kaya siguro kahit buhay pa ang dad ko ngayon, wala siyang magagawa kasi hilig ko talaga ang umarte at kumanta."

Read Next
Read More Stories About
Lovi Poe, Jolo Revilla
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi ang mom ko, you can't judge her that easily kasi any mother naman, proprotekthan ang anak nila, and I know she's just being a mom. Ako, I'll always love my mom, she's been with me since I was born at walang makakapalit nun. A mother will always be a mother. Maybe someday I'll understand that. A mother is born to protect her own child," says Lovi Poe about the negative reactions that her mom, Rowena Moran, is getting.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results