Lolit Solis intentionally answers falsely in 'Don't Lie To Me' of "Showbiz Central"

IMAGE 0


When asked if she had a crush on Startalkco-host Joey de Leon in their youth, Lolit Solis answered, "Yes, paralie!" with the intention to get John Lapus to dance until he gets tired. Butthe table was turned when the lie-detector operator raised the "Truth" sign toJohn's question. Lolit did not dance, but had to explain and discredit thelie-detector machine.


Matagal nang inaawitan si Lolit na mag-guest sa "Don't Lie To Me" segment ni John"Sweet" Lapus sa Showbiz Central. Sa wakas ay makuha na nga si Lolit, pero bago pa man mag-umpisa ang pagtatanong ay nagpauna na't nagbanta agad ang talent manager-TV host.

"Uuwi ka ng naka-stretcher!" anito kay John. Sisiguraduhindaw kasi ni Lolit na puro lie ang lalabas sa machine para magsayaw nangmagsayaw si John ng kanyang "Buwis-buhay Dance."

TAKING HOME A CELLPHONE. Kilalang laging bumabati si Lolot, dala ng kanyang mahabang listahan,kaya sinabihan naman siya ni John na papayagan lang siyang bumati kungmas maraming truth na lalabas sa kanyang mga sagot. Pero, hindi pa mannagtatagal ang portion, nag-"pasaway" agad si Lolit nang bumati na agad itonang dire-diretso mula sa listahan niya.

Unang tanong kay Lolit: totoo nga bang noong nakaraang pressconference ni Richard Gutierrez for Flawless ay kinuha na lang basta ni Lolitang isang cell phone na pa-raffle prize kahit hindi naman siya ang tinawag nawinner.

"No" ang natatawang sagot ni Lolit na nagresulta naman salie-detector ng "Lie." Sayaw naman agad si Sweet, ayon na rin sa nakagawian saportion na yun ng Showbiz Central.

Rason ni Manay Lolit: "E, kasi gabi na, pauwi na ‘ko, hindipa rin nagra-raffle. So, get ko na ang cellphone! Akin ‘to! Premyo ko ‘to!Iniuwi ko siyang talaga!

"Naiinis nga ako, sana dalawa ang kinuha ko. Nang malamankong may nanalo na iba, sabi ko, akin dapat yun, ah," dagdag pa ni Lolit natila patototoo sa kanyang "harbatera" image na ikina-notorious niya noon as anewcomer showbiz reporter.

OSANG RETURNS? Sa ikalawang tanong ni John, nagpauna na siya kay Lolit namedyo seryoso at sensitibo ang topic, sabay hope na sana nga raw, huwag namanglie ang lumabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong ni John, totoo nga raw ba na napatawad na ni Lolitang dating alaga nitong si Rosanna Roces at kung totoo rin daw bangnagpaparamdam si Osang kay Lolit para makabaliksiyang muli sa GMA?

Isang malakas na, "Yes! Para lie," ang sagot ni Lolit kayJohn nang natatawa. True enough, lie nga ang lumabas para muling magsayaw siJohn na kanyang buwis-buhay na may bagong step na ipinakita, iniikot pa ito sa ere ng kanyang backup dancer.

CRUSH ON JOEY. Ang ikatlong tanong kay Lolit ay mula sa kanyang kasamahangco-host ng Startalk na si Butch Francisco. Ang tanong ni Butch aytungkol kay Joey de Leon na kapwa rin nila co-host sa Startalk.Tanong ni Butch, noon daw ba na magkaklase pa sa high school at pati na noongmagkasama pa sa Broadcast City sina Joey at Lolit—in short, noong bata pasila—ay nagkaroon ba ng kahit konti lang na pagkagusto si Lolit kay Joey?

Napangiwi si Lolit bago sinagot ang tanong at natatawa parin, "Yes, para lie!" Pero this time, "Truth" anglumabas na resulta, kung kaya't abut-abot nakantyaw ang natanggap ni Lolit from Sweet.

Apela naman ni Lolit, mali raw ang lie-detector. Paano rawniya magugustuhan si Joey, e, palagi raw niya itong tinutusok ng lapis noongmagkaklase pa sila?

MORE THAN TALENT-MANAGER RELATIONSHIP? Sa ikaapat na tanong ni John kay Lolit, "Yes" muli angsinagot nito na intensyon ngang pasayawin si John muli sa sandaling "lie" ang resulta ng lie detector.

Ang tanong kay Lolit: Totoo nga bang higit pa sa isang alaga angnaging pagmamahal ni Lolit noon kay Gabby Concepcion?

Pasok naman ni John, naririnig na raw niya ang usap-usapanna ito noong nagsisimula pa lang daw siya sa showbiz.

Hoping si Lolit na magiging "lie" ang result ng lie-detectortest. Pero once again, "truth" ang lumabas na resulta. Ayon kay Lolit, kampiraw kasi ang inspector kay John. Pero ipinakita ni John na smooth daw ang galawng machine as compared sa mga una niyang sagot na tsuma-charing lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paliwanag ni John, baka raw kasi yung klase ngpagmamahal ay pagmamahal ni Lolit kay Gabby bilang anak. Pero binalikan niLolit ang tanong involving Joey earlier. Aniya, hindi naman daw talaga niya itonaging crush.

Sagot naman ni John, baka raw ngayon pa lang nagkaka-crushsi Lolit kay Joey at na-develop na dahil lagi silang tinutukso sa show.Natatawang "gano'n?!" balik-tanong na lang ni Manay Lolit.

LOLIT'S TALENTS. Ang ika-limang tanong ni Sweet ay tungkol sa alaga ni Lolitna si Mark Herras. Na kaya raw naghiwalay sina Mark at Lian Paz ng EB Babes ay sa dahilang may ibang babae si Mark..

"Yes" ang sagot ni Lolit na truth na naman ang nagingresulta. Kaya sey nito, "lagot ako kay Mark! Hindi naman totoo, e!"

Natawa naman nang husto si Lolit when John asked herregarding her other alaga na si Yasmien Kurdi. Tanong ni John, totoo raw ba nanagkukunwari lang ito na isang vegetarian?

"Yes!" ang sagot ni Lolit sa gitna ng pagtawa niya. Perokung inaakala nitong "lie" ang result sa lie-detector, "truth" pa rin angitinaas na result ng lie-detector operator. Natatawa namang susog ni Sweet,"Okey na yun, Tita Lolit. Kahit huwag ka nang mag-follow-up [explain].Atin-atin na lang ‘to!"

"No!" naman ang sagot ni Lolit sa sumunod na tanong ni Johnkung totoo raw ba na ang dahilan kung bakit siya nag-retract ng statement niyaagainst Piolo Pascual and Sam Milby ay dahil nalalayuan siya sa korte saMaynila. This time, nakuha ulit ni Lolit na pagsayawin si Sweet dahil "lie" anglumabas na result from the lie-detector.

OOPS! Matapos sumayaw, na-tense naman si John sa biglaang commentni Lolit sa dance steps niyang para na raw niyang hinahalikan angpuwet ng dancer. Nakapag-dialogue tuloy ang Sweet na, "Nakakaloka ang babaeng ‘to!" at sabay pasintabi kayChairman [Consoliza] Laguardia ng MTRCB at maagap nitong naisip ang possibilityna baka ma-censor sila dahil sa binitawang comment ni Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naisip din naman ni Lolit ang puwede ngang magingimplication ng sinabi niya, lalo pa nga't live sila, kaya ito rin ay humingi ngpaumanhin kay Chairman Laguardia na aniya, wala raw yun at nabigla lang siya.

Tuloy, yung flowers na ipinagkaloob ng Showbiz Centralkay Lolit ay maagap nitong sinabi na, "Para ito kay Chairman Laguardia."

Sa huli, ipinaalala specifically ni Sweet sa dalawang alagani Lolit na sina Mark at Yasmien na ang lie-detector test ay sinusuri ng mga eksperto, although, hindi pa rin ito tahasangmasasabi na absolute truth. Dahil dito, may pahabol pang reaction si Lolit na,"Oo nga, kasi at that time, ang love pa rin naman ni Mark, si Jennylyn[Mercado]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN