Pauleen Luna and Michelle Madrigal still snubbing each other

IMAGE 0


"Well, siguro po kasi it's better kung hindina lang po muna mag-usap if hindi naman hinihingi ng pagkakataon. Pero hindinaman po ako nang-iisnab. I think po kasi everything should happen at the righttime and at the right place. Kungmakikipagbati naman po kasi ang isang tao, why wouldn't I accept it?" says Pauleen Luna (left) about settling a past issue with Michelle Madrigal (right).



Parehong nasa ABS-CBN pa lang noon ang young stars nasina Pauleen Luna at Michelle Madrigal nang magsimula ang isyu sa pagitannilang dalawa. It all started with JC de Vera na siyang itinuturong dahilan ngaway at hindi pagpapansinan nina Pauleen at Michelle. Both Pauleen and Michelle were both romantically linked to JC.

Ngayon, pareho nang nasa GMA-7 sina Pauleen at Michelle,kasama si JC. Bukod dito, pareho rin ng manager sina Michelle at JC, siAnnaballe Rama; samantalang si Pauleen naman ay hinahawakan ni Lolit Solis.

Nagkataon naman na last week, halos nagkakasabay angguesting nina Pauleen at Michelle sa Kapuso shows dahil sa kani-kanilangprojects; si Pauleen for Ako si Kim Samsoon at si Michelle naman for MyMonster Mom.

Pero base sa mga naglalabasang balita ngayon, hindi pa rinnagpapansinan ang dalawang young actress kahit nagkikita sila sa isang lugaro sa isang show. Ito ay sa kabila ng pareho na silang naka-move on sa kanilangrelasyon kay JC at nagkaroon na rin sila ng ibang relationships.

Nang makita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siPauleen ay kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa diumano'y hindi pa rin nilapagpapansinan ni Michelle. Pero halatang ayaw na nitong pahabain pa ang isyu.

"Hindi naman po. Well, siguro po kasi it's better kung hindina lang po muna mag-usap if hindi naman hinihingi ng pagkakataon. Pero hindinaman po ako nang-iisnab. I think po kasi everything should happen at the righttime and at the right place. Kungmakikipagbati naman po kasi ang isang tao, why wouldn't I accept it?" pahayagniya.

Sa past interviews naman ni Michelle ay sinabi nitongwilling din siyang makipagtrabaho kay Pauleen. Kung papansinin daw siya niPauleen ay papansinin din niya ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN