PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlene Aguilar admits talking to Dennis Trillo about her new suitors

Carlene is now entertaining suitors.
by Melba R. Llanera
Published Jul 4, 2008
"I go out on dates and I must admit na may mga nagugustuhan din ako. ‘Pag nag-uusap kami ni Dennis, tinatanong niya ako tungkol dito. Kinukuwentuhan ko naman siya, pero mas naka-focus ang pag-uusap namin kay Calix the whole time. Ang anak naman talaga namin ang priority namin," says Carlene Aguilar about opening up to former boyfriend Dennis Trillo (inset).

Sa pagbabalik ng bansa ni Carlene Aguillar kasama ang anak nila ni Dennis Trillo na si Calix Andreas, naging hudyat ito ng unti-unting pagkasira ng relasyon ng aktor sa nababalitang girlfriend nito na si Cristine Reyes.

Muntik nang mauwi sa demandahan ang pagtatagpo nina Carlene at Cristine noon sa isang TV show, kung saan nagbitiw raw ng mga maaanghang na salita si Carlene kay Cristine. Pero hindi nagtagal ay nauwi ito sa isang magandang pag-uusap at pag-aayos sa pagitan ng dalawang babae na naugnay kay Dennis.

Life goes on para sa tatlo. Bagamat madalas pa ring mabalita na nakikitang lumalabas sila Dennis at Cristine, si Carlene naman ay nagbabalak pasukin ang mundo ng showbiz.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Carlene sa Star Magic Ball. Hiningan namin siya ng reaksiyon sa balitang pagkakamabutihan pa rin ng ama ng kanyang anak at ni Cristine.

"Okey naman yun na nagde-date sila or sila pa rin. Buhay niya [Dennis] yun, buhay ko na rin ito na sarili. Ang importante ay si Calix," saad ni Carlene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw naman ni Carlene na maayos na ang samahan nila ngayon ni Dennis, hindi man bilang magkarelasyon kundi bilang mga magulang ni Calix. Wala na ba siyang hurt feelings o pagmamahal sa ex-boyfriend?

"Okey na kami, we're friends, we're civil," sagot ni Carlene. "Yung feelings of concern, nandun yun. Pero yung sinasabi nilang romantic love, wala na talaga."

Sa bukas na komunikasyon nina Carlene at Dennis, maging ang mga manliligaw ngayon ng dating Bb. Pilipinas-World ay napag-uusapan nila. Inamin din ni Carlene na may mga ilan na rin naman siyang nagugustuhan.

"I go out on dates and I must admit na may mga nagugustuhan din ako. ‘Pag nag-uusap kami ni Dennis, tinatanong niya ako tungkol dito. Kinukuwentuhan ko naman siya, pero mas naka-focus ang pag-uusap namin kay Calix the whole time. Ang anak naman talaga namin ang priority namin," pahayag ni Carlene.

Marami ang nanghihinayang para kay Carlene noon. Kung hindi raw siguro siya pumasok sa maagang responsiblidad bilang isang ina, malamang ay may maganda na ring puwesto sa showbiz ang beauty queen. Sa kabila nito ay wala naman daw pagsisisi si Carlene sa nagawang desisyon dahil sa pagdating ni Calix sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Malaki na si Calix, nine months na siya. Sobrang saya, sobrang overwhelming na minsan di ko ma-imagine na nanay na pala ako. Minsan hindi pa rin ako makapaniwala na may baby na pala ako. Very inspiring," saad ng dalagang ina.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I go out on dates and I must admit na may mga nagugustuhan din ako. ‘Pag nag-uusap kami ni Dennis, tinatanong niya ako tungkol dito. Kinukuwentuhan ko naman siya, pero mas naka-focus ang pag-uusap namin kay Calix the whole time. Ang anak naman talaga namin ang priority namin," says Carlene Aguilar about opening up to former boyfriend Dennis Trillo (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results