Roxanne Guinoo on ex-bf Jake Cuenca and Bea Alonzo link: "Karapatan na nila yun."

IMAGE 0


"Wala na yun, tapos na yun. Out na ako sa picture diyan.After nung maghiwalay kami ni Jake, hindi na ako puwedeng makialam pa.Karapatan na nila yun," says Roxanne Guinoo about rumors linking ex-boyfriend Jake Cuenca (inset, top) to Bea Alonzo.



Nang unang ipalabas ang actual footage ng closeness nanakita kina Jake Cuenca at Bea Alonzo at nang kumpirmahin ni Bea na totoonglumabas sila ni Jake for dinner, agad na hinintay ng publiko ang magigingreaksiyon ng ex-girlfriend ng young actor na si Roxanne Guinoo.

Lalo tuloy lumalim ang hinala ng iba na kung si Roxanne ayhindi pa diumano nakakapag-move on sa kinauwian ng relasyon nila ni Jake,mukhang kabaligtaran naman daw ito sa binata. Ganun na lang daw kasi kabiliskalimutan ni Jake ang pinagdaanan ng relasyon nila ni Roxanne at lumalabas namukhang mas malalim talaga ang emosyon na in-invest ng dalaga sa ex-boyfriend.

Pero sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayRoxanne, idiniin niya na she's moving on right now. Ang focus daw niya ngayon ay ang kanyang showbiz career, lalo't sunud-sunod ang trabahongipinagkakatiwala sa kanya ng ABS-CBN.

"Okey na ako, happy na ako finally," sambit niya. "Dito akosa work ko naka-focus ngayon. For me, ayoko munang i-prioritize ang love life,career yata muna ang para sa akin, huwag daw muna love life."

Nang tanungin kung masakit ba para sa kanya ang balitangpagkakamabutihan nina Jake at Bea, iwas na ring magbigay ng anumang komento siRoxanne.

"Wala na yun, tapos na yun. Out na ako sa picture diyan.After nung maghiwalay kami ni Jake, hindi na ako puwedeng makialam pa.Karapatan na nila yun."

DATING VICTOR? Samantala, after aminin ng model-actor na si Victor Basa nacrush niya si Roxanne ay nabalita rin na nag-date na sila atnanliligaw na raw ang binata sa bida ng Ligaw Na Bulaklak. Totoo ba ito?

"Wala akong dine-date," tanggi ni Roxanne. "Busy ako satrabaho, every day I'm working. Wala akong time dun saka kailangan ko rin ngtime sa sarili ko para mag-heal. Gaya nga ng sinabi ko, masaya na ako sa mgamagagandang nangyayari sa akin ngayon. Puro blessings naman ang kapalit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi totoong nanliligaw sa akin si Victor. Nirerespeto ko ang pagiging magkaibigan nilani Jake, sana ganun din si Vic. Friendlylang naman tayo lahat dito. Kung makikipag-date man ako, makikita n'yo talagana yun ang kasama ko. Si Vic, in-invite lang niya ako for his birthday, um-attendlang ako. Nandun pa nga yung mga handlers ng Star Magic."


WILLIE'S LEADING LADY. Kumpirmado na si Roxanne na ang kapalit ni Kristine Hermosabilang kapareha ni Willie Revillame sa pelikulang Mr. Housewife. Ayon kayRoxanne, hindi ito dapat lagyan ng intriga dahil trabaho lang naman angginagawa niya.

"Nung tinawagan nila ako, inaprub nila Tita Mariol [Alberto]and Mr. M [Johnny Manahan] na okey. Ako naman, basta inoohan nila, focus ako satrabahong dapat kong gawin. Kristine is a friend, she's a nice person, so sanahuwag naman nila kaming intrigahin," pakiusap ni Roxanne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN