Carmina Villarroel's manager explains their visit to ABS-CBN

IMAGE 0


"Hindi totoonglilipat si Carmina. Nandoon kami para sa promotion ng Colgate. At sa Wowowee! lang siya nag-guest. Promo yunkaya hindi puwedeng hindi siputin," explains Dolor Guevarra, CarminaVillarroel's manager.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angmanager ni Carmina Villarroel na si Tita Dolor Guevarra sa press preview ng Iisa Pa Lamang sa Cinema 2 in TheBlock ng SM North EDSA, Quezon City. Nandoon din kasi si Dolor kasama angkanyang husband na si Direk Boots Plata dahil kasama sa Iisa Pa Lamang ang isa sa mga talent niya na si Ms. SusanRoces.

CARMINA, NOTTRANSFERRING. Binigyang-linaw ni Tita Dolor ang naisulat dito sa PEP nalilipat na diumano si Carmina sa ABS-CBN. Paano kasi'y nakita sa loob ngABS-CBN compound si Mina kaya nagkaroon ng ispekulasyon na lilipat na nga ngistasyon ang isa sa mga hosts ng Sis.

Pinabulaanan naman ng mismong manager ni Carmina angispekulasyon na ito.

"Hindi totoong lilipat si Carmina. Nandoon kami para sapromotion ng Colgate. At sa Wowowee!lang siya nag-guest. Promo yun kaya hindi puwedeng hindi siputin," tila naiilingna paliwanag nga niya.

Ayon pa kay Dolor, ang naturang promo guesting daw aynaipagpaalam pa nila kay Ms. Wilma Galvante (GMA SVP for Entertainment), kungkaya't very much aware at may approval pa nito ang naturang guesting ni Mina.

NO TELESERYE IN DOS.Itinanggi rin ni Dolor ang lumabas na balitang gagawa ng teleserye si Mina saDos. Nakita raw kasi sila pareho diumano sa 3rd floor ng ABS-CBN. Sapalapag na ito raw kasi madalas ginagawa ang mga story conference for a newteleserye.

Wala raw gagawing teleserye si Carmina sa Kapamilya Network dahilkasama ito sa bagong series ng GMA-7 na Codename:Asero.

"Wala kami sa 3rd floor, nasa 2ndfloor kami kunsaan, nag-recording si Carmina," pagko-correct pa ni Tita Dolortungkol sa pagkaka-spot sa kanila sa teritoryo ng Dos.

Ang kontrata raw ni Mina sa Kapuso Network is not anexclusive contract but a per show contract. So, as it is, mananatili pa rinKapuso ang actress at patuloy pa ring mapapanood sa kanyang mga programa tuladng Sis at sa bagong primetime seriesna Codename: Asero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN