Nagiging teary-eyed pala si Mommy Carol Santos, Judy Ann's mom, tuwing naaalala o napag-uusapan ang tungkol sa engagement nina Juday at ng kasintahan nitong si Ryan Agoncillo. Kaya hindi na naman nito napigilang ang maluha nang interbyuhin ito about the engagement sa Startalk kahapon, Sabado, July 5.
Naisulat na nagtatampo raw si Mommy Carol. Hindi raw kasi ito pinagpaalaman ni Judy Ann about the engagement at marriage proposal na nangyari sa Antulang Beach Resort Dumaguete, kunsaan nag-celebrate si Juday ng kanyang birthday noong May 11. Sa mga write-ups na lang daw niya nalaman na engaged na pala ito sa kasintahan.
"Hindi. Ang totoo, alam ko. Kasi tumawag sa akin si
Juday from Dumaguete, umiiyak siya," sabi ni Mommy Carol. "Tinanong
ko siya kung bakit siya umiiyak, ang sagot niya sa akin, mayroon daw kasing
isang tao na nag-propose sa kanya at nagbigay ng engagement ring. Pero
wari ko sa kanya, iyong pag-iyak niya, sa tuwa at shocked din siya dahil hindi
niya in-expect na gagawin iyon ni Ryan. Kaya sabi ko sa kanya, talagang doon
naman tutuloy iyon. Hindi ko lang talaga ipinaalam sa iba dahil sa pakiusap
na rin sa akin ng anak ko. Gusto raw nilang maging sa amin na lamang muna iyon,
at sumunod naman ako sa kanya. Ngayong nagsalita na sila, sumasagot na rin
ako sa mga nagtatanong sa akin.
"Kaya noon pa, naiiyak na ako, dahil naisip kong tuluyan nang mawawala sa akin ang bunso ko. Pero alam ko naman, hindi naman sila basta-basta magpapakasal, alam kong marami pang iku-consider si Juday, kasama na ang kanyang mga commitments. Alam kong pagpaplanuhan nilang mabuti iyon, hindi pa sila ngayon magpapakasal.
"Ang ipinagpapasalamat ko lang, alam kong mahal na mahal siya ni Ryan at nakikita ko kung paano niya inaalagaan ang anak ko. Ang isa pang dapat na iku-consider ng mga mag-aasawa, iyong kung mahal din siya ng pamilya ng lalaking pakakasalan niya para maging successful ang kanilang pagsasama, at nakita ko naman ito sa family ni Ryan. Nakikita ko kung gaano nila kamahal si Juday."
"Nang bumalik sina Juday from Dumaguete, dala-dala pa niya lahat ng mga bags niya, doon siya tumuloy sa bedroom ko, sabi niya doon daw siya matutulog, gusto niyang magkatabi kaming matulog. Marami kaming pinag-usapan, nagkaiyakan kaming mag-ina. At nang makatulog na siya, pinagmamasdan ko ang mukha niya at nasabi ko ulit sa sarili ko, talagang hindi na maiiwasang mawawala na sa akin ang bunso ko. Pero maluwag sa puso ko iyon dahil alam kong magiging maligaya siya kay Ryan.
"Alam ko rin namang hindi pa ngayon mangyayari iyon. Ang alam ko, gusto rin muna nilang paghandaang mabuti iyon. Ang alam ko may mga commercials si Juday na may mga clause na hindi siya puwedeng mag-asawa hanggang hindi natatapos ang contract niya sa advertising agency. Alam ko ring gusto muna nilang magpatayo ng sariling bahay."
Sakaling dumating na ang preparation for the wedding, siyempre, dapat ang daddy ni Juday ang maghahatid sa kanya sa altar. Alam naman ng lahat na matagal nang hindi nagkikita o nagkakausap si Mommy Carol at ang daddy ni Juday. In fact, umiiwas nga siya tuwing umuuwi ng Pilipinas ang ama ng mga anak niya. Kahit pa anong pilit sa kanya, hindi siya nakikipagkita o nakikipag-usap dito.
Paano kung hilingin ni Juday na ang daddy nito ang maghatid sa kanya sa altar?
"Kung hihilingin ni Juday na ang daddy niya ang maghatid sa kanya sa altar, ibibigay ko iyon sa kanya,. Sabi nga, parang last hurray na. Papayag ako," nangingiti nang wika ni Mommy Carol.