Hindi pa raw napapanood ng StarStruck Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica ang scandalous video raw niya na kumakalat at pinag-uusapan ngayon sa Internet.
Pero umpisa pa lang, itinanggi na niya na siya nga ang nasa video na yun.
"Sa mga narinig ko sa aking pamilya, sa mga kaibigan ko, hindi po ako yun. Nililinaw ko po sa inyo na hindi po ako yung nasa video."
Sey pa niya, "Hindi ko pa po nakikita, pero, ang sabi nga po nila, hindi raw po ako. At yung mga bagay na ganoon, hindi ko po magagawa yun."
The alleged sex video raw niya ay naka-post sa ilang gay website. Naitanong nga ng Startalk kay Aljur kung aware daw ba siya na pinagpapantasyahan siya ng mga kapwa niya lalaki.
"Well, okey lang...okey lang sa akin. Lahat naman tayo, may pinagpapantasyahan. Ako rin naman, meron. Pero, babae!" natatawa niyang sabi. "Sa akin, natural lang yun, e. Natural lang na sa isang bading na magkagusto sa isang lalaki.
"Ako naman, welcome naman lahat sa akin. Wala akong pinipili, basta pagkakaibigan lang or tropa, okey ako. Pero kapag ganyang sitwasyon, hindi po ako pumapatol sa bakla," tahasan nga niyang nasabi.
Startalk insisted the question on Aljur kung paano raw kaya ay mayroong very tempting offer, magre-refuse pa rin ba siya?
"Actually po, may nag-o-offer po sa akin na kahit gaano kamahal or kahit gaano kalaki, tinatanggihan ko po. Actually, sinasabi ko po sa father ko. Kasi, kapag ganoong bagay na malaki na talaga, hindi ko kayang i-handle.
"Sinasabi ko sa dad ko na siya na ang bahala. So, siya na po ang nagsasabi."
Isa pang isyung ibinato kay Aljur ay ang pagiging tease naman daw niya kapag nagwo-work-out sa gym.
"Wala pong katotohanan lahat yun. Siguro kung yun po ang labas sa kanila, bahala na po silang mag-isip. Basta ako, wala akong ginagawang masama sa kanila. Basta ako, magwo-work-out ako para sa akin yun. Para sa trabaho ko yun, e. Para mapaganda ang katawan ko."
