Ciara Sotto's surprise birthday celebration

IMAGE 0


Ciara Sotto got the shock of her life when she arrived at the IslaBallroom of Edsa Shangri-La where her family and friends were waiting to greet her with a surprise birthday party.


Parehong naging successful ang ginawang pang-surprise ni Ciara Sotto sa kanyang pamilya at ang inihanda namang birthday surprise ng family niya sa kanya noong wala pa man siya rito sa Pilpinas.

Matatandaan na hindi ipinaalam ni Ciara sa kanyang pamilya na days before her scheduled trip home ay umuwi na siya ng bansa mula sa Las Vegas. Walang kaalam-alam ang pamilya niya nang dumating siya. Ang non-showbiz boyfriend niya na si Jojo Oconer ang sumundo sa kanya sa airport. So, na-surprise talaga ang buong pamilya niya nang bigla siyang dumating sa kanilang bahay sa White Plains.

Sa mismong araw naman ng birthday niya noong July 2, nag-lunch lang silang magpamilya at noong dinner naman, she got to spend it with her boyfriend for a dinner date.

Pero kung inaakala ni Ciara na hanggang doon na lang ang celebration ng kanyang 28th birthday, nagkakamali siya. This time, ang kanyang mommy na si Ms. Helen Gamboa, mga kapatid na sina Apples, Lala, Gian, sister-in-law na si Joy, at ang kanyang boyfriend na si Jojo naman ang may niluluto pa lang birthday surprise for her, nasa Las Vegas pa lang siya.

Kaya naman noong July 5, instead sa akalang spa bonding with her Ate Lala ang gagawin nila, isang bonggang-bonggang surprise party pala ang naghihintay sa kanya sa Isla Ballroom ng Edsa Shangri-La Hotel.

Kuwento niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal), “Actually, kinabahan na ako noong nasa Edsa Shang na kami. Kasi alam ko nga, magpapa-spa kami. I love it, kaso si Ate, ang sabi sa akin, ‘Punta muna tayo rito. Actually, may surprise ako sa ‘yo’

“Tinatawagan ko rin that time si Tita SK [Shirley Kwan, Ciara’s agent] to ask for my schedules, pero hindi naman siya sumasagot. Yun pala, nandoon sila sa loob ng hotel ready to surprise me.”

Hindi napigilan ni Ciara ang mapaiyak dahil hindi niya akalaing ganoon kabongga ang inihandang surprise party sa kanya. Halos kumpleto kasi roon ang mga mahal niya sa buhay.

Present siyempre pa ang kanyang mga titos and titas, her Eat Bulaga! family, her friends from University of Sto. Tomas, na may inihanda ring special number for her. Even yung mga pamangkin niya ay nag-perform din for Ciara.

Her friend and stylist na si Mitch Dulce ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition ay nag-prepare ng t-shirts for all the guests na may naka-print na “Sweet Like Choco Ciara Sotto.”

Sigurado kaming isa pa sa nakapagpasaya nang husto kay Ciara ay ang presence ni Dawn Zulueta, ang idol niya at ng kanyang ate. Gayundin ang “forever ate” at kinakapatid niyang si Pops Fernandez. Nandoon din ang kanyang pamangkin na si KC Concepcion.

Halos lahat ng bisita ay tila naging batang muli dahil ang theme ng party ay “kiddie party.” Kung kaya’t bukod sa mga face painting, tattoos, may mga iba't ibang kiddie booths din sa loob ng Isla Ballroom.

Ciara considers her 28th birthday as, “My best birthday party ever!”

Nang huling makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ciara, nag-extend na raw siya ng stay sa Pilipinas. Instead na bumalik na sana siya last Tuesday (July 15) sa U.S., nag-decide na raw siyang mag-extend hanggang August para mai-promote pa nang husto ang kanyang bagong album under BMG Sony Music, If You Love Me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN