PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Raymart Santiago sees love scenes of wife Claudine Barretto as no big deal

Raymart says a different Claudine Barretto will be seen in Iisa Pa Lamang.
by Rose Garcia
Published Jul 5, 2008
"Actually, hindi ko nga alam kung bakit n'yo pinalalaki yun. Dahil sa totoo lang, may mga pelikula naman si Claudine na may mga love scenes na rin. I don't know kung bakit yun ang nagiging topic ngayon," says Raymart Santiago about his wife Claudine Barretto's love scenes with Iisa Pa Lamang co-stars Diether Ocampo and Gabby Concepcion.

Mas nauna pang dumating si Raymart Santiago kaysa sa asawang si Claudine Barretto kagabi, sa press preview ng Iisa Pa Lamang na ginanap sa Cinema 2 ng The Block sa SM North EDSA, Quezon City. Siyempre, para magbigay-suporta kay Claudine.

Ilang passionate love scenes between Claudine and Diether Ocampo ang ipinakita sa 1st week episodes pa lang ng series. Habang yung love scenes naman ni Claudine with Gabby Concepcion na ipapalabas naman sa 2ndweek episodes ay pahapyaw na ipinakita sa teasers after the almost two-hour press preview

Ayon naman kay Raymart nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after ng preview, "Maganda. Talagang susubaybayan ng mga tao. At saka, panibagong Claudine ang makikita nila rito," simulang pahayag niya.

As for the love scenes of Claudine and Diether.

"Actually, hindi ko nga alam kung bakit n'yo pinalalaki yun. Dahil sa totoo lang, may mga pelikula naman si Claudine na may mga love scenes na rin. I don't know kung bakit yun ang nagiging topic ngayon," sagot agad ni Diether. Malaking tulong daw na pareho silang artista at naiintindihan ng isa't isa ang trabaho nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NO JEALOUSY. In the past, kilalang seloso at conservative si Raymart sa kanyang mga naging girlfriends. Aniya, wala naman daw siyang dapat pagselosan ngayon sa ginagawa ni Claudine.

"Bakit ako magseselos, di ba? Lahat naman ng tao, seloso, pero kung wala namang rason, bakit? Like, yun, trabaho yun. Kung wala namang rason, walang dahilan.

"Pero behind that, kung meron nangyayari, di ba? Doon ako magagalit. But it's just work, so, walang reason [para magselos]."

Sabi pa ni Raymart, being married to Claudine and finally having kids made their relationship strong. "We're strong. With the kids din, secure naman kami."

Itinanggi naman ni Raymart na after legally adopting Sabina, may plano pa silang mag-ampon muli.

Aniya, "Wala pa...wala pa sa plano yun. Sa ngayon, yung plano talaga ay ang makatulong muna kami sa Bantay-Bata [Foundation]."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Actually, hindi ko nga alam kung bakit n'yo pinalalaki yun. Dahil sa totoo lang, may mga pelikula naman si Claudine na may mga love scenes na rin. I don't know kung bakit yun ang nagiging topic ngayon," says Raymart Santiago about his wife Claudine Barretto's love scenes with Iisa Pa Lamang co-stars Diether Ocampo and Gabby Concepcion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results