Ciara Anna Sotto denies involvement in cancelation of KC-John Lloyd team-up

IMAGE 0


"KC told me about it.She told me na ‘ayun nga, meron daw offer, but she doesn't want to do it. Inever imposed anything kasi noong isang araw lang naman kami nagkita. So, it'snot my fault if she doesn't wanna do it," says Ciara Sotto about the aborted movie of her ex-boyfriend John Lloyd Cruz and her niece KC Concepcion.



Naging maganda ang reception ng entertainment press at ngilang tao na naka-witness ng performance ni Ciara Anna Sotto—yes, ginagamit naniya ngayon ang kanyang tunay na pangalan, ayon na rin sa suggestion ng kanyang TitoJoey de Leon—sa kanyang press launch sa Teatrino Greenhills last Wednesdayafternoon, July 9.

Ibang-ibang Ciara na kasi ang nakita at narinig ng mga pressafter more than one-year stay in Las Vegas. Naging maganda ito at maemosyonna ang kanyang pagkanta. Pagdating naman sa kanyang look at personality ay massumeksi siya, mas nagka-aura, at nagkaroon siya ng confidence.

SIMPLE AND STRONG. Pero ayon kay Ciara, kung may isang bagay man daw siyangnadiskubre sa sarili niya after living away from her family for more than ayear in Vegas ay simple lang daw pala siya.

"I'm always simple, but people don't know that, e," sabiniya. "Pero doon ko nakita na I'm very easy to please. Doon ako natuto nakailangan mong i-voice out kung ano ang nararamdaman mo, e. You have to bevocal. No one will protect you. No one will fight for you.

"Doon ko natutunan na strong pala talaga ko. I'm a strongperson. I can handle things on my own. Do things on my own. Kung palpak,papanindigan. Yun ang pinakamagandang experience na natutunan ko of being inVegas."

FINANCIAL STATUS. Dahil hindi pa sila formal na nakakapag-start ng show nilangFever and all that they are doing are rehearsals and promotion for their show,enough ba ang kinikita niya ro'n para mabuhay talaga siya on her own?

"Yes, but I can't say digits, e. But it's enough. I was ableto save a little din naman," sabi ni Ciara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Hindi ko masyadong ginagalaw ang savings ko. As much aspossible, kapag meron akong bibilhin, ang binibilhan ko ng pasalubong, yung mgapamangkin ko, mas naiisip ko sila. Peroif ever man na may isina-shopping ako, it's more on yung gagamitin sa show, likeclothes... Siyempre yung stylist ko, kailangang bayaran ko rin," lahad niya.

Kung tutuusin, Ciara was pampered since birth. Maganda namanang kinikita niya rito sa Pilipinas at kumportable ang kanyang buhay. So, bakitniya ipinagpalit lahat yun?

"I just wanna grow as a performer," sagot ni Ciara. "Becauseif you're here, everything will be given to me, kasi anak ako ni ganyan,kamag-anak ito ni...

"Aaminin ko, mas mahirap talaga ro'n. Ang daming masmagaganda at mas magagaling dun. Siyempre ako, Filipina pa ako, meron pangkonting discrimination. But I want to prove to myself that I can do it on myown. Yun talaga ang goal ko."

Para kay Ciara, the Philippines is still where her heart is.Hindi raw niya nakikita ang sarili na manirahan na nang tuluyan sa Las Vegas.Talagang hanggang sa matapos lang daw ang contract nila o ang kanilang show.Ibang usapan na raw if she makes it really be big there. But for now, uuwi at uuwipa rin daw siya ng Pilipinas.

"Siguro a year or two pa. But I'm sure, uuwi-uwi ako.Nami-miss ko ang Pinas. Hindi ko pala kayang mag-stay doon ng one year nawalang uwian," sabi niya.

Kumusta na ang kanilang show na Fever?

"Nag-i-start na kami promoting everywhere. You can go tomelanja.com, may website kami ro'n. Pero the show itself, yun na lang talagaang hinihintay namin, yung official venue talaga. Hopefully this year, peroayoko nang magsalita kung kailan talaga dahil baka mamaya, ma-extend na naman,"pagbabalita ni Ciara.

SANA AY IKAW NA NGA. Pagdating naman sa kanyang love life, nakakaintriga anghuling dedication niya sa kanyang album, kung saan nakasulat ito: "Joe, I wantto thank you for all the support, the love and patience. Thank you for comingand staying in my life. My love story ends with you..."

Obviously, she is referring to her non-showbiz boyfriend,Jojo Oconer. PEP asked Ciara kung sigurado na nga siyang ang present boyfriendngayon ang makakatuluyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, kaya may quote and unquote, di ba? Siyempre, ifyou'll ask me, sana...sana siya na nga talaga."

Marami rin daw siyang nakikilala sa Las Vegas, pero faithfuldaw siya sa boyfriend niya.

"Of course, I have a boyfriend here and I don't wanna beunfaithful. And it's not like I'm putting so much effort in being faithful,we're just really faithful and I trust him very well and he trusts me. Walakaming nagiging problema. Mahirap lang na magkalayo kami, pero wala kamingnagiging problema. It's just that, nami-miss namin ang isa't isa."

Ciara's boyfriend visits her naman daw in Las Vegas.Naka-tatlong bisita na nga raw ito since she left.

HER NIECE, KC. Magkaiba naman daw sila ng pamangking si KC Concepcion nanamuhay rin sa ibang bansa ng mahabang panahon. Matatandaang nag-aral si KC sa Paris, France. Magpinsang-buo siCiara at ang ina ni KC na si Sharon Cuneta; ang ina ni Ciara na si Helen Gamboaay nakababatang kapatid ng ina ni Sharon na si Elaine Cuneta.

"KC is studying but, yeah, she's also independent," sabi niCiara. "Me, I have to send myself to work. I guess we kinda went the same thingbecause we did everything on our own also. Pero yun nga lang, ang pagkakaiba,may ginagawa siya every day na nag-aaral siya. Ako naman, nagwo-work ako everyday."

Tinanong din si Ciara tungkol sa pagtatambal sana ngpamangkin niyang si KC at ng ex-boyfriend ni Ciara na si John Lloyd Cruz. Maybalita na kaya hindi raw natuloy ang tambalan nina KC at John Lloyd ay dahilhindi pabor dito si Ciara.

Pero itinanggi ito ni Ciara. Aniya, "KC told me about it.She told me na ‘ayun nga, meron daw offer, but she doesn't want to do it. Inever imposed anything kasi noong isang araw lang naman kami nagkita. So, it'snot my fault if she doesn't wanna do it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami ni Kace," patuloy niya, "hindi kami nakikialam sa mgadesisyon namin with regards to our career. Love life, nakikialam ako atnakikialam din siya. Friends kami nun,e.

"Kahit pamangkin ko siya, napakatalino ng batang yun. Masarapkausap. She tells me her problems, I tell her my problems. But as per career,we don't decide for each other. We can suggest but we don't really talk aboutwork when we're together," pagbibigay linaw niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN