Sheree working very hard to regain sexy body

IMAGE 0


"My goal now is really at least get back sa dati kongkatawan. Nami-miss na raw kasi ni Gian [Magdangal] yung dati kong petite na katawan. Sabiko naman sa kanya na baka hindi na bumalik sa dati kasi nga I had a baby na.Maniwala lang daw ako na magiging sexy ulit ako," says Sheree.



Unti-unti nang bumabalik ang dating seksing katawan ngformer Viva Hot Babe na si Sheree dalawang buwan matapos nitong isilang si Gian Haley, ang baby niya with boyfriend Gian Magdangal.

Ayon kay Sheree, nakapag-adjust na siya sa buhay ng isangina. Noong una raw ay mahirap dahil nasanay raw siyang mamuhay nang nag-iisalamang. Ngayon ay hindi lang siya ina ng isang baby kundi para na rin siyangmisis ni Gian.

"Malaking change para sa akin kasi ngayon mother and parangpart-time wife na rin ako. Kung noon kasi marami akong free time na gawin angkung anu-ano, ngayon priority ko ang baby namin ni Gian.

"Yung mga friends ko nga, nagugulat na sila sa mga sinasabiko ngayon. Mostly about my baby at ang pagiging mother. Hindi sila sanay saakin na gano'n because iba ang buhay ko before the baby came. Now, it's allabout me being a mother and at the same time, I'm also taking care of Gian whois a very big baby!" lahad ni Sheree sa PEP (Philippine Entertainment Portal)sa presscon ng Codename: Asero, kung saan kabilang siya.

Unti-unti na raw na nagpapapayat si Sheree para bumalik ang dati niyang sexy na pangangatawan. Nag-gain raw siya ng 20 lbs. magmula nang mabuntisat manganak siya. Ngayon ay parati siyang nagwo-workout at nagda-diet paramanumbalik ang dating mga kurba niya.

"I never thought na it would be this hard to lose all thosepounds. Never nga akong nagkaroon ng problema noon sa pagtaba kasi I was alwaysactive. Ngayon, it takes time to lose weight kasi nga hindi consistent angpag-workout ko. Even yung diet ko, hindi rin consistent.

"But my goal now is really at least get back sa dati kongkatawan. Nami-miss na raw kasi ni Gian yung dati kong petite na katawan. Sabiko naman sa kanya na baka hindi na bumalik sa dati kasi nga I had a baby na.Maniwala lang daw ako na magiging sexy ulit ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw problema kay Gian kung babalik si Sheree sapagtrabaho sa showbiz. Hinahanap-hanap na raw kasi niya ulit ang maging busy satrabaho.

"Before I accepted Codename: Asero, siyempre nagpaalam munaako kay Gian. Wala namang naging problema because he knows how much I missacting, dancing, and singing. Yun ang trabaho ko when he met me kaya he knowshow much I love doing it.

"Ang kundisyon lang niya is huwag kong pabayaan ang babynamin. Kapag kailangan na ako ng anak namin dapat ay nandoon ako. Yun naman angipinangako ko sa kanya. Right now, may nanny naman na kaming kinuha since he'salready in his third month. Minsan ang parents ni Gian ang tumutulong sapag-alaga sa baby namin. Kailangan ko na rin mag-work para na rin sa anaknamin."

So kelan naman ang kasal? Malapit na ba itong maganap?

"There are plans, but not very soon. Siyempre pinaplanopa namin at nag-iipon pa kaming dalawa. Gusto rin kasi ni Gian na magandangwedding kasi he wants his family and my family to be present. Ayaw namin namadaliin lahat. Tsaka yung budget, kailangan okey para matupad ang dreamwedding namin," saad ni Sheree.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN