Judy Ann Santos dismisses rumor that she is already pregnant

IMAGE 0


"Paano nangyari yun?" says Judy Ann Santos when asked if it were true that she is pregnant."Hindi...siguro ano lang, nag-uumapaw lang ang kaligayahan ko and at the sametime kasi, nakapagpahinga ako nang matagal.At siguro nakaganda rin yung nakapagbakasyon ako noong nangyari yung mgaisyu. Nakapag-isip ako. Inisip kong mabuti kung ano ang mga dapat kong gawin,kung ano ang mga dapat kong sabihin."



Last July 9, Wednesday, ay bumalik na sa bansa angmagkasintahang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo from their Paris trippara sa Paris Film Festival, kung saan kalahok ang kauna-unahang pelikulangiprinodyus ni Juday, ang Ploning. Sinalubong ng Startalk ang dalawa sa NinoyAquino International Airport.

Kuwento ni Juday, "Actually, masaya! Very well attended namanang lahat ng pelikulang ipinalabas sa Paris Film Festival. Nakakatuwa kasi yungmga ganoong okasyon, hindi magandang palampasin. Kasi once in a lifetime langsiya and, at the same time, nagkakaroon ka ng chance na maka-bond with yourfellow co-workers, di ba?"

Kasabay na umuwi nina Juday at Ryan ang dating ka-love teamni Juday na si Piolo Pascual, na naging panauhin din sa Paris Film Festival. Sapagkikita at pagkakasabay nilang yun, kinumusta ng Startalk sina Judy Ann atRyan kung tuluyan na rin bang naayos ang naging gusot sa pagitan nila ni Piolonoon?

"Oo!" mabilis na sagot ni Juday. "Wala na namang issue. It'sfinished already. Matatanda na kami para riyan. Tapos na naman ang isyu,nakapag-usap na. Wala namang isnaban na nangyari. Nag-apiran sila ni Ryan.Nag-hi kami."

PREGNANT RUMOR. Halatang gulat na gulat naman ang dalawa sa sumunod natanong sa kanila. Habang wala kasi sila sa bansa ay lumabas ang balitang buntisna raw si Juday kung kaya't engaged na sila at malapit nang magpakasal.

Biro ni Ryan kay Juday, "Ha? Sino tatay?"

"Paano nangyari yun?" natatawa namang biro ni Juday."Hindi...siguro ano lang, nag-uumapaw lang ang kaligayahan ko and at the sametime kasi, nakapagpahinga ako nang matagal.At siguro nakaganda rin yung nakapagbakasyon ako noong nangyari yung mgaisyu. Nakapag-isip ako. Inisip kong mabuti kung ano ang mga dapat kong gawin,kung ano ang mga dapat kong sabihin."

Pero kung may sigurado man na magaganap, ito ay angnalalapit nang pagpapakasal ng dalawa. In fact, pag-amin ni Juday, up to noway ramdam pa rin niya ang kaligayahan nang mag-propose sa kanya si Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hanggang ngayon, yung happiness never-ending, e," sambit ngaktres. "Tuluy-tuloy yung palagi kaming magkasama. ‘Tapos, kapag tinititigan kosiya, parang ‘eto na nga...siya na nga. Magkasama kami habambuhay."

Humirit si Ryan kay Juday na parang nagdududa pa raw siya.

Natatawa tuloy na ikinuwento ni Judy Ann, "Palagi siyangnagtatanong, ‘Sigurado ka ba? Siguradoka ba?' E, parang ako yata ang dapat na magtanong na, ‘Sigurado ka ba? Siguradoka ba?'"

When Ryan was asked by Startalk kung sigurado na nga basiya, maagap ang naging pagsagot nito: "Oo naman!"

At saka ibinuko ni Juday na nasa kanya raw ang passport niRyan.

"Oo, e, siya ang may hawak ng passport ko. Kahit nasaMaynila, nasa kanya ang passport ko," masayang kuwento nila.

MOMMY CAROL. Inamin din ni Juday na napanood niya ang maramdaming panayamng Startalk sa kanyang butihing ina na si Mrs. Carol Santos noong nakaraangSabado, July 5.

"In fairness naman sa lahat ng mga nanay, masakit din namansa part nila yun. Part of them is hurting and, at the same time, part of themis happy dahil may makakasama na ang anak nila sa habambuhay. Kumbaga, maymaninindigan na para sa anak niya," saad ni Juday.

Kinumpirma rin ni Judy Ann ang sinabi ni Mommy Carol kungpaano sinabi ng aktres ang tungkol sa marriage proposal.

"Kaya nga noong araw na sinabi ko kay Mommy yun, natulog akosa room niya. Because I want her to feel na it doesn't mean naman na kapagengaged na ako, hindi na ako ang baby niya. Kaya nga nang kinausap namin siya,ang una niyang sinabi sa amin, ‘O, e, mag-anak na kayo agad.' Kasi nga,tumatanda na."

When asked kung ano ang gusto nilang maging unang anak,pinaalala ni Ryan na meron na raw silang Yohan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, preferably, boy naman sana para boy and girl na," saadng dalawa.

Nagbigay rin ng kanyang reaksiyon si Judy Ann sa naging pahayagni Mommy Carol sa posibleng pagkikita nilang muli ng ama ni Juday sa araw ngkasal ng kanilang anak.

"Actually, napag-usapan na namin yun ni Mommy at kami nga niRyan. Of course, gusto kong maging kumpleto yung pamilya, di ba? Ako na langkasi ang kaisa-isang anak nila na hindi pa nakakasal, di ba?

"So sa pagkakataon na yun na lang ang chance namakakapag-picture-picture kami nang buo. Pero siyempre, ise-settle ko muna anglahat. Ayoko namang may isang tao na hindi masaya sa araw ng kasal ko, di ba?

"So, gagawan namin ng paraan na maging maluwag sa parehongloob nila. Matatanda naman na kami. Matatanda na rin naman sila. So I guess,tama lang na isarado na yung mga chapter na yun sa buhay namin," pagwawakas niJudy Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN