Lotlot de Leon dismisses rumor linking her to young actor Marco Alcaraz

IMAGE 0


"I'm not attracted to younger men, although hindinaman dapat mag-depend sa age, kundi sa personality ng guy. Pero parangnakakahiya naman sa mga anak ko, lalo na sa panganay ko who's already 19 yearsold, na ipakikilala ko sa kanila ang guy na halos kasing-age lamangnila," explains Lotlot de Leon.



Nilinaw na ni Lotlot de Leon sa Showbiz Central,July 13, ang pagli-link sa kanya at sa co-star niya sa Dyesebel na si MarcoAlcaraz at sa iba pang younger guys. Humarap siya sa Central Jury na sina RufaMae Quinto at DJ Mo Twister.

Two weeks ago ay nag-guest din sa segment ng naturangshowbiz talk show ng GMA-7 ang dati niyang mister na si Ramon Christopher.Tinanong si Monching tungkol sa pagkaka-link ni Lotlot kay Marco at sinabinitong medyo nagulat siya, pero wala raw naman siyang nararamdamang seloskung totoo man ‘yon.

Nang si Lotlot naman ang naupo sa hot seat, sinagot niya angtungkol sa kanila ni Marco.

"Walang katotohanan ang tungkol sa amin ni Marco,"mariing sabi ni Lotlot. "Ang totoo, ang mga anak ko, natutuwa silakapag may naikukuwento ako sa kanila na parang may hinahangaan akong tao, notparticularly si Marco, kaya they tease me. Sasabihin nila, ‘Uy, si Mommy!' atkinikilig sila para sa akin. Pero wala talaga akong idini-date. Kung meronmang darating, hindi ko masabi, hindi natin alam."

Bukod kay Marco, mayroon din daw isang Australian-basedmodel na na-link kay Lotlot. Mas bata rin daw sa aktres ang naturang modelo,pero hindi raw nagtagal ang relasyon nila dahil inagaw sa kanya ito ng isangstarlet.

"No, it's not true, saka ang tagal na ng issue na'yan!" napahalakhak na sagot ni Lotlot. "Dapat siguro, madalasakong mag-guest dito para may update kayo lagi sa akin. Walang ganoongissue, he's just a friend at bumalik na siya sa Australia dahil nandoon nga angwork niya.

"Saka I'm not attracted to younger men, although hindinaman dapat mag-depend sa age, kundi sa personality ng guy. Pero parangnakakahiya naman sa mga anak ko, lalo na sa panganay ko who's already 19 yearsold, na ipakikilala ko sa kanila ang guy na halos kasing-age lamangnila. No, walang ibang guy sa buhay ko, maliban sa Mommy Guy [Nora Aunor]ko!" biro niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ABOUT MOMMY GUY. Kailan huling nakausap ni Lotlot angina niyang si Nora Aunor?

"Huli ko pang nakausap si Mommy a few months ago, nangmag-guest siya sa show ni Atty. Michael Garfunkel at nakuha na niya ang greencard niya. Matagal na niyang gustong makakuha ng green card and I know shedeserves that as an artist."

Totoo bang pinalayas ang Superstar sa tinutuluyan nitongbahay sa Amerika?

"Hindi ko alam ang tungkol sa pagpapalayas daw satinitirahan niyang bahay, dahil hindi ko nga siya madalas makausap. Yung ibangbalita tungkol sa kanya, nakukuha ko lang sa mga friends niyang nakakasama saStates. Exaggerated naman yatang masyado ang balitang ‘yon. Dahil sapalagay ko, sa dami ng mga friends niya roon, baka sila pa ang magsabi sakanyang doon na siya tumira sa kanila," lahad ni Lotlot.

Sa interview ng Showbiz Central last week kay Nora,pinasalamatan din nito si Lotlot sa pagiging second mom niya sa mganakababatang kapatid na sina Ian, Matet, Kiko, at Kenneth.

"Wala namang problema doon dahil matagal ko nangginagawa ‘yon. Sino ba naman ang magtutulungan kundi kaming magkakapatid din?Saka ginagawa ko ‘yon hindi dahil kailangan kundi dahil mahal ko naman talagaang mga kapatid ko."

KILLER QUESTION. Bago ang segment ng Central Jury. Kung dati ay may isangKiller Question na iri-reveal o isi-seal, ngayon ay pipili ang guest betweenthe Killer Question at Killer Task.

Mas pinili ni Lotlot na sagutin ang Killer Question kesagawin ang Killer Task dahil very personal daw ito.

Ang Killer Question para kay Lotlot ay tungkol sa pagkikitaraw nila sa isang public place ni Norie Sayo, ang lesbian manager ni Nora na balitang pinakasalan ng Superstar sa Las Vegas. Ayon sa ilang mga nakasaksi, nakita raw si Lotlot na sinigawan si Norie.

Ani Lotlot, "Totoong nagkita kami sa isang lugar perohindi naging maganda ang pagtatagpo namin. Naging emotional ako nangmagtagpo kami dahil nasasaktan ako at nasigawan ko nga siya. Siguro,dapat kaming magkausap na talaga ngayon para masabi ko na ang lahat-lahat ngnararamdaman ko sa kanya. Hindi ako proud sa ginawa ko pero hindi ko iyonpinagsisihan dahil 'yon ang napi-feel ko nang oras na iyon at dapat na itama naang lahat," seryosong pagtatapos ni Lotlot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN