Richard Gutierrez says he is taking it slow with KC Concepcion

IMAGE 0


"I don't think KC is the kind of girl who likes takingthings in a hurry," says Richard Gutierrez about KC Concepcion.



Blessing na matatawag ni Richard Gutierrez ang pagpasok ni Heart Evangelista saCodename: Asero. Naniniwala kasi si Richard na malaki ang ambag ni Heartpara panoorin ng marami ang kanyang bagong show.

"Yung personality kasi ni Heart, nagugustuhan ngmarami," sabi pa ni Richard. "Magaan siyang katrabaho. Laging masaya.Kaya madali rin kaming nagka-rapport."

LOVE LIFE ON A STANDSTILL. Pero kahit ganito angset-up, iba ang hantad sa publiko tungkol sa real score ng love life niRichard. Bago pa sila lumipad ni KC Concepcion patungong Greece kaugnay ngshooting ng pelikulang ginagawa nila para sa Star Cinema, nasa standstill parin daw ang relasyon nila.

Kahit iba na ang nakikita ng marami sa mga kumakalat nastolen shots sa kanila during unguarded moments habang magkasama sila?

"May pressure ba?" natatawang sabi ni Richard."I'm taking everything slowly but surely. I am taking it one step at atime. Kasi, I don't think KC is the kind of girl who likes taking thingsin a hurry.

"Nakikita niyang mas gusto niya ang ganito muna. Enjoykaming magkasama na nagtatawanan lang kami. At saka, palagay ko, hindi pa panahon para ma-in loveako. Loveless naman ako ngayon, pero naiisip ko, marami akong ginagawa. Maytime pa ba ako para riyan. So, okey lang kami ni KC na ganito muna.

"I still have Asero, one movie after another.Sobra! Ganoon din si KC. Hindi normal ang takbo ng buhay namin na magkakaroonkami ng more than enough time for love dahil pareho kaming busy, kahit masnagkikita kami ngayon most of the time. E, hindi naman palaging ganoon.

"Paano kung hindi na kami magkasama? Magkikita pa kayakami? Mahirap," napapailing na sabi ni Richard.

Baka nga sa Greece ay ma-develop na ang dapat ma-develop sakanila ni KC? Nagkibit-balikat lang si Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya nagseselos si KC sa magandang tinginan din nilani Heart bilang magkaibigan?

"I don't think so. Hindi naman selosa type si KC. Atsaka nasa showbiz din siya. May iba ring nali-link sa kanya, di ba? But foras long as okay kami, walang problema yung mga ganyang chika."

WELL-CONDITIONED RICHARD. At saka ayaw rin namanniyang kakabakaba si KC sa ginagawa niyang mga death-defying stunts sa Codename:Asero.

"Pero, sa ganitong parte, talagang lagi kaming safetyfirst sa taping," banggit pa ni Richard. "Scratches, bruises, minorinjuries. Nae-experience ko 'yan sa mga routine ko sa teleserye namin, but it'sall worth it naman, e.

"Basta pagdating sa ganyan, lagi kaming maingat.Nire-rehearse naming mabuti. Hindi naman kailangan ni KC na kabahan sa mgaganyan dahil hindi ako pababayaan ng mga katrabaho ko, at ako mismo, kailangangnag-iingat din.

"Maganda rin yung may basic training ako sa martialarts, 13 to 15 years old ako, nag-aaral na ako ng karatedo kaya sanay angkatawan ko sa ganyan.

"Kailangang lagi akong nasa condition, kaya nga kahitsa set, nagwu-work out na ako. May dala akong weights at dumbells. I also eatthe right kind of food para tumagal ako sa grabeng taping," lahad niRichard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN