Mart Escudero says he only has eyes for Jennica Garcia

Jul 17, 2008
"Ako naman kapag naging serious sa isang bagay, tutok ako roon. Hindi ako tumitingin na sa kaliwa o sa kanan. Diretso lang ako talaga. Noong dumating si Jen, behaved naman na ako. Pero mas naging behaved ako noong maging serious na ako sa kanya," confesses Mart Escudero.


Tumigil na nga raw sa pakikipag-date sa ibang babae si Mart Escudero nang maging serious siya sa panliligaw sa ka-love team niyang si Jennica Garcia.

Inamin ni Mart sa press conference ng Dear Friend kunsaan sila ni Jennica ang pilot guests, na noon ay kaliwa't kanan ang mga babaeng pinopormahan niya dahil nga raw wala pa siyang natatagpuan na seseryosohing babae. Pero dahil nandiyan na si Jennica, behave na raw siya ngayon.

"Natural na bawal na ang mga ganyan," ngiti pa ni Mart nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Ako naman kapag naging serious sa isang bagay, tutok ako roon. Hindi ako tumitingin na sa kaliwa o sa kanan. Diretso lang ako talaga."

Ibig sabihin ba ay si Jennica ang nakapagbago sa pagiging playboy niya noon?

"Grabe naman!" malakas na tawa niya. "Hindi naman ako playboy, ‘no! Masyado lang akong close sa mga girls!

"Nature ko na siguro na maging malambing ako sa mga nagiging kaibigan ko. Lalo na sa girls, malambing ako sa mga ‘yan. Ayoko kasing sabihin nila na presko ako o aggressive, di ba? Ayokong mabigyan sila ng iisipin na pinopormahan ko sila. Malambing lang talaga ako.

Continue reading below ↓

"Noong dumating si Jen, behaved naman na ako. Pero mas naging behaved ako noong maging serious na ako sa kanya. Ayoko namang may masabi si Tita Jean [Garcia] sa akin o ang ibang family members nila. Gusto ko na good shot ako sa kanila. Kita niyo naman, walang ibang nali-link sa akin kundi si Jen lang."

STILL COURTING. May balitang sinagot na raw siya ni Jennica noong 18th birthday nito. Pero nag-deny naman si Mart dahil hanggang ngayon ay nanliligaw pa rin daw siya rito.

"Hindi pa po kami. Nanliligaw pa rin ako sa kanya," diin ni Mart.

"Hindi ko naman pine-pressure si Jen, e. Alam ko na she's taking her time. Okey lang kasi nakakapaghintay naman ako. Ganyan ako, basta mahal ko, handa akong maghintay talaga.

"Tsaka nga bata pa kami ni Jen. Kinausap naman kami ni Tita Jean at sinabihan kami ng mga dapat naming malaman kung papasok kami sa isang relasyon. Nakikinig naman kami ni Jen at sinusunod namin ang mga advices niya."

Continue reading below ↓

Mapapanood din ang team-up nina Mart at Jennica sa primetime soap drama na Ako Si Kim Samsoon.

Read Next
Read More Stories About
Mart Escudero, Jennica Garcia
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ako naman kapag naging serious sa isang bagay, tutok ako roon. Hindi ako tumitingin na sa kaliwa o sa kanan. Diretso lang ako talaga. Noong dumating si Jen, behaved naman na ako. Pero mas naging behaved ako noong maging serious na ako sa kanya," confesses Mart Escudero.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results