FIRST READ ON PEP: Angel Locsin's camp speaks up about rift with Claudine Barretto

IMAGE 0


"I guess it was an unfortunate incident,a small misunderstanding blown out of proportion and walang may gusto ngnangyari. Ayaw din ni Angel ng may kaaway, lalo pa nga si Claudine dahil idolniya ito," says Becky Aguila about the reported rift between her ward, Angel Locsin (left), and Claudine Barretto (right).



Finally, nagsalita na rin ang kampo ni Angel Locsin sagitna ng mainit na kontrobersiya na nangyayari sa pagitan ng young actress atng kasamahan niya sa ABS-CBN na si Claudine Barretto. Nagsimula ang sinasabingalitan nina Angel at Claudine nang minsang magtagpo sila sa salon ni PinAntonio.

Unang lumabas ang balita tungkol sa alitan nila sa pamamagitan ngisang blind item, na later on ay pinangalanan din. Noong simula ay walanggustong magsalita kaya naman puro haka-haka lang ang lumabas.

Kung matatandaan, hindi ito ang unang pagkakataon na napabalita na nagkaroon ng alitan sina Angel at Claudine. Napabalita noon na ayaw diumano ni Claudine na makasama si Angel sa iisang dressing room nang minsang magkasama sila sa isang show. Hindi rin daw nagustuhan ni Claudine ang pagkakadagdag ni Angel bilang endorser ng Folded & Hung, na ini-endorse din ng bida sa Iisa Pa Lamang.

TWO VERSIONS OF THE STORY. Hindi malinaw ang totoongnangyari sa pagitan nina Angel at Claudine sa loob ng salon dahilnagpasalin-salin na ang kuwento tungkol dito. Basta ang kumpirmado ay nagkaroonng kumprontasyon ang dalawang Kapamilya stars.

Ayon sa kuwentong nakarating sa PEP, nang minsang magpaayossi Angel sa Pin Antonio Hairdressing ay dumating si Claudine. Tinanong daw niClaudine si Angel kung totoong umalis na siya kay Becky Aguila at ang managerniya na ay si Ms. Malou Santos, ang managing director ng Star Cinema.

Itinanggi raw ito ni Angel at tinanong si Claudine kungkanino niya nabalitaan ito. Ayon kay Claudine, nakuha niya ang impormasyong itosa makeup artist na nag-aayos mismo sa kanya that time, si Alex. Pero muliitong itinanggi ni Angel.

Nang tanungin daw ni Angel si Alex kung kanino niya nakuha ang balita, sinabi ng makeup artista na sa ina ng child actress na si Charming Lagusad, na alaga rin ni Becky. Ayon daw sa kuwento ng ina ni Charming ay umalis na sila sa poder ni Becky at pati raw si Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang lumabas daw si Claudine para magpahangin ay sinundansiya ni Angel, na hindi mapakali dahil sa lumalabas na balita. Nilapitan daw niAngel si Claudine at nagpaliwanag na hindi talaga totoo ang balitang si MalouSantos na ang kanyang manager.

Dito na raw pinagsalitaan ni Claudine si Angel ng kunganu-ano. Sinabihan pa diumano ni Claudine si Angel na hindi siya ang prinsesang ABS-CBN kundi si Bea Alonzo.

Pagbalik daw ni Angel sa loob ng salon ay nag-iiyak na rawito at pinagbalingan ng galit si Alex. Nagtaas na raw ng boses si Angel atdinuro niya si Alex at sinipa ang isang silya.

Ayon naman sa isa pang kuwento, si Angel daw ang kumumprontakay Claudine dahil ang pinakabata sa Barretto sisters daw ang nagpakalat sabalitang kaya sunud-sunod ang magagandang projects ng dating Kapuso star saABS-CBN ay dahil hawak na siya ng isang top executive ng Kapamilya network, naang tinutukoy ay ang managing director ng Star Cinema.

GRETCHEN OPENS PANDORA'S BOX. Hanggang sa magsalita angnakatatandang kapatid ni Claudine na si Gretchen Barretto sa presscon ngepisode niya sa Maalaala Mo Kaya last Monday, July 14. Ipinagtanggol nito siClaudine sa sigalot na nangyari sa kanila ni Angel. Hindi man niya direktangsinabi ang nangyari sa kanyang kapatid at kay Angel, nakumpirma na totoo ngangnagkaroon ng kumprontasyon sa pagitan nina Angel at Claudine.

Ani Gretchen, "Naawa ako sa kapatid ko, siyempre. Kasipara ma-accuse si Claudine, siyempre naawa ako sa kanya. Pero alam ko namankaya ni Claudine ‘yon. Sabi ko, that's part of being Claudine Barretto andhaving the fame and special treatment that you have in ABS-CBN. Kasi siyempre,matagal na siyang nandito sa ABS kaya nabibigyan siya ng specialattention."

Inamin naman ni Gretchen na hindi pa niya naririnig angpanig ni Angel kaya mahirap din daw magsalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nang tanungin si Gretchen kung babatiin ba niya siAngel kung sakaling makasalubong niya ito, ito ang naging sagot ni Gretchen:"Hindi ko alam. Takot ako, baka awayin din niya ako! Baka sigaw-sigawanniya ako. Oh my, God! Wala akong panahon!" (Click here to read relatedarticle).

ANGEL'S CAMP SPEAKS UP. Ayon sa kampo ni Angel, nalulungkotang young actress dahil wala naman daw itong hangad na makipag-away o makasakitng kapwa. Bagamat kabi-kabila ang tira sa kanya, mas pinili na lang niyangmanahimik dahil ayaw raw niyang lumalala pa ang gulo sa pagitan nila niClaudine. Pero may nakarating na impormasyon sa PEP na iniyakan ni Angel ang interview ni Gretchen.

Noong Martes, July 15, ay nagkaroon ng meeting ang ABS-CBN at StarCinema executives with Angel and her manager, Becky Aguila, para pag-usapan anglahat; partikular na ang tungkol sa insidenteng nangyari kina Angel atClaudine.

Para mas maliwanagan ang lahat ay nagsama si Becky ng isangempleyado mula sa Pin Antonio Hairdressing na nangangalang Beng na nakasaksidiumano ng buong pangyayari. Naroroon din ang kapatid ni Angel na si Ella, nakasama rin ni Angel sa salon at nakita rin ang nangyari.

Kuwento ni Becky sa PEP, "Beng was there, and base sakuwento niya, walang sigawang nangyari and both were very professional habangnag-uusap. Nilinaw rin ni Beng na wala naman siyang nakitang sinipa ni Angelang silya at hindi rin dinuro si Alex," sambit ng manager.

Hindi rin daw totoo na tinarayan ni Angel ang makeupartist na si Alex. Ang ginawa lang daw ng young actress ay sinabihan ito nangmaayos na, "Kuya, kung hindi ka sigurado, sabihin mo, kasi pagmumulan ito ngissue."

Sabi ni Becky, "I guess it was an unfortunate incident,a small misunderstanding blown out of proportion and walang may gusto ngnangyari. Ayaw din ni Angel ng may kaaway, lalo pa nga si Claudine dahil idolniya ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpaliwanag din ang manager ni Angel kung bakit medyonatagalan ang pagbibigay nila ng panig at ito raw ay bilang respeto na rin samanagement ng ABS-CBN.

"Out of courtesy andrespect with the management, hindi muna kami nagsalita or nagbigay ng pahayagabout the matter. Hinintay muna naming magkaroon ng pag-uusap with them. Alamn'yo naman, baguhan pa lang si Angel sa ABS-CBN and the last thing na gustonaming mangyari ay yung may makasamaan ng loob," pahayag ni Becky.

Idinagdag din ni Becky na willing si Angel na makipag-usapkay Claudine at ayusin ang kung anumang hindi nila pinagkaintindihan at ito rinnaman ang kanyang hangad.

"Open si Angel sa pakikipag-ayos and I'm hopingna in time ay darating din ‘yan," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN