PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Unang watawat ng Pilipinas na 124 years old, nasisira na

124 years old na ito!
by Bernie V. Franco
Published Jun 9, 2022
philippine flag
(Left photo) Ang 124-year-old Philippine flag na ginamit ni Gen. Emilio Aguinaldo sa pagdeklara ng Philippine Independence noong June 12, 1898. (Right photo) Ang render ng original flag, ayon sa Aguinaldo-Suntay family, descendants ni Aguinaldo.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News) / WIKICOMMONS

Pinangangambahan ngayon ang kondisyon ng watawat na iwinagayway sa pagdeklara ng kalayaan ng Pilipinas, 124 na taon na ang nakakaraan.

Ang historical item na ito ay naka-preserve sa Aguinaldo Museum sa Baguio City.

Ayon sa tagapangasiwa ng museum, unti-unti na kasing nasisira ang tela at hibla ng watawat, ulat ng ABS-CBN News noong June 5, 2022.

Ito ay sa kabila ng paglagay nito sa isang dark room, kung saan ang temperature, lighting, at humidity ay kontrolado.

philippine flag

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang makasaysayang watawat ay naka-preserve sa Aguinaldo Museum sa Baguio City.

Paliwanag ni Emilio Aguinaldo Suntay III, great grandson ni General Emilio Aguinaldo at nangangasiwa sa museum, “If they really try to conserve it and to make it exist for as long as possibly we can, technically, we shouldn’t show to public.”

Pero taliwas naman daw ito sa diwa ng watawat.

“If we have to do that, against naman doon sa memory and spirit of the flag.”

kasaysayan ng watawat

Unang iwinagayway ang watawat noong idineklara ni Gen. Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas sa kanyang bahay sa Kawit, Cavite noong June 12, 1898.

Ito ay matapos ang higit 300 taong pananakop ng Espanya sa Pilipinas.

Si Aguinaldo ang naging kauna-unahang pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Siya rin ang nagdisenyo ng unang watawat ng Pilipinas, na gawa sa silk at cotton, ulat ng UNTV noong 2017.

Tinahi ito Marcela Mariño Agoncillo kasama ang anak na si Lorenza at ang kaibigan ng huli na si Delfina Herbosa Natividad, pamangkin ni Jose Rizal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinasabing related si Ryan Agoncillo kay Marcela, na siyang kinikilalang Mother of Philippine Flag.

Hindi tulad ng modern flag, ang araw ng original flag ay may mukha, na sumisimbolo ng paggalang sa mga ninuno natin.

philippine independence

Ang walong sinag ay kumakatawan sa walong probinsiyang nakiisa sa rebolusyon laban sa mga Kastila. Ito ang mga sumusunod: Manila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Batangas, Laguna, at Nueva Ecija.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang tatlong bituin naman ay sumasagisag sa tatlong main island group ng bansa—ang Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sa kabilang banda, nakikipag-ugnayan na ang tagapangasiwa ng Aguinaldo Museum sa mga propesyunal para ma-document ang kondisyon ng watawat at ma-preserve pa ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left photo) Ang 124-year-old Philippine flag na ginamit ni Gen. Emilio Aguinaldo sa pagdeklara ng Philippine Independence noong June 12, 1898. (Right photo) Ang render ng original flag, ayon sa Aguinaldo-Suntay family, descendants ni Aguinaldo.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News) / WIKICOMMONS
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results