Joross Gamboa confirms "friendly date" with Katrina Halili

by Rose Garcia
Jul 25, 2008
"Friends lang talaga kami. Nasa point na ine-enjoy lang namin pareho yung company ng isa't isa. Kapag libre ako at libre rin siya at may time na lumabas, e, di sige. Yung tungkol sa tanong n'yo na ligawan, wala pa yun, hindi pa namin yun naiisip. Parang maaga pa naman masyado," explains Joross Gamboa about dating Katrina Halili (inset).

Very busy ang young actor na si Joross Gamboa lately. Nang makausap nga siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay pauwi pa lang daw siya galing sa kanyang school sa Southville International. Pero bago ito ay galing naman siya sa taping ng Eva Fonda.

Katatapos lang din mag-shoot at mag-dubbing si Joross para sa A Very Special Love ng Star Cinema. Pero kahit gaano man daw ka-hectic ang schedule, si Joross na mismo ang nagsabi na desidido na siyang ituloy at matapos ang pag-aaral niya; second year na niya ngayon sa kursong Mass Communication.

Nababanggit din ang pangalan ni Joross na kasama sa pelikulang One Night Only ng OctoArts Films. Pero ayon kay Joross, wala pa siyang masasabi tungkol dito dahil wala pa naman daw kasing direktang binabanggit sa kanya.

"Yung tungkol sa movie, puro pa lang din mga naririnig ko na may nagsasabi sa akin na kasama nga raw ako or may nagtatanong kung kasama raw ba ako. Pero wala pa naman yung talagang nagsabi sa akin nang diretsuhan na gagawin ko yung movie. Kung totoo nga, okay, at least may follow-up na kaagad after A Very Special Love. At sa naririnig ko, mukhang iba naman ang story, so maganda," saad ni Joross.

Continue reading below ↓

FRIENDLY DATE WITH KATRINA. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni Joross sa naibalita rito sa PEP na pag-amin ni Katrina Halili na pagdi-date nila ng young actor. Pero ayon kay Joross, "friendly date" lang naman daw yun.

"Ano lang yun, bale sa Butuan City kami nagkaroon ng chance na magkakuwentuhan, konting bonding, kasi nag-guest kami ro'n through Direk Maryo J. de los Reyes's invitation. After that, nagkaka-textan na. E, noong nasa Butuan pa lang, pareho pala naming gustong mapanood yung movie na Wanted. Kaso lang, hindi rin namin napanood kasi wala nang time, so nag-dinner na lang kami, kuwentuhan," kuwento ni Joross.

May plano ba siyang ligawan ang two-time FHM's Sexiest Woman?

"Friends lang talaga kami," giit ni Joross. "Nasa point na ine-enjoy lang namin pareho yung company ng isa't isa. Kapag libre ako at libre rin siya at may time na lumabas, e, di sige. Yung tungkol sa tanong n'yo na ligawan, wala pa yun, hindi pa namin yun naiisip. Parang maaga pa naman masyado. At saka sa part ko naman, matagal na rin naman akong walang dine-date."

Continue reading below ↓

Sa mga hindi nakakaalam, bago pa man mag-artista si Joross at si Katrina ay nag-o-audition pa lang for StarStruck, nagkakilala na silang dalawa. It was the time na kasama raw ni Joross ang mga barkada niya sa Eastwood at isa sa barkada niya ay kilala ang dating manager niya na si Jun Reyes.

Ito rin ang pagkakataon na inalok ni Jun, who happened to be with Katrina that time, kung type ba ni Joross na mag-artista. Pero dahil magkaiba nga sila ng network—Joross is from ABS-CBN while Katrina is with GMA-7—usually kapag may events or awards night na lang daw sila nagkakaroon ng chance na magkita.

Ano naman ang masasabi ni Joross kay Katrina?

"Si Katrina, okey, mabait, at saka sweet din siya. Akala ko kasi noong una, sabi ko nga sa kanya, para kakong masungit siya. Pero hindi naman pala; tahimik at saka mabait. Para siyang Barbie!" natatawa pang paglalarawan niya sa bida ng Magdusa Ka.

Continue reading below ↓

As early as now, may nagsasabi na baka nagkakaroon lang daw ng gamitan sa pagitan nina Joross at Katrina. Dahil isa sa hottest stars ngayon si Katrina, may nagpaparatang na baka ginagamit lang daw siya ni Joross.

"Basta kami totoo," sabi naman ni Joross. "Isipin na lang nila kung ano ang gusto nilang isipin. Kung yung iba siguro ginagawa yun, pero ako or kami, hindi namin ugali ang manggamit, lalo na ang gumimik."

Nilinaw rin ni Joross na wala sa bokabularyo niya ang mamangka sa dalawang ilog dahil prior to Katrina, nali-link din naman siya sa isa pang Kapuso star na si Glaiza de Castro. Ayon sa binata, nagte-text pa rin naman daw sila ni Glaiza hanggang ngayon.

"Friends lang naman kami ni Katrina. Friends din kami ni Glaiza. Wala naman akong girlfriend at wala rin naman akong nililigawan talaga. So, sabi ko nga, ine-enjoy lang namin ang company ng isa't isa.

Continue reading below ↓

"Yung sa amin ni Katrina, parang sa amin ni Angelica Panganiban, may time din naman na lumalabas kaming dalawa lang. With Glaiza kasi, never pa talagang nagkaroon ng chance na makalabas kaming dalawa. Nagkakataon kasi na busy siya ‘tapos ako rin naman, naging sobrang busy. Pero wala namang problema, puro text-text pa rin," pahayag ni Joross.

Read Next
Read More Stories About
Joross Gamboa, Katrina Halili
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Friends lang talaga kami. Nasa point na ine-enjoy lang namin pareho yung company ng isa't isa. Kapag libre ako at libre rin siya at may time na lumabas, e, di sige. Yung tungkol sa tanong n'yo na ligawan, wala pa yun, hindi pa namin yun naiisip. Parang maaga pa naman masyado," explains Joross Gamboa about dating Katrina Halili (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results