Regine Velasquez on boyfriend Ogie Alcasid: "Hindi kami nag-aaway niyan."

IMAGE 0


Trivia on Regine Velasquez: She is not a "cell-phone" person. "Gumagamit lamang ako ng cell phone kapag mahaba iyong breakko sa taping, like lunch break or dinner break namin. Pero kung hindi namanimportante ang tawag sa cell phone, mas gusto kong magkaroon ng kahit littletime na makipag-bonding sa mga co-stars ko sa taping."


Inabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina RegineVelasquez at Mark Anthony Fernandez sa set ng Ako Si Kim Samsoon sa Canyon Woods, Alfonso, Batangas, kahapon,July 24.

Kapansin-pansin sa monitor ni direk Dominic Zapata na angdali-dali palang umiyak ni Regine. Natural ang pagtulo ng luha niya habangnag-uusap sila nang seryoso ni Mark. Pero nahinto ang taping nang biglang pumasok sa eksena sina Carmi Martinat John "Sweet" Lapus. Hindi kinaya ni Regine namapabunghalit ng tawa sa dialogue ni Carmi, playing the role of Mark Anthony'smother, at ang sidekick nitong si Sweet.

"Iyon ang problema ko, bungisngis kasi ako. At kahitanong pagpipigil ko, natatawa talaga ako at kung minsan, nati-take 3 ako dahilhindi ko mapigil ang pagtawa ko," nakatawang kuwento ni Regine sa PEP at mga dumalaw na press people sa set, pagkatapos ng take niya.

Dagdag pa ngAsia’s Songbird, "Nahihiya nga ako madalas kay direk Dom dahil nagigingcause of delay ako kapag hindi ko mapigil ang pagtawa ko."

Pero bakit ang bilis niyang umiyak, saan niya hinuhugot angemotions niya?

"Kasi, happy ako," biro ni Regine. "Seriously,siguro sa character na rin ni Kim Samsoon. Ikaw ba naman ang lagi na lamanglait-laitin, pero siya iyong tipong sige lang, titiisin ko…Pero may time din namaiisip niyang hindi siya dapat nagtitiis na lamang palagi. Hindi siya dapatpa-martir, dapat lalaban din siya. At siguro, nakikita naman ninyo kung paanolumalaban si Kim Samsoon kapag nararamdaman na niyang masyado na siyanginaapi."

Napapanood ba niya ang bawat episode ng kanyang dramedy?

"Yes, I make it a point na basta nasa bahay ako, okahit narito sa taping, napapanood ko ang bawat episode. Kung hindi naman,ipinati-tape ko ito dahil gusto ko rin namang malaman kung ano na angnangyayari sa story. Hindi ko kasi alamang buong story dahil hindi naman tuluy-tuloy iyong isinu-shoot namin. At kungminsan, dahil matagal na naming nai-taping, nakakalimutan ko na rin iyong mgaeksenang ginawa namin, na ngayon lamang ipalalabas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang feeling niya ngayong dramedy naman ang ginagawaniya?

“It seems na ganito talaga ang mas gusto kong soap,” angmabilis na sagot ng SOP host. “Afterna nanggaling ako sa dalawang drama, mas maganda ito, plus ang huhusay ngsuporta ko at dalawang mahuhusay na direktor. Bago kami magsimulang mag-taping,pinag-uusapan namin ang gagawin. Ayaw kasi ni direk Dom na magmukhang sitcomang show.

“Mahirap din sa akin kasi, madalas may eksena akong umiiyak ‘taposbigla akong magpapatawa. But very challenging sa akin, sa aming lahat, kapagganito na ang mga eksena dahil kailangan mo talaga ang powers na huwagtumawa."

Hindi ba siya nao-offend kapag binabatuk-batukan siya ngnanay niya, played by Tessie Tomas?

"Hindi naman, dahil parang it's so real na ang bagay naiyon…Ako nga, ganito na katanda, kapag natutuwa sa akin ang nanay ko,nababatukan pa rin ako. Napansin ko ngangayon, parang tumaas na ang level ng humor ko, pero problema ko pa rin talagaiyong hindi ako makapigil ng pagtawa," ang kuwento pa niya.

Hanggang 1:00 a.m. lamang pala ang pinaka-late na pagtataposng taping ni Regine para maiwasan ang sumpong ng migraine niya.

Paliwanag niya, "I can start working naman nang maaga,pero hindi talaga puwede iyong aabutin ako ng halos 24 hours na trabaho. Kapagnag-migraine naman ako at ininuman ko ng gamot, inaantok ako at hindi na rinpakikinabangang makapagtrabaho.

"Ang maganda naman, dire-diretso na ang taping namindito from Wednesday to Friday, kaya hindi na kami bumababa ng Manila. Providedkami ng hotel sa Tagaytay, na mas gusto naman namin dahil tipid na kami sa gasoline.Hindi pa rin kami pagod at nakakapahinga para sa next day's work."

TIME WITH OGIE. Paano iyon, hindi sila nagkikita ng boyfriend niyang si OgieAlcasid, hindi ba nagiging dahilan iyon ng pag-aaway nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, hindi naman kami nag-aaway niyan. Kung minsannga gumagawa ako ng kuwento para kami mag-away, pero alam niya kung hindi namantotoo iyong pang-aaway ko sa kanya. Kung minsan, mga petty things na pagkatapospagtatawanan din namin.

"'Saka parehokaming pasensiyoso ni Ogie. Hindi na namin hihintayin iyong totoong mag-awaykami. Kung wala siyang work at nanditoako sa taping, minsan, dumadalaw siya, at hihintayin niyang ma-pack-up ako sakana lamang siya bababa ng Manila."

Eto palang si Regine ay may "no cell phone" mandate sa sarili kapagnagtatrabaho.

Ayon sa kanya, "Nakaka-distract iyong may laging tumatawag onagti-text sa akin. Hindi naman ako talaga nasanay na may cell phone. Hindi akoiyong nakadikit na sa katawan ang cell phone, at alam iyon ni Ogie at ng mgakasama ko sa bahay. Kaya kapag talagang kailangan nila akong makausap, angtinatawagan nila iyong PA ko.

Eh, paano sila nag-uusap ni Ogie?

"Open naman ang communications namin ni Ogie. Kapag alam niyang uuwi na ako, ipinagluluto niya ako ng healthy food, usuallyfish, iba-ibang luto ng fish. Pinagta-tumbling na nga niya kung minsan ang isdapara sa akin," natatawang wika ni Regine. "Masarap magluto si Ogie."

Hindi ba niya pinagselosan ang bagong music video ni Ogie na"Minamahal," mula sa latest album nito sa Universal Records, na ang sweet-sweetnila ni Marian Rivera?

"Hindi, pero biniro ko siya noong una kong makita angmusic video. Pero pagkatapos, pinalakpakan ko kasi ang ganda-ganda ngpagkaka-shoot ng video at bagay din sila ni Marian. Love namin iyang siMarian."

How about ang kissing scenes nila ni Mark Anthony namapapanood na raw this week, iyong passionate kissing scene nila taken sahighway ng Tagaytay?

"Medyo talaga seloso si Ogie, but he knows work langiyon. Saka TV naman ito; alam niya, kung how far lamang puwedeng gawin ang kissingscene na iyon. Noon ngang kay Robin [Padilla], hindi siya nagselos dahil halosmatatapos na lamang ng Till I Met Youiyong kissing scenes namin ni Robin. KayPiolo [Pascual] talaga ako naka-quota kasi ang daming kissing scenesdoon," natatawang kuwento pa ni Regine. "Pero that time, hindi pa naman namin inaamin ang totoo namingrelasyon ni Ogie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UPCOMING PROJECTS. Alam ba niyang siya sana ang gustong makatambal ni Robin sa upcoming TV series nitong Totoy Bato dahil singer daw ang leading lady nito?

"Although hindi naman stipulated sa contract kung anoang gagawin ko sa GMA Network, kung maganda ang role, bakit hindi. Pero angalam ko, isa uling adaptation ng Koreanovela ang gagawin ko. Hindi ko pa lamangalam kung ano. Kung ako ang tatanungin,gusto ko iyong Coffee Prince kasipinanood ko iyon. Bahala na angmanagement kung ano ang ipagagawa sa aking project.

"Hanggang August na lamang ang taping namin ng Ako Si Kim Samsoon pero matatapos itosa September pa, dahil one season lamang talaga ito. Pero right after ng Pinoy Idol, sisimulan na rin namin ni Ogie ang Celebrity Duets, inihahanda na namin ito ngayon."

Paano ang movie na gagawin nila sa Viva Films at GMA Films,ang Love is Blind...And Deaf?

"Tuloy pa rin iyon, inihahanap lamang talaga ng time nasabay na kaming libre ni Ogie. Ilangbeses na itong na-postpone. Noon pa sana ito ginawa, kaya lamang, ako angmaluwag ang schedule; si Ogie, nagkasunud-sunod ang trabaho. After ng 20/20 concert ni Ogie saAraneta Coliseum sa September 27, baka maiaayos na rin ang schedule namin atmasimulan na ito. It will be directed by Dominic Zapata."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN