Richard Gutierrez and KC Concepcion "very sweet" while filming in Santorini, Greece

IMAGE 0


Scenes from the shooting of KC Concepcion and Richard Gutierrez in Santorini, Greece, for their first film together, For The First Time.



Mula nang dumating sa Santorini, Greece, sina Richard Gutierrez,KC Concepcion, Direk Joyce Bernal, at ilang production staff para sa shootingng For The First Time, nakatanggap na ang PEP (Philippine Entertainment Portal)ng updates.

Sabay na umalis sina Richard, KC, at Direk Joyce, on an early-morning flight for Greece last July 14. Ito ay pagkatapos ng ngaragangpag-promote ni KC ng number one album ngayon sa Odyssey Records, a.K.aCassandra (produced by SonyBMG Music), at si Richard naman, sa promotion ng bagoniyang action-drama series sa GMA-7, Codename: Asero.

Nangako sa amin ang kasama ni KC sa shooting namagpapadala siya ng update mula sa Santorini, ang napiling location niDirek Joyce for the first movie of Richard and KC for Star Cinema. Heto ang unaniyang text sa amin last July 17: "Good morning po from Santorini. It's6:00 a.m. here, start na ng hair and makeup ni KC, unang scene ay kukunan saairport."

Second text niya on July 18: "Okey naman po kaminglahat dito. Ganda po ‘yong area ng location namin dito, near the seashore.Super-hangin dito pero sabi nila around 10:00 a.m., super-init na kaya maagaang shooting."

Another text update on July 19: "Katatapos lang naminng shooting ngayong 2:00 a.m., natapos lahat ni Direk Joyce ang plannedsequences for the day. Sleep lang kami for three hours then resume ulit kami ngshooting. Call time is at 6:00 a.m. onthe set."

Ipinalabas na sa The Buzz last Sunday, July 20, ang videoshots nina Richard at KC off-camera, kaya maraming kinilig sa sweetness ngdalawa. Text na rin sa amin na nai-shoot na ni Direk Joyce ang eksenangnaka-bikini si KC at naka-swimming trunks naman si Richard, peromukhang hindi raw muna ito ipakikita para may aabangan naman ang mga fans.

Muli kaming tumanggap ng text early Monday morning, July 21: "Dami po nakunang eksena yesterday. Super-ganda nga po ng view dito. Bythe way, ‘yon pong Greek waiter sa restaurant ng hotel, ask niya si Gerry [Santos,production designer and stylist ng movie, na siya ring nagbibihis kay KC sa mgashows niya at production manager din ng Codename: Asero ni Richard], kunglovers daw sina Richard at KC. Sagot ni Gerry, sa movie lang. Pero nag-commentdaw ang waiter ng, ‘No, but I see there's something.' Natawa na lang po kami ni Gerry kasi super sweet nga rin po nilawhile they're eating."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-comment din daw si Direk Joyce na bakit kapag saeksenang kinukunan niya, parang hindi mailabas ng dalawa ang true feelingsnila, pero off-camera, ang sweet-sweet nila.

Nai-share naman sa amin ni Shirley Kuan, one of the managersni KC, ang text message sa kanya ni KC last Monday morning, July 21: "Inthe heat of the sun and cool Mediterranean breeze, I am so at home by the sea,so happy my first movie is being shot here."

Another text update on July 21: "Last shooting daynamin at for the last eight days of shooting, anybody from the team na nakatulogng four hours was lucky. More than 30 sequences were shot in the beautifulisland of Santorini at ilang sequences pa ang isu-shoot namin ngayon, kayanobody is packing up his bag yet.

"The tagline for the teaser has been officiallyapproved. It will create quite a stirfor sure. It will be shown at the premiere night of A Very Special Love of JohnLloyd Cruz and Sarah Geronimo on Tuesday, July 29."

Nag-email naman ang KCnians online ng music video ng themesong ng movie of the same title na si KC ang kumanta. Ginawa ito out of thepictures mula sa production shoot at kapag narinig ninyo ang pag-awit ni KC,kung hindi mo alam na siya ang kumakanta, iisipin mong ang mommy niya, si Sharon Cuneta, ang kumakanta ng ilang lines ng song.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
And the latest update na natanggap ng PEP ay kagabi,July 22, 8:30 p.m.: "Dito na kami sa Athens airport, waiting for ourflight to Dubai. KC and Chard are alwaystogether, sobrang sweet! Nakakakilig sila tingnan. Si Chard sobrang alaga siKC. Siya ang may buhat ng lahat ng gamit ni KC. Eto ang chika....he gotnecklace and bracelet na matching sila ni KC, ang cute! Binili ni Chard saSantorini. We are arriving tomorrow [July 23] at 4:00 p.m. by Emirates fromDubai!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN