Angelica Panganiban explains emotional outburst when asked about relationship with Derek Ramsay

IMAGE 0


"Marami kasi akong pinagdadaanan. Maramingtrabaho, pagod. ‘Tapos hindi ko lang ine-expect na parang magkakaroon din kaming ganitong problema. Magkakaroon kaming tampuhan. Ganun talaga," says Angelica Panganiban about crying in front of the press people at the presscon of Iisa Pa Lamang.



Magka-holding hands na dumating sina Angelica Panganiban atDerek Ramsay sa birthday party ni Cristy Fermin sa Metro Bar last Tuesday, July22. Indikasyon daw ito na nagkaayos na ang magkasintahan pagkatapos sumabog angisyu ng hiwalayan nila.

Dito na rin nagpaliwanag si Angelica sa tunay na pangyayaring isyung hiwalayan nila ni Derek at pag-iyak niya sa presscon ng teleserye niyasa ABS-CBN Iisa Pa Lamang.

"Kasi nga, may problema kami. Hindi naman masaya yun, di ba? Hindibreak yun, may problema lang," paliwanag ni Angelica sa PEP (PhilippineEntertainment Portal).

Pagdating ni Angelica from New Jersey, kung saan nag-guestsiya sa show ng Wowowee, sinalubong siya sa airport ni Derek.

"Alam ko [na susunduin ako]. Pero hindi ko alam nasiya mismo ang susundo. Alam ko kasieveryday kami nag-uusap, e. So ngayon, after nung mawala ako, wala talagaakong idea na siya ang susundo sa akin," lahad ng young actress.

May kinalaman ba ang nabalitang pagdating sa bansa ngex-girlfriend ni Derek sa tampuhan nila?

"Hindi, hindi kasi ganun. Walang third party," giit niAngelica.

Laking gulat naman ni Angelica nang lumabas sa The Buzz na pinamiliniya ng boxer shorts si Derek sa U.S.

"Ang cheap ko naman!" reaksiyon niya.

Pero marami talaga ang nalito sa naging reaksiyon niAngelica sa presscon ng Iisa Pa Lamang nang tanungin siya tungkol sa kanila niDerek.

"Marami kasi akong pinagdadaanan," paliwanag ni Angelica. "Maramingtrabaho, pagod. ‘Tapos hindi ko lang ine-expect na parang magkakaroon din kaming ganitong problema. Magkakaroon kaming tampuhan. Ganun talaga.

"Sabay-sabay nangyari and hindi ko yun puwedeng ipagsigawan sa mga tao dahilpersonal kong problema ‘yon. So, mahirap. Pakiramdam ko, hirap na hirap ako samga oras na ‘yon kasi wala nga siya sa tabi ko. Kung sino yung kailangan ko, siyapa yung wala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero wala siyang pinagselosan kay Derek?

"Wala, wala talaga," sagot niya.

Ano naman ang reaksiyon niya sa mga bintang na gimikera siyadahil sa nangyari?

"Oo, may topak pa raw ako. Wala, opinyon nila yun, e. Peroako, may opinyon din ako sa kanila na huwag silang manghusga. Ngayon, kilala kona yung tunay na nagmamahal sa akin. Wala na rin silang pagkakataon na kausapinako. So, wala na. Tablahan na ngayon," saad ni Angelica.

Wala bang kinalaman ang pagpapagupit niya sa tampuhan nilani Derek?

"Wala, kasi ilang araw lang talaga kami nagkatampuhan. ‘Taposnagkaisyu na hiwalay na kami. ‘TaposWednesday ng madaling-araw ako umalis papuntang New Jersey, so mukhang anggulo-gulo na talaga ng isyu. Pagdating ko naman doon, siyempre ang goal ko sa buhaymagtrabaho, and peace of mind. Kasi malayo ako sa inyo [entertainment press]!"tawa niya.

Bakit nakasimangot siya sa ipinalabas na video sa The Buzzpagdating niya sa airport?

"E, siyempre may mga tao. Alam ko na kung sino nga ang tunayna nagmamahal sa akin at may mga mukha doon na hindi ko gusto," pagsisiwalatniya.

Handa na ba siya, sakali lang pagkatapos ng tampuhan nila niDerek, kung alukin na siya ng kasal?

"Ako nga ang nagpo-propose sa kanya, e!" ngiti ni Angelica.

Nagkuwento rin si Angelica kung ano ang nangyari pagsakayniya ng kotse ni Derek nang sunduin siya ng boyfriend sa airport.

"Nakikipagkaibigan muna siya. Nagtatanong siya ng konti.Sabi ko, masaya lang. Sweet lang ako. Kailangan [pa-] girl. Okey lang."

Sa loob ng sasakyan daw ibinigay ni Angelica ang regalo niyakay Derek. Bakit siya ang nagregalo?

"Ako ang may kasalanan talaga. Inaamin ko naman yun. Siyempreminsan, masyadong nagiging batang-isip ako. Kaya yun ang way ng pakikipagbatiko sa kanya," pagtatapos ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN