Derek Ramsay and girlfriend Angelica Panganiban are "back to normal"

IMAGE 0


"Lahat naman ng relationship may tampuhan, may problema, e.Nagkataon lang, ito yung first namin kaya medyo more than two days na kaminghindi nag-uusap. Pero alam namin na maaayos din yun, e," says Derek Ramsay about his misunderstanding with girlfriend Angelica Panganiban.



Magkasabay na humarap sa publiko ang magkasintahang sinaDerek Ramsay at Angelica Panganiban sa birthday party ni Cristy Fermin saMetro Bar noong Martes, July 22, pagkatapos ng balitang naghiwalay sila. Nagingvery vocal ang dalawa, lalo na si Derek, kung ano talaga ang real score.

"Meron kaming tampuhan sa isa't isa, pero walang dahilanpara gawing ganito kalaki. Umalis siya papuntang New Jersey, ‘tapos ganun naang nangyari. In fairness to Angel [tawag ni Derek kay Angelica], mas emotional siya kesa sa akin. Ako, mayemotion din. Ako, I keep my privatelife to myself. Pero feeling ko na unfair na makipag-usap ako sa mga tao ‘pagkasama ko na si Angel. So, I'd rather keep it to myself first. Pero siya, masemotional, she belted out by crying," lahad ni Derek sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang naging problema nila ni Angelica?

"Actually, ano, e, pagsundo ko sa airport, wala na, e. Anolang, tampuhan, then wala nang chance na ayusin, nagpunta na siya sa New Jersey.Pagbalik, okey na."

Bakit sila nagkaroon ng tampuhan ni Angelica?

"Lahat naman ng relationship may tampuhan, may problema, e.Nagkataon lang, ito yung first namin kaya medyo more than two days na kaminghindi nag-uusap. Pero alam namin na maaayos din yun, e."

Paano naayos?

"Nagkita lang. Ako yung nagsundo sa airport, e."

May kinalaman ba ang napabalitang pagdating sa Pilipinas ngex-girlfriend ni Derek sa tampuhan nila ni Angelica?

"Actually, matagal na siyang [ex-girlfriend] nandito sabansa. Ilang bees na siyang bumalik dito. Actually, she's making a living nowhere. So, natawa nga ako nung lumabas ‘yon. But I haven't seen her for over ayear. Ex ko na siya for over four years. So, natawa na lang ako sa balitang ‘yan. Matagal nang isyu ‘yon."

So, okey na talaga sila ngayon ni Angelica?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, kahit naman bago kami mag-away, okey na okey naman kami."

Nabalitang ipinamili raw siya ni Aneglica ng boxer shorts saU.S.

"Anong boxer shorts?" nagtatakang tanong ni Derek.

Lumabas kasi sa The Buzz na habang nagkakaisyu ng hiwalayansila dito sa Pilipinas ay ipinamili naman siya ni Angelica ng boxer shorts saU.S. bilang pasalubong.

"Mas maganda yung binigay niya sa akin kesa sa boxershorts," sabi naman ni Derek. "Secret. Basta she treated me to something that Iwanted na minamataan ko na dati pa, and shinock na lang niya ako. Pagbigay niyasa akin ng regalo, parang binato ko pabalik ko sa kanya, e, kasi ayokongtanggapin. Na-shock ako, pero tinanggap ko na rin."

Ano naman ang masasabi ni Derek nang tawaging "gimikera" at"may topak" si Angelica dahil sa pagsabi niya sa press na hiwalay na sila, perohindi naman pala?

"Ako, I keep my mouth [shut] the whole time. Nabalitaan ko nasinasabi na ako ang...wala akong alam tungkol sa breakup. Doon, nagsalita na ako.Nagbigay na ako ng opinyon na walang katotohanan ‘yon.

"So, ngayon ko lang nabalitaan na gumigimik si Angel, maytopak siya. I know na unfair na sabihin sa kanya ‘yon. Alam n'yo naman howAngel and I started. Sa umpisa, wala kaming inamin dahil wala patalaga, e. So, we took our time na magsalita kasi hinihintay ko nga siyang bumalik. Magsasalita naman kami,pero ayusin muna namin ang problema bago kami magsalita. And yun nga, pagbalik,naayos naman namin agad. ‘Eto, nagsasalita na kami," pahayag ni Derek.

Ano ang estado ng relasyon nila ngayon?

"Back to normal."

Ano yung normal sa kanila?

"Masaya."

Kasalan na ba ang kasunod nito?

"Basta ako, I always say this, the relationship is not goingto be any better if normal na magkaroon ng problema at masarap magpasaya. Yungpagbalik nga lang niya, e, you know, I was hoping for makipag-ayos. Peropagbaba ko ng kotse, kesa si Angel ang makita ko, kamera muna. So, gagawa sanaako ng eksena doon. Pero wala na, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba dapat ang gagawin niyang eksena sa airport?

"Yun nga, tama kayo, nakasimangot [si Angelica]. Kaya medyonatakot din ako!" tawa niya.

"Ano na, e, first time, di ba? So ako, natatakot din ako.Siyempre natakot din ako. Nakailang ikot na ako sa airport. Paikut-ikot na akodoon. Hindi na nga ako nagdala ng driver. Ako na ang nagbuhat ng box niya. So,paglabas ko, una kong nakita ang kamera. Nakasimangot siya [Angelica]. Parangganun din ang hitsura ko kapag 18 hours ka sa eroplano, walang pahinga natrabaho."

Na-torture ba siya sa kakaisip kung ano ang gagawin niyangpagsalubong kay Angelica habang umiikot-ikot siya sa airport?

"Oo, pero hindi ko ipinakita sa kanya. Sinabi ko sa kanyapagbalik niya, mag-uusap kami. Kasi ako, gusto ko harap-harapan. Masmaganda yun, e. Hintayin ko siya talaga. Pagbalik niya, wala nang salita, e."

Ano ang nangyari sa loob ng kotse pagsakay ni Angelica?

"Siguro mga 30 seconds of silence, ‘no?" tanong ni Derek kayAngelica na katabi niya that time.

Sino ang unang nag-break ng silence? May nagsabi ba agad sakanila ng "I miss you"?

Kuwento ni Derek, "Hindi, wala munang ganun. ‘Kumusta [ang] trip,'ganyan-ganyan. ‘May pasalubong ako para sa ‘yo,' sabi niya. Then, paglabas niyang box, itinapon ko pabalik. ‘Tapos biglang nakita ko, iiyak na. Tinanong ko,‘Ano'ng problema mo?' ‘Ayaw mong tanggapin yung gift ko,' sabi niya."

Bakit naman itinapon?

"Na-shock lang ako," sagot niya.

Ano yung nakaka-shock sa gift sa kanya ni Angelica?

"Tanungin n'yo siya [Angelica]. Ano ba? Sabihin ko ba?"tanong niya ulit kay Angelica.

Hindi pa nakakasagot si Angelica at nagtinginan lang sila,sumagot na si Derek.

"Ah, binigyan niya ako ng watch."

Bakit na-shock siya sa relo? Rolex o Omega ba ang tatak?

"Hindi Rolex. Basta sa amin na yun. Swatch boy kasi ako, e.Basta sa amin na yun. Amin na yun. Basta alam niya na mahilig ako sa relo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit niya ibinato?

"Na-shock lang ako. ‘Ano ‘yan? Hindi puwede ‘yan!'"

Inamin naman ni Angelica na siya ang may kasalanan kaya siyaang nagregalo kay Derek.

"Nag-open up na kami, nag-ayos na kami," kumpirma ni Derek."Yung problemang nangyari, sa amin na yun. Actually, hindi siya ganun kalaki.Normal lang yung nangyari."

Sa fashion show ng Bench na gaganapin bukas, July 25, mayrestrictions ba si Derek kayAngelica?

"Kahit ano ang gusto niyang suutin sa rampa, I'm sure she'sgonna be good, you know. Pati sa kanyang mga trabaho, I don't interfere withher job. You know, si Angel naman, classy girl ‘yan. So, she can carrywhatever. Ako, okey lang ako doon. Trabaho niya yun. Hindi nga lang akopuwedeng pumunta doon!" natatawang sabi ni Derek na endorser ng kalabang brandng Bench, ang Oxygen.

May kinalaman ba ang tampuhan nila sa pagpapagupit niAngelica ng buhok niya?

"Actually, ako ang nagsabi na magpagupit siya ng buhok."

Hindi ba niya type ang mahabang buhok ni Angel?

"Hindi, sabi ko, bagay lang sa kanya nung ginawa na niya.Weakness ko kasi yung leeg ng babae, e.So, pinagupit niya talaga ang buhok niya."

Dahil ba dito ay mas madalas na niyang halikan sa batok siAngelica?

"Sa akin na yun!" tawa ni Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN