Judy Ann Santos dismisses reports that "Eat Bulaga!" show in L.A. was unsuccessful

IMAGE 0


"Paano naman nilamasasabi na hindi tinao, e, nandoon kami ni Ryan para masaksihan ang dami ngmga kababayan natin na sabik na pumila para makapanood ng show?" says Judy Ann Santos about reports that the Los Angeles show of Eat Bulaga! was not very successful.



Nakapanayam ng PEP(Philippine Entertainment Portal) ang young superstar na si Judy Ann Santos salaunch ng kanyang Canister Drive sa Tutuban Mall sa Divisoria kahapon, July 25.Kaugnay ito ng Touch A Heart Foundation ng aktres na ang aim ay makatulong sailang komunidad, higit sa lahat ang Aeta community sa Zambales.

Kakauwi lang ni Juday, kasama ang kanyangfiancé na si Ryan Agoncillo, mula sa pagge-guest nila sa Eat Bulaga! na ginanapsa L.A. Sports Arena sa Los Angeles,California.

Tinanong namin siJuday tungkol sa mga kumakalat na balita na hindi raw masyadong tinao ang EatBulaga! sa L.A. Pinabulaanan namin ito ni Juday dahil saksi raw sila sa dami ngPinoy na gustong makapasok at makapanood ng palabas ng Eat Bulaga!

"Paano naman nilamasasabi na hindi tinao, e, nandoon kami ni Ryan para masaksihan ang dami ngmga kababayan natin na sabik na pumila para makapanood ng show?" saad ni Juday."Kung ako ay Pinoy na naka-base sa U.S., siguro isa ako sa mga pipilatalaga at gagastos sa ticket para lang mapanood ang Eat Bulaga! Very honoredkami ni Ryan kasi napili kaming maging special guest ng mga kinikilalanginstitusyon na ng Philippine television.

"Sabi ko nga kayRyan na ang suwerte namin kasi kahit na mga artista kami ng kabilang station[ABS-CBN], kinuha pa rin nila kami ng Eat Bulaga! to be their special guest.But, of course, natutuwa kami kasi nakasama rin namin sina Marian Rivera atDingdong Dantes na pinagkagulahan talaga sila.

"Noong pinapanoodnga namin sila Tito, Vic, and Joey on stage, parang naging big fans kami niRyan ng tatlo kasi bihira ang ganitong pagkakataon na makasama namin sila. Mgagenius talaga sila kasi lahat ng paraan na puwede nilang gawin parama-entertain ang ating mga kababayan ay patok talaga. Ang nakakatuwa pa rito,nag-request talaga kami sa TVJ na magpa-picture kami ni Ryan with them.Talagang naging fan na kami ng TVJ!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malaki angpasasalamat namin kina Tito, Vic, and Joey, pati na rin kina Tita Malou[Choa-Fagar] at Sir Tony [Tuviera] for the wonderful accommodation. Hindi nilakami pinabayaan talaga and they made sure na mag-enjoy kami sa pag-guest naminni Ryan sa Eat Bulaga!" mahabang lahad ni Juday.

JUDAY'S DILEMMA. Hindi na rinpinalagpas ng PEP ang pagkakataon na matanong si Juday tungkol sa kumalat naissue tungkol sa pagpapa-interview ng kanyang ina na si Mrs. Carol Santostungkol sa kanyang father. May mga sinabi raw na hindi maganda si Mommy Caroltungkol sa ama ni Juday na nakipagkita raw ito sa anak in L.A.

Ayon naman kayJuday, naiintindihan daw niya ang pakiramdam ng kanyang ina sapagpapa-interview. Pero patas daw si Juday dahil pareho niyang magulang angsangkot sa issue na ito.

"Wala naman akongkakampihan dito because pareho kong magulang ito," sabi ni Judy Ann. "Actually,family matter talaga ito at sanakami lang magkaayos dito. Pero dahil nagkaroon ng interview si Mommy atnakausap ko na siya regarding that... Wala naman talagang issue. Natural nareaction lang iyon ni Mommy kaya I understand her."

Nag-react daw kasisi Mommy Carol sa ginawang pagpapa-interview ng tatay ni Juday regarding sapagpapakasal ng anak. Sabi naman ni Juday, wala siyang alam tungkol sainterview ng kanyang ama. Kailangan daw na mapanood niya muna ito paramakapag-react siya.

"May nagsabi kasi saakin na nagpa-interview daw si Daddy. Pero wala naman akong napanood tungkoldoon. ‘Tsaka hindi kami nagkausap ni Daddy sa L.A. Dito pa kami sa Pilipinashuling nag-usap before ako umalis for Europe,so a month ago pa ‘yon.

"Kung may sasabihin sana sa akin si Daddy, nasabi na sana niya ‘yon sa akin para walang issue. E,wala naman talaga. Iba kasi ang nakarating kay Mommy kaya she reacted that way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sa akin naman,madadaan ito sa magandang pag-uusap, e. Ako na siguro ang gagawa ng paraan namagkaayos na lahat. Magulang ko sila at ako lang siguro ang makakagawa ng wayna magkausap sila ng walang nakikialam na iba," pahayag ng aktres.

Tiniyak din ni Judayna imbitado ang kanyang ama sa kasal nila ni Ryan. Hindi pa lang daw nilanapag-uusapan kung sino ang maghahatid sa kanya sa altar.

"Invited si Daddy samagiging kasal ko," diin ni Juday. "Kahit ano pa ang sabihin ng iba diyan, he'sstill my father. Walang Judy Ann Santos kung wala ang daddy ko. Kung ang hindiko nga kadugo ay parte ng wedding, what more ang kadugo ko talaga, di ba?

"Yung tungkol namansa paghatid sa altar, yun yata ang naging puno't dulo ng lahat. Hindi pa namannamin napag-uusapan ‘yan at matagal pa naman ‘yan. Siguro kapag maayos na anglahat sa pamilya namin, doon na kami makakapagdesisyon. Sa ngayon, wala kamingproblema ni Mommy at wala akong problema kay Daddy," pagtatapos ni Judy Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN