Jolo Revilla's heart still beats for Lovi Poe

Aug 7, 2008
"Siguro kailangan muna nating maghintay. Bata pa naman si Lovi. I can wait," says Jolo Revilla about Lovi Poe. The two met at a birthday party, Jolo was with his mother, Lani Mercado.

Nagpang-abot sina Jolo Revilla at Lovi Poe sa birthday party ni Cristy Fermin noong July 22 sa Metro Bar sa West Avenue, Quezon City. Iyon ang unang pagkakataon na parehong nandun sa isang showbiz affair sina Jolo at Lovi. Pero hindi pa rin nagkaroon ng chance ang dalawa na makapag-usap.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jolo, tinanong namin siya kung tumigil na ba siya sa kung anuman ang nararamdaman niya para kay Lovi.

"Actually, tumitibok pa rin," ngiti ni Jolo.

Sila pa rin ba?

"We're good friends," maikling tugon ng binatang ama.

Ayon sa mga balita, hindi lang daw sila sila good friends ni Lovi. Takot lang ba si Jolo na umamin sa tunay nilang relasyon dahil sa ina ni Lovi na si Rowena Moran?

"Basta masasabi ko, malaki ang respeto ko sa mommy niya. Alam ko, walang magulang ang naghahangad ng masama sa kanyang anak."

Ano talaga ang estado ng relasyon nila ni Lovi ngayon?

Continue reading below ↓

"Siguro mas maganda kung sa kanya mismo manggaling."

May reports din na nakita silang magkasama ni Lovi sa isang mall. Totoo ba ito?

Tumawa muna si Jolo bago sumagot. "No comment. Ah, basta malaki ang respeto ko mommy niya."

Paano kung ayaw talaga sa kanya ng mommy ni Lovi, pipigilan ba niya ang kanyang puso na magmahal?

"Siguro I can't do anything about it but wait, di ba?" sagot ni Jolo.

Sa tingin ni Jolo, ano ang dahilan kung bakit ayaw sa kanya ng mommy ni Lovi?

"Siguro para sa akin, kung anuman ako, di ba? Siyempre tao lang din nagkakamali din. Pero hindi na mauulit yung pagkakamali na yun dahil natutunan ko na yung mga pagkakamali ko," sabi ni Jolo, na ang tinutukoy ay ang pagkakaroon niya ng anak sa pagka-binata sa murang edad.

Ano ang gagawin niya to prove his worth sa ina ni Lovi?

"Basta papatunayan ko na hindi ako ganun."

Continue reading below ↓

Takot na takot ba si Lovi sa mommy niya?

"Siyempre, malaki rin ang respeto niya sa mommy niya dahil nanay niya ‘yon."

Wala rin daw plano si Jolo na ilihim ang relasyon nila ni Lovi para lang ipagpatuloy kung anumang relasyon meron sila.

"Hindi, kasi para sa akin siguro, malaki ang respeto ko sa nanay."

Consistent naman si Jolo sa pagsasabi na handa niyang ipaglaban ang pagmamahal niya kay Lovi.

"Sinasabi ko naman yun lagi."

Nag-react naman si Jolo sa comment na siya raw ang sisira sa career ni Lovi.

"Bakit naman ako ang makakasira?" tanong niya. "Hindi naman. Siyempre natutunan ko na yung mga pagkakamali ko. Hindi ko na uulitin."

Ano ang assurance ang pwede niyang ibigay sa ina ni Lovi para mapayagan siya sa kanyang intensyon sa dalaga?

"Siguro kailangan muna nating maghintay. Bata pa naman si Lovi. I can wait."

Hanggang kalian naman siya willing maghintay?

"Only time will tell. Only God knows. Kakayanin ko."

Continue reading below ↓

Anong meron si Lovi na kaya niyang maghintay ng ganun katagal?

"Basta nakikita ko sa kanya yung nanay ko."

So, si Lovi yung tipo ng babaeng pakakasalan niya?

"Sa ngayon, masasabi ko, oo."

Magtatambal pa rin ba sila ni Lovi?

"Actually, hindi ko pa alam. Wala pang sinasabi sa akin. Pero si Nanay Lolit [Solis, Jolo's manager] naman ang kinakausap nila, e."

Paano kung hadlangan na ng mommy ni Lovi na magkasama sila sa mga proyekto?

"Siguro hindi naman mapipigilan kung magkatrabaho kami."

Magseselos ba siya kapag itinambal na si Lovi sa ibang artistang lalaki?

"Siyempre work lang naman ‘yon ‘tsaka wala naman kaming relationship," pagtatapos ni Jolo.

Read Next
Read More Stories About
Lovi Poe
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siguro kailangan muna nating maghintay. Bata pa naman si Lovi. I can wait," says Jolo Revilla about Lovi Poe. The two met at a birthday party, Jolo was with his mother, Lani Mercado.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results