Janno Gibbs and Bing Loyzaga dating again after problems in their relationship

IMAGE 0


Janno Gibbs and Bing Loyzaga were seen dating at the lastBench show. "Bihira ang ganitong mga pagkakataon na magkasama kami ni Janno,"says Bing when PEP caught up with the ex-estranged couple. Janno says he issincerely doing his best to make things right and work things out in theirmarriage.



Huling-huli ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angpagde-date ng dating estranged couple na sina Janno Gibbs at Bing Loyzaga sakagaganap lamang na Bench Blackout fashion show sa Araneta Coliseum,nung Friday, July 25.

Nasa bandang dulo nakaupo sina Janno at Bing para mabilissilang makalabas kapag tapos na ang show. Pero naabutan pa rin namin sila at nahingan ng konting panayam.

"Bihira ang ganitong mga pagkakataon na magkasama kami niJanno," ngiti pa ni Bing nang kausapin na ng PEP.

"Usually kasi kasama namin ang mga bata. Pero hindi kasisila puwedeng manood nitong Bench show. Kaya kaming dalawa na lang. Date ba namatatawag ito? Siguro nga, kasi kaming dalawa lang at wala namang masama, diba?"

Nag-agree nga si Janno sa sinabi ni Bing na bihira ang mgapagkakataon na silang dalawa ang magkasama. Kaya hangga't maaari ay ini-enjoynila ang mga sandaling iyon.

"Bukod kasi sa pareho kaming busy ni Bing, kasi may soapdrama ako sa GMA-7 [Codename: Asero], meron din siya sa ABS-CBN 2 [MyGirl], pinipipili rin namin ang mga lugar na pupuntahan namin.

"We don't usually go sa may mga maraming tao kapag dalawalang kami. Pero dahil nga mga kaibigan namin ang nandito sa Bench show kayananood talaga kami. Suporta na rin ito sa mga friends namin.

"Akala ko nga walang makakakita sa amin! Nabuking pa rinpala kaming dalawa!" sabay tawa ni Janno.

So ibig sabihin ba nito na maayos na ang lahat para sadalawa?

"Noon pa naman, maayos na. Ito lang naman angnagpapagulo!" tawa ni Bing sabay turo kay Janno. "Kung hindi niya kasiginugulo, walang magiging problema, di ba?

"Pero seriously, okey naman kami even before. Parati namankaming nag-uusap tungkol sa mga bata and alam naman ng lahat na yung mga timesna naghiwalay kami ay hanggang doon lang. Hindi naman kami umabot samagpa-annul ng kasal namin. So, technically, mag-asawa pa rin naman kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sey naman ni Janno ay ginawa naman daw niya ang lahat paramabuo ulit ang pagsasama nila. Successful naman daw siya sa ginawa niyang iyon.

"Bing knows naman na sincere ako sa kanya at sa mga bata.Alam niya na sila ang priority ko parati. Kaya I did my best para maayos anglahat. Nag-promise naman ako na we will work things out. Kaya heto, date-datena kami ulit," pagtatapos pa ni Janno Gibbs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN