Ogie Alcasid says "magic" of girlfriend Regine Velasquez will never diminish

IMAGE 0


"The magicof a person or a human being will be considered diminished if the person hasdeclared that it has already diminished. All of us are given talents, e. Weshould not put down anyone for that matter. May kanya-kanya tayong maise-sharepara ma-appreciate ng ibang tao. Ipagmalaki at iangat pa natin ang magagawa ngmga artist," says Ogie Alcasid about girlfriend Regine Velasquez and artists in general.



Malakas angdating sa publiko ng bagong inilabas na album ng Universal Records nanagtatampok sa maraming local classics, sa interpretasyon ni Ogie Alcasid. SaMall of Asia idinaos noong Sabado ng gabi, July 26, ang isa saearlier parts ng promo tour ng The Great Filipino Songbook. Dito nakausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) ang singer-songwriter.

"Magaanlang ang interpretation ko sa karamihan ng songs," sabi ni Ogie."Sinadya ko talagang maiba ang style, na ang dating, pabulong daw ako kungkumanta. Intentional yun dahil hindi ko naman kayang i-match ang vocalperformances nina Basil Valdez, Rico J. Puno, Hajji Alejandro, at iba pa. Mgaidol ko 'yan, at hindi ko sila magagaya. Kaya kung ano yung interpretation ko,sa sarili ko nang style yun. Para maiba ang texture, at hindi maging tunog-oldschool."

May sarilingtatak si Ogie sa kantahan. Pero ang prime aim talaga sa pagkakabuo ng nasabingalbum ay yun ngang sariwain ang legacy ng mahuhusay na singers at composers, napara kay Ogie ay magiging tragic kung basta na lang kalilimutan yun ng bagonggeneration.

"Yungpag-idolize ko kina Ryan Cayabyab, Willy Cruz, George Canseco, Rey Valera, atiba pa, yung influences na yun ang nag-shape sa music ko. Hanggang ngayon,hindi naman yun mapapantayan. Sila kasi ang nag-pave ng way sa bagonggeneration of musicians, like me," pahayag ng singer-songwriter.

Mukhang magandaang outcome ng bentahan ng album, pati ang airplays ng "Kung Sakali"ay lumalakas. Kasama rin sa album ang sariling rendition ni Ogie ng mga awiting"Ikaw Lang ang Mamahalin," "May Minamahal," "Ngayon," "NaisKo," "Bato sa Buhangin," "Doon Lang," at marami pang iba.

May plano naraw ilabas ang Volume 2 nito bilang follow-up dito.

REGINE'S COMEDY STYLE. Natawa naman siOgie sa obserbasyon ng marami na mukhang naimpluwensiyahan na niya nang hustosi Regine Velasquez sa pagku-comedy, at hit na hit ang kanyang kasintahan sa GMA-7 primetime series naAko si Kim Samsoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don'twant to take the credit for it, kahit si Reg na mismo ang nagsasabi na natutoraw siya sa akin na para maging effective ang comedy, dapat ay poker-faced langang delivery, parang dedma. But how she was able to characterize Kim Samsoon,sarili niyang interpretation 'yon, humanga talaga ako.

"Pinapanood konga palagi mula pa sa first episode. Ang galing-galing-galing niya! Endearingang character niya, nakakaiyak, nakakatuwa, and the whole cast is very, verygood," papuri ni Ogie.

REGINE'S MAGIC. Mawawala na sa ereang Songbird sa GMA-7, prompting observers to point out na nawawala na angmagic ni Regine. Ano ang comment ni Ogie rito?

"For oneseason lang talaga yung show na yun. Sa timeslot niya, okey pa rin naman yungaudience share na ganoon.

"Pero saAko si Kim Samsoon, gusto siya ng mga tao, kasi kakaiba talaga siya. Nakitaanng malaking pagkakaiba ng fans niya yung ginagawa ni Reg doon. Parang alam narin kasi ng mga tao kung gaano siya kagaling kumanta.

"Tanggap nasiya sa ganoon. E, yung sa comedy, sineryoso niya this time. Reinvention yungginawa niya, without doing it consciously. May talent siya roon, at alam niyangkakayanin niya," saad ni Ogie.

Dugtong pa niya,the magic of Regine Velasquez will never cease or diminish.

"The magicof a person or a human being will be considered diminished if the person hasdeclared that it has already diminished. All of us are given talents, e. Weshould not put down anyone for that matter. May kanya-kanya tayong maise-sharepara ma-appreciate ng ibang tao. Ipagmalaki at iangat pa natin ang magagawa ngmga artist.

"Hindi magandaang ganoong talks, na kesyo nawala na ang magic. Magpasalamat na lang tayo namay kanya-kanya tayong gifts," pagwawakas ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN